Nasa kagubatan ako kasama ang limang lalaki inutusan ni Eila na bantayan ako. Sobrang maingay sila at hindi ako makapagfocus sa paghahanap ng mga halamang gamot.
Kanina kasi may biglang nahimatay sa kampo. Napakataas ng temperatura niya at sabi nila ay kukuha sila ng gamot sa ospital ng syudad pero pinigilan ko sila.
Napakadelikado dun at maaaring masayang lang pagpunta nila dun dahil nagkalat na ang mga taong may sakit.
Kaya nagpresenta akong pumunta rito sa gubat para humanap ng alternative.
"Samantha, hindi ka pa ba tapos diyan?" seryosong tanong ni Zaiko. Sa kanilang lima si Zaiko lang ang matino at hindi nagiingay katulad ng apat.
"Z! Tingnan mo to oh! May naapakang madumi si Almond!" sigaw ni Kali saka humalakhak. Binatukan naman siya ni Almond saka hinila si Rai. Fraternal Twins sila Rai at Kali habang si Almond, Zaiko at Cael ay magpipinsan.
Lumapit sakin si Cael at may inabot na medyo weird na halaman.
"Tingnan mo yan, baka yan na ang hinahanap mo." iba rin si Cael dahil masyadong malamig ang kaniyang awra at parang ayaw mo na siyang kausapin dahil nga nakakatakot siya.
"Ano ka ba Cael! Wag mo nga takutin si Sam!" pasigaw na biro ni Almond.
Napatingin lang sakin si Cael bago tumalikod sakin at umalis. Tiningnan ko ang halamang inabot sakin ni Cael at hinawakan.
Napalundag ang puso ko sa sobrang tuwa. Eto na nga ang hinahanap ko!
"Cael! Saan ka nakakuha nito?"
"Doon." sabi niya saka tinuro ang madilim na sulok ng kagubatan. Mabilis akong pumunta roon at kahit sobrang dilim ay hindi ako natakot dahil mukhang ligtas naman rito. Sa palakad lakad ko ay nakita ko na ang halamang parehong pareho sa hawak ko. Pinitas ko lahat ng makakaya kong dalhin pagkatapos ay babalik na sana ako sa lugar kung saan sila Zaiko nang makita ang paligid.
T-teka nasaan na ba ako?
Ohmygod.
"Z-Zaiko?!" sigaw ko. Pero wala akong narinig na kahit anong mang sagot.
Omygod! Naliligaw ako!
-
(Zaiko's point of view)"Nasaan na si Sam?" tanong ko kela Almond pero nagkibit balikat lang sila. Hindi maganda ang nararamdaman ko. Parang may mangyayaring masama.
"Cael!" tawag ko sakaniya habang abala siya sa pagtipa sa kaniyang cellphone. May signal pa pala? Sino kaya ang katext nito?
Lumapit siya sakin at napakunot ang kaniyang noo.
"Nakita mo ba si Sam? Halos isang oras na tayong andito pero hindi pa rin siya bumabalik."
"Tumakbo siya roon" Sabi niya saka itinuro ang madilim na sulok ng kagubatan.
Goddamnit!
"Bakit mo siya hinayaang pumunta roon ng magisa?!" galit kong sigaw.
Malalagot kami ni Eila pagmay mangyayari sakaniyang masama! Napansin nila Almond ang pagsigaw ko kaya agaran silang lumapit samin.
"Anong problema? Bakit ka sumisigaw?" Tanong ni Almond. Hindi ko siya sinagot imbes ay pumunta sa dulo kong saan pumunta si Sam.
"Samantha!" sigaw ko.
Nakasunod na rin sila Rai sakin.
"Teka nawawala ba si Sam?" tanong ni Kali.
"Samantha!" sigaw ni Cael. Medyo nagulat pa kami sa pagsigaw niya dahil ito ang pinakaunang pagkakataong sumigaw siya ng ganoon kalakas.
"We need to find her bago maggabi. Kundi malalagot tayo." sabi ko saka nagpatuloy sa paglalakad sa masukal na gubat.
"Samantha!"
"Samantha nasaan ka na!"
"Zaiko!" napalingon ako nang may tumawag sakin may tinuro si Almond at baka iyon ay si Samantha na. Nagsitakbuhan kami at lumapit roon at nakita namin si Samantha na nakahandusay sa lupa.
Mabilis akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang pulsohan niya. Napansin kong maraming mapupulang tuldok sa kaniyang balat.
"Maaari kayang kinagat siya ng poisonous na insekto dito?" tanong ni Kali.
Inutusan ko nalang buhatin nila si Sam saka nagmamadaling bumalik sa kampo.
-
"Hindi ko kayo inutusan para maging tanga-tanga na bodyguard niya!" Parang kulog ang pagsigaw ni Eila saaming lima.
Pagkabalik namin rito ay sobrang alalang alala si Eila saniya. Buti nalang at may kagamitan kami ritong nakapagpagaling sakaniya kundi ay baka raw natuluyan ito.
"Jusko naman! Naturingan kayong pinakamagaling na bantay rito pero itong isang tao lang hindi niyo pa nagawa ng maayos ang trabaho niyo?! Fuck!" napatingin ako kay Cael at nakayuko lang siya. Alam kong disappointed rin siya sa sarili niya sa harap ni Eila. Alam ko ring may gusto siya kay Eila kahit hindi niya man aminin saamin.
"Umuwi na kayo sa mga tent niyo! At wag na wag kayong magpapakita sakin bukas ha!" Inis na sabi ni Eila bago kami iniwan.
"Whoo! Kahit kailan ay ang hot hot talaga ni Boss Eila!" biro ni Almond napansin kong tumalim ang titig ni Cael sakaniya.
"Maganda sana kaso..." hindi na dinugtungan ni Kali ang kaniyang sasabihin sa halip ay ngumiwi nalang.
Napailing ako sakanila saka umuwi sa tent nakita ko ang asawa kong nagtitimpla ng gatas.
"Balita ko'y napagalitan raw kayo ni Ate Eila?" sabi ni Era habang nakatalikod sakin. Inilagay ko ang mga baril ko sa gilid ng cabinet saka hinapit siya sa beywang.
"Oo....hindi kasi namin nabantayan ng mabuti si Samantha." malambot ang tinig kong sabi sakaniya. Humarap siya sakin at ginulo ang buhok ko.
"Sa susunod, ayusin mo ang trabaho mo para hindi na uminit ang ulo ni Ate." Nakangiti niyang sabi. Tumango lang ako saka mabilis na hinalikan ang noo niya.
"Kumusta na si Piper?" tanong ko.
"Ayun natutulog. Napagod sa kakalaro kanina kela Warlem." napatango lang ako at napangiti.
–
Napabangon ako saka napahawak sa ulo ko. Damn...parang kinukutaw ang ulo ko ngayon. Unti kong minulat ang mata ko at nakita ko si Eila na may bakas ng pagaalala sa mukha.
"Okay ka lang ba?" tanong niya. Ngumiti lang ako saka tumango.
"Teka...paano ba ako napunta rito?" tanong ko saka dahan dahang bumangon at sumandal sa likod ng kama.
"Mabuti't nakita ka nila Zaiko agad! Hula ko ay nakagat ka ng isang insekto kaya ka nawalan ng malay." sabi niya.
Napatango-tango lang ako. Iniisip ko kanina kung bakit basta-basta nalang akong nakagat ng insekto. Pero wala akong maalala eh.
"Nga pala." napatingin ako sa kaniya at napakunot ang noo. "Nandito siya."dugtong pa niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko. Sino ba ang tinutukoy nito?
"Huh?"
"Si Kurt."
Agad na nanlaki ang mga mata ko dali-daling bumaba sa kama saka nagtatakbo sa labas.
At dun..
Nakita ko siya kasama yung ibang lalaki dito sa kampo. Nagiinuman sila maliban sakaniya. Nakalambitin pa yung hinayupak na babae sa braso niya.
Inayos ko ang damit ko saka naglakad patungo sa direksyon nila.
BINABASA MO ANG
Total Darkness
Science FictionTotal Darkness, wherein darkness will occur and monsters will be the next living thing that will occupy our world.