CHAPTER 16

36 1 0
                                    


Chapter 16: Make Love To Me





To my one and only princess, Vyiana Avictus.





Isang linggo na lang ay kaarawan mo na. Ang usapan ay usapan Vyiana at alam iyon ng iyong ama. Marahil na pamahal ka na sa iyong ama kaya hindi mo sinasagot ang mga sulat na pinapadala sa iyo. Hindi maaring mangyari ang nais mo Vyiana, alam mong tutol ako at kaya kong wasakan ang pader na syang nagtatago sayo. Binabalaan kita Vyiana. Pagsapit ng araw na hinihintay ng taga palasyo ay wala kang magagawa kundi sumakay ng sasakyang pang-himpapawid patungo rito. Binagbigyan kita sa hiling mo at sana ika'y din. Sa darating na araw at muli tayong magkakasama.




Nagmamahal
,
Vynisa Avictus




Nilamukos ko ang hawak kong papel, hindi pa ako nakontento pinag pupunit ko pa iyon ng sobrang liit.




Bakit ba ang bilis umikot ng mundo?! Ayokong ipagpalit ang mga taong mahal ko rito para sa walang kwentang pag-prinsesa sa bansang iyan! Bakit ba wala akong magawa? Ipit na ipit na ako. Darating ang kaarawan ko na hindi saya ang dala kundi napakasamang bangungot! Napakawalang puso mo talaga  Vynisa! Alam kong alam mo ang nangyayari sa akin rito—at alam kong alam mo ang nagyayari kay papa! Pero bakit?! Bakit wala kang ginagawa? Napaka walang puso mo!




"Hey babe,"




Pinunasan ko ang luhang tumagos sa pisngi ko at nakangiting binalingan sya. "Hey," Balik bati ko rito.




Lumapit ito sa akin ng nakakunot ang noo. Hinawakan nya ang mukha ko at parang sinusuri ako kung makatingin sya.




"Are you criying?" Koryosong tanong nito.




Nakangiti parin akong umiling sa kanya. Ayokong makita nya ang kahinaan ko. Ayokong kaawaan nya ako. Atyaka ang kapal naman ng mukha kong idadamay ko pa sya sa kalungkutan ko, natalo na nga kami sa laro kahapon.




"Mapagkakatiwalaan mo ako," Sabi nito.

I A'M POSSESSIVE TOO (OnGoing)Where stories live. Discover now