CHAPTER 20

48 2 2
                                    




NAPALUHOD AKO at nakangangang napatingin kay papa na ngayon ay tinatanggalan ng kahit na anong nakasasaktan sa katawan nya.




No,  this cant be.





Napakagat ako sa pang-ibabang labi at pinipigilan kong humagulhol. Tumayo ako at hinayaan kong mag-unahang tumulo ang luha ko. Lumapit ako kay papa at niyakap sya ng mahigpit.





Masakit ang nararamdaman ko ngayon. Lalo na ng magflash back lahat ng masayang ala ala ko sa kanya. Yung bawat dumadaan ang araw ng kaarawan ko na kahit hindi kumpleto ang pamilya namin ay hindi namin iyon ramdam dahil sa sayang nangunguna. Namimiss ko na ang ngiti nya. Ang mga payo nya. Ang yakap nya kapag malungkot ako. At ang magpapatatag nya sa kalooban ko.






"Bakit? Why did you leave me papa?" Umiiyak na sambit ko at doon na ako humagulhol. " Wake up papa, alam kong gising ka pa. Nagtutulog tulugan ka lang di ba? Gising na papa. Pakiusap," Wika ko at sinubukang iyugyog ang katawan nya pero nanatili paring walang kibo. "Papa naman e, nakangiti ka pa. Nakangiti ka pang tumingin sa akin. Hindi ko na kaya, gumising kana."





Dedion's POV





NABITAWAN KO ang hawak kong bulaklak ng makita ko si Claire na humahagulhol.





"Claire," Sambit ko at mabilis ko syang nilapitan.





Tumingin sya sa akin. Niyakap ko sya ng mahigpit at pilit na pinapatahan.





"Dedion..." Impit nitong umiyak. "Dedion, si papa i-iniwan na ako."


Kung makikita mo lang sya ngayon ay ibang iba na sya sa nakikilala kong claire na palaban. Ramdam ko ang sakit at lungkot nyang nararamdaman. Ang bawat hikbi na lumalabas sa bibig nya ay para iyong apoy na sinusunog ang puso ko. Ang sakit na makita syang nagdaramdam ng sakit. Ayoko syang kalunusan pero hindi ko mapigilan.






"Masaya na si papa kung nasaan man sya, claire. Magpakatatag ka Claire. Magpakatatag ka." I whispered at her.





Pinagsusuntok nya ang dibdib ko pero hinayaan ko lang sya ng mabawasan ang bigat sa dibdib nya. "Dedion, he left me. He left! It hurts, dedion. It really hurts!" Sigaw nito.





Mas niyakap ko sya ng mahigpit at sinapo ang ulo nya. "Hush, di gugustuhin ni papa ang malungkot ka."





Muling bumukas ang pinto at si Tita rita iyon. May tumulong luha sa kanya at tahimik na nilapitan ang kanyang kapatid. Hinila ko si Claire sa malapit na sofa at pinahinga sa balikat ko ang ulo nya. Abot naman ng kamay ko ang pitchel at baso kaya hindi ko na kailangang yumukod pa.





"Water, babe." Anyaya ko at kinuha naman nya iyon. Inalalayan syang uminom.




"Claire," It was tita Rita. Tumingala sa kanya si Claire. Tumahan na sya pero may tumutulo paring luha sa mata nya.





I A'M POSSESSIVE TOO (OnGoing)Where stories live. Discover now