7 DAYS WITH KUYA

4 0 0
                                    

Dedicated to hannamaebyun

;; Ubebicgurl

HER P.O.V

1st Day

"Ano ba naman yan ang bagal mo naman! Malelate na ako oh! Lintek kasing babae na ito!"

Sigaw ng kuya ko saakin. I am Azzi, 16 years old. Dalawa na lang kami ni Kuya dito sa bahay, namatay na si Papa habang si Mama iniwan na kami.

Simula noon, lagi na lang akong inaaway ni Kuya. Ako daw kasi yung dahilan kung bakit namatay si Papa, at kung bakit naghanap si Mama ng iba kaya iniwan kami.

2nd Day

Habang nagluluto ng ulam, nagulat ako ng biglang may narinig akong ingay galing sa sala. Agad akong tumakbo para tingnan at laking gulat ng makitang si Kuya'y umiiyak.

"Ano ba problema mo dyan Kuya! Wala ka ng ibang nagawa kundi ang magkalat dito sa bahay! Ano ba!"

Tiningnan niya ako at laking gulat ko ng bigla siyang lumapit sakin at tinulak ako ng malakas dahilan para matumba ako at matama ang aking ulo sa upuan.

"Napaka walang kwenta mo! Hindi ka nakakatulong Azzi! Sana ikaw na lang yung namatay e! Sana ikaw na lang! Puro ka pasakit! Ikaw ang may kasalanan s lahat ng paghihirap ko! IKAW!"

May mga tumulong luha
sakaniyang mga mata.
Pinigilan ko ang aking mga luha na mahulog galing saking mga mata
dahil sa mga masasakit na salitang natanggap ko galing sakaniya.

Wala naman akong ginawang masama ah? Pero bakit ganito ang nangyayare?
Kasalanan ko bang namatay ang aking Ama?

3rd Day

"Azzi hindi ka ba uuwi sa bahay niyo?"
tanong ng kaybigan kong si Jex

"Para san pa? Para pagsigawan ulit ni Kuya tapos patayin gamit ang mga salitang yun ha?"

"Umuwi ka na. Magaalas dose na ng gabi pero nandito ka pa din"

"Shut the fuck up Jex"

4th Day

Sa pagbukas ko ng pinto ng aming bahay, isang sampal mula sa Kuya ko ang aking natamo.

"Saan ka na naman nagpupunta ha?! Hindi ka umuwi kagabi! Ano ba naman yan Azzi! Wala ka ng ibang nagawang maayos puro ka kalandian!"

Tinalikuran ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad papunta saking kwarto. Lagi naman akong malandi para sakaniya e. Edi ako ng malandi.

5th Day

Maaga akong umalis ng bahay. Agad akong dumiretso sa tambayan ng mga kaybigan ko. Nag iisang babae, puro sila lalake.

"Bakit hindi mo kasama si Jex?"

"Si Jex? Tss. Alam kong isusumbong ako nun kay Kuya mamaya niyan pagsabihan na naman ako nung malandi e"

Jex is my bestfriend. Ewan ko ba kung bestfriend ba turing nya sakin kasi lagi niya na lang akong sinusumbatan. Laging pinapagalitan. Tss daig niya pa si Papa.

6th Day

"Huy Azzi, hindi mo pa din ba sasagutin ang tawag ng Kuya mo?"

"Wag na. Yaan nyo siya. Tutal papagalitan na naman ako nun."

Kahapon pa ako dito sa tambayan namin. Hindi nila ko iniwan. Dito ako natulog. Binantayan nila ako. Mas tinuturing nila akong kapatid di gaya ng pagtrato sakin ng kapatid ko.

"Baka nag aalala na yun sayo Azzi, birthday mo pa naman"

"Hayaan niyo na nga lang siya. Baka nga masaya pa yung wala ako sa bahay e"

7th Day

Nakatanggap ako ng message galing sa Kuya ko. Hindi ko na sana titingnan pa pero.. May kung anong pumilit sakin para basahin yun.

From: Kuya Tj

[Azzi, parang awa mo na. Magparamdam ka na sakin. Umuwi ka na ng bahay. Ilang araw na akong nag aalala sayo. Alam kong galit ka sakin pero please naman oh umuwi ka na. Di ko kaya kung may mangyare pa sayong masama. Mahal ka ng Kuya mo Azzi. Umuwi ka na. Happy birthday]

Biglang may tumulong luha galing sa mata ko ng mabasa ko yun.

Agad akong umalis ng tambayan namin nang hindi nagpapaalam sa mga kaybigan ko.

Pagpasok ko lang ng bahay bumungad kagad sakin ang isang malaking teddy bear at mga balloons. May nakapaskil pa sa pader na pictures naming dalawa ni Kuya.

Nilapitan ko yun. Tiningnan ng maigi.

Agad akong tumaas ng kwarto para hanapin si Kuya.

"Ku~~"

Nabitawan ang hawak kong box sa nadatnan ko sakaniyang kwarto.

Dugo...

ang ginamit napangsulat sa pader..

[Sorry na bunso]

Inikot ko ang buong kwarto niya.

"Hindi pwede.."

Napasigaw na lang ako sa nakita ko sa Kuya ko. Hindi ko kaya ito. Hindi pwedeng mangyare to..

Kuya..

Bakit nakapikit ka?
Bakit duguan ka?
Bakit di ka tumatayo?
Bakit di ka na humihinga?

"KUYAAAAA!!!"

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon