Dedicated to
;; Ubebicgurl
——•
Pauwi na ako ngayon ng makita ko sa di kalayuan si Sheyne— bestfriend ko na parang naghihintay.
"Uy En! Sa wakas at andito ka na kanina pa ko naghihintay!" bati niya habang naglalakad palapit sakin. Niyakap niya naman ako sa nakipagbeso pa.Taga ibang section si Sheyne kung kaya uwian lang kamk nagkakasama. Pano ba naman kasi ang layo ng room nila sa room namin, nasa kabilang building pa —,—
"Kamusta na? Nakita mo ba ulit si Lance?", tanong nito sakin at awtomatiko naman akong napangiti ng marinig ang pangalang binaggit nito.
Si Lance and ultimate crush ko simula ng Grade 3 pa lang kami. We studied at the same school when we were in elementary until now. He's a varsity player in our school and he's one of the famous student here. Matangkad, Mabait, Matalino, at Gwapo halos lahat nasakaniya na e.
"Balita ko may laro sila kanina, nanood ka ba?"
"Hindi e. May klase kasi kami"
"Ay sayang ka En, ang hot pa naman kanina ni Lance"
"Eh?"
"Oo lalo na nung naliligo na siya sa sarili niyang mga pawis. Shet En, kung andun ka sana malamang namatay na ako sa bugbog mo"
"Baliw ka talaga. Sayang nga di ko siya napanood"
"Kasi naman! Kung nagcut ka nalang ng klase edi nasuportahan mo sana siya! Pak!"
"I don't cut class bitch"
"Ay pak. Sabi mo e"
"Uy nga pala. Inaccept niya na ako sa Facebook!", pabulong na sigaw ko habang hinahampas ang braso niya sa kilig.
"Aray ko naman En! Inaccept ka lang naman pero ang saya mo kala mo kung sinong niligawan ng crush e"
"Ah basta! Atleast napansin niya ako oh diba!"
"Di ka naman chinachat! Bleh!"
Natahimik na lang ako sa sinabi ng isang ito. Kahit kaylan talaga napakaepal nito. Hays.
"U-uy E-En..", nauutal na sabi nito habang kinurot kurot ang kamay ko. Nakatulala lang ito nakatingin sa malayo. Tiningnan ko naman ang tinitingnan nito
"Ano bang prob~~O..M..G!", pabulong ko sigaw at sinimulan ko nang kurutin ng sobrang lakas ang kamay ni Sheyne dahilan para mapasigaw ito sa sakit.
Nakita ko si Lance sa di kalayuan na tila bang may inaabangan. Nakajersey lang ito at mukhang galing sa laro lang. May towel pang nakalagay sa balikat nito at at buhok niyang magulo. Shet lang. Ang gwapo niyaaaa!
"This is it pansit! Chance mo na to girl!", sigaw niya sakin at inayos ayos pa ang buhok ko.
Pinatahimik ko naman siya ng malapit na kami sa pwesto nila. Kinukurot ko pa din ang kamay nito habang papalapit at papalapit kami sa pwesto nila.
Shet. Sana mapansin ako ni Lance.
"Aveinne", natigilan kami sa paglalakad ni Sheyne sa biglang sumigaw ng pangalan ko. Nagsimula ng manigas ang buong katawan ko.
Paksyet malutong, si..L-lance..
"Are you Avienne right?" tanong nito nang tumabi siya sakin.
WAAAAAHHHH!!!
"Ah..Ehh..O-oo", nauutal ko pang sabi. Nakatingin lang ako sa baba. Omo kinikilig ako!
"I'm Lance, do you mind if ihahatid kita sainyo?"
Napalunok ako bigla ng sariling laway ko sa seryosong sabi nito. Putang ina.
Nasasaktan man sa kurot ng bestfriend ko ay di ko pa din mapigilan ang matuwa. Naglalakad na kami ngayon pauwi ng bahay kasama si Lance. Naiilang talaga ako shet. Ang gwapoooo!
"May problema ba En? Why aren't you talking to me?", tanong nito
"S-sorry.. Hindi lang ako sanay"
"Sanayin mo na. Araw araw kita bshafaisksb"
"H-ha?", tanong ko. Hindi ko narinig sinabi niyang huli.
"Ah wala. Siya nga pala En, ang ganda mo"
Literal na tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. 'Siya nga pala En, ang ganda mo'
Eto na ba yung wish ko? Waaaah halos mamatay na ako sa kilig hanuebaaa.
"Uy yiiiieeee En bakit natulala ka diyan! Hoy!!!", nabalik ako sa realidad nang sigawan ako ng kaybigan ko.
Nakatingin sakin si Sheyne at Lance. Nakangiti. urgh..
"Ayos ka lang ba En?", tanong ni Lance sakin
"Ah eh.. O-oo. S-salamat", sagot ko naman
"LANCE!" sigaw ng kung sino. Pareho silang dalawang napatingin sa gawing likuran ko sa sigaw ng isang babae.
Nag iba ang ekspresyon ni Sheyne ganun din si Lance. Agad naman itong lumapit sakin na nakaharap pa rin sa gawing likuran ko, habang ako nakatingin kay Sheyne na para bang sinasabihan akong wag akong tumingin.
"Lance", muling sabi ni babaeng yun ng makalapit. Hindi pa din ako makaharap dahil sa kaba. Parang masasaktan ako kung titingin ako.
Naramdaman ko ang kamay ni Lance na humawak sa kaliwang kamay ko. Tiningnan ko yun. Nagulat. Muli kong tiningnan ang mukha niya. Nakatingin siya sakin.
"Wag kang lilingon", sabi nito at binitawan na ako. Naiwan akong nakatanga dito at naglakad na siya papalayo.
Walang kung ano ano'y lumingon ako sa likod dahil sa kyuryusidad.
"En!", sigaw ni Sheyne ng lumingon ako. Biglang may kung ano anong naramdaman ng lumingon ako.
"Let's go Babe!I miss you so much!", saad ng babae habang yakap si Lance at hinalikan pa ito sa labi.
Sandali lang yun dahil kumawala kagad si Lance at galit na tiningnan akong nakatingin sakanilang dalawa.
"En..", bulong niya.
Tutulo na ang mga luha ko ng may maramdaman akong kamay na humila saakin papalayo doon.
Nakatingin pa din ako sakanilang dalawa na ngayon ay nakatingin saakin.
Nang tumigil na sa pagtatakbo ang taong humila sakin ay di ko na napigilan ang sarili kong maiyak.
"Bakit ka lumingon?!", galit na sambit pa nito.
Hindi ko siya pinakinggan sa halip ay nagpatuloy lang sa kaiiyak.
Gusto ko din siyang tanungin kung bakit niya ko hinila papalayo dun? Eh akala ko ba isa lang akong epal sa buhay niya?!Oo. Ang taong humila sakin papalayo ay si Kevin, ang mortal enemy ko.
"Tss. Stupid Girl, stop crying." galit pa ding sabi nito at nagulat na lang ako ng niyakap niya at pinatahan ako pero hindi ko na pinansin pa yun.
Nasasaktan ako at wala akong oras para makipag away sa lalakeng ito.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
AcakAng librong ito ay naglalaman ng mga maiikling kwentong ginawa ko. Sana'y inyong magustuhan. Ang ibang kwento'y naipost ko na saaking RP Account. Maraming salamat. ❝ Plagiarism is a crime! ❞