TRUTH OR DARE

1 0 0
                                    

Dedicated to

;; Ubebicgurl

Katatapos lang ng klase namin at malamang ay nagsi-ingayan na ang mga kaklase ko.

May ibang nagsilabasan, may ibang nagsisikantahan, may ibang nagdadaldalan at may ibang naglalandian.

Imbes na tingnan ang mga kaklase kong may kaniya-kaniyang mundo ay kinuha ko na lamang ang cellphone ko at agad na binuksan ang Messenger ko.

*ting

Awtomatikong napangiti ang mga labi ko sa nakita ko.

Lance Mindev messaged you

👤: Love, let's play a game?

; Anong laro mahal?

👤: Truth Or Dare?

; Ah sure. Hmm. Truth.

👤: Bakit kahit pinagtatabuyan kita di mo pa din ako iniiwan. Bakit kahit anong pilit kong magmahal ka ng iba di mo ginagawa? Bakit di ka napapagod na intindihin ang ugali kong 'to?

; Tinatanong pa ba yan? Of course I love you.

👤: Love.. Sheyne.. Can I dare you?

Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero parang ikasasakit ng pakiramdam ko ang sasabihin niya sakin.

I heaved a sigh and replied.

; Dare me anything

👤: I dare you to stop loving me

At tumigil ang mundo ko sa nabasa ko. Is he out of his mind?

; Hey HAHAHAHA! You can't fool me. Stop joking around. Lol AHAHA!

Pinilit ko ang tumawa gaya ng pagtawa ko dun. Pero kahit ano mang pilit kong pagtawa ay siya ding pagtulo ng aking mga luha.

👤: I'm not fooling you. Sheyne, its a dare. Stop loving me. Please hate me now. I'm sorry. Let's end this relationship.

; Uy HAHAHA ang galing mo mag-acting diyan mahal! WAHAHAHA dami ko talagang dawa dito. LMAO.

'Uy ang sakit mo magsalita mahal. Dami ko ng luha dito haha'

👤: May iba akong mahal sa Real World. At hindi ko siya titigilan hanggang sa mahalin niya din ako gaya ng pagmamahal ko sakaniya. Nasasaktan ako sa'twing nakikita ko siyang ang saya saya niya dahil kausap niya sa cellphone yung taong mahal niya and how I wish that was me pero hindi. Sheyne, hindi ko pinagsisihan na nakilala kita. I loved you but I realized that I still love her. Sorry for hurting you. Please stop loving me. I dare you.

Sabay ng pagdating ng aming teacher ay ang pagtakbo ko papalabas ng room. Hindi ko na nakayanan ang sarili ko sa pag-iyak. Sobra akong nasasaktan.

Napa-upo na lang ako sa bench ng manlabo ang aking mga mata dahil sa mga luhang patuloy pa rin sa pag agos.

Kung alam niya lang na pati sa Real World ay siya ang mahal ko. Hindi lang sa Dummy Account or RPW pati na din sa Real World.

"Shine? H-hey are you okay?", isang pamilyar na boses ng isang lalake ang narinig kong lumapit sakin kaya dali dali kong pinunas ang mga luha ko

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniyang pataray.

"Sinundan kita. Bigla ka na lang kasing umalis ng klase na wala man lang paalam. Kaya eto ako. Bakit ka umiiyak? May nagpa iyak ba saiyo ha?!"

"Wala. Ayos lang ako", nakangiting sabi ko sakaniya

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang mahalin ang lalakeng ito na walang ibang ginawa kundi ang mahalin at protektahan ako. Ang tanga ko din minsan e.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon