The Text Message

6 0 0
                                    

ALLEGIANCE
Chapter One; The Text Message
002

Ziche's POV
[...]

"Zycheeeee! Gumising kana diyan?!?"

"ha?"

"Anong 'Ha'? Ala siete na! Malilate kana!"

"hakdog? What? Ha? Bat di moko ginising moma?" (tawag ko sa yaya ko; MOMA).

Napapoker face naman si Yaya at lumabas na ng room ko. Dali-dali naman akong naligo at nagdali daling bumaba. Pagkababa ko ay bumungad agad ang ichura ng mukong ko na Kuya. Mukhang nang-aasar pa. Tsk!

"Anong tinitingin mo ha?" galit na sabi ko sa kanya.

"Di na ba pwedeng tumingin lil sis?" nakangisi pang sabi niya.

"Bakit nga?" inis na sabi ko.

"kasi nga masaya ako ngayon ayie hahaha!" malakas na tawa niya. Iniinis niya talaga ako eh..

"Ahhh share mo lang?" sarkastikong sabi ko. Napakunot naman ang noo niya.

HAHAHAHA! BOOM SAVAGE!

"Wag na kayong mag-away at kumain na kayo dito. " sabi ni Moma.

Si Moma na lang kasi ang nag-aalaga samin dahil palaging busy si Mama at Papa. Halos di na nga kami magsama-sama eh. Hayss.

Umupo na ako sa upuan at nagsimula ng kumain. Umupo naman si ate Zel sa harap ko at.... ARGHHH. Sa tabi ko naman si Kuya Zaynnnnn?!!!! Hmmp.!!!

Lagi niya talagang sinisira ang araw ko. I hate him!

Pagkatapos kung kumain ay nauna na akong lumabas at sumakay sa kotse. Pinili kong maupa sa tabi ni kuyang driver. Ayaw ko kasi makatabi si Kuya baka lalong sumobra ang sira ng araw ko. Hihe.

Nang umakyat na sa kotse si Kuya ay agad ko namang kinuha ang cellphone at earphones ko. Binuksan ko ang fb account ko. Habang nagso-scroll ako ay nakareceive ako ng text message.

09091418044: Bilang na ang araw mo.

Nagulat naman ako at binasa ko ulit. TAMA ANG PAGKAKABASA KO! Bumilis ang tibok ng puso ko, natatakot ako ewan ko kung bakit. May kung anong bagay na nagpapatayo ng mga balahibo ko.

'what? Bilang na ang araw ko?'

'hutek!'

'advance mag-isip ni texter ha!'

Nahalata naman ni kuya na nagpapawis ako. "Hoy okay ka lang?" tanong niya "HAHAHA natatakot kaba pumasok? Hala baka naihi kana HAHAHAH."

Argh! Kahit kelan talaga Zayn Hedrew!

"Oh bakit di ka nakasagot?" sabi pa niya. Di pa rin ako sumagot, nakatingin lang ako sa bintana. Kinakabahan ako sa nareceive kong text message. Sasabihin ko kaya kay Mama? Papa? Moma? Kuya? Ate? ... Hays, wag na lang baka isipin pa nilang nakikipag-away ako sa School.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa School. PERVILLA NATIONAL HIGHSCHOOL, one of the most indemand HIGHSCHOOL in the Philippines. Kinakabahan akong pumasok kahit na anak ako ng mayari nito. Natatakot kasi ako na baka wala akong maging kaibigan pero mas natatakot ako sa text message.

ALLEGIANCEWhere stories live. Discover now