Kabanata 2
Alaala
"Lev, tara punta tayo sa park", sabi ng aking kababata nakalaro ko sa panahon ng aking pagkabata. Di ko na tanda ang kanyang itsura yung mga oras na iyon. Ngunit ang tanda ko lamang sakanya ay ang palangiti niyang mukha.
"Tara..." , sinabi ko ng buong kasabikan dahil tuwing nandyan siya hindi ko kayang tanggihin ang bawat alok niya sakin pumunta sa park na yon.
Alarm: 6:00 a.m
Muli inimulat ko ang mata ko kasabay ng pagdating ng isang magandang araw na nagpapahiwatig ng bagong simula nanaman sa aking buhay.
Itinigil ko ang nakakaistorbong tunog ng aking alarm clock sa aking malapantasyang panaginip.
Sino ba 'yong kalaro ko yung bata ako? Meron ba akong kababata? Unang tanong na tumusok sa aking utak ngayong araw na ito.
Stop overthinking. Nakakabaliw na yata yung napanaginipan ko. Inunat ko na ang aking sarili para maghanda pumasok sa aking eskwelahan.
Bumaba ako ng hagdaan ng nakita kong ang aking nanay naghahanda ng aming almusal.
"Good morning anak", bumungad na sabi ni mama sakin.
"Kain ka na ng breakfast para may lakas ka mamaya :)", sabi niya ng makaupo na ako sa upuan para kumain.
"Good morning ma. Salamat," sabi ko naman bago kumain. Bibihira lamang magluto ng almusal ang aking nanay dahil sa kanyang trabaho. Isa siyang business woman. Naging maluwang lang ang kanyang schedule kase kakalipat ko lang sa aking bagong paaralan.
Habang ako ay kumakain di mapigilan ang aking isipan mapaisip sa napaniginipan ko kagabi.
Matapos kong kumain ay hinanda ko na aking uniporme. Long sleeves with patch ng school namen with may neck tie ang top, ang pambaba ko naman ay skirt hanggang tuhod. I take a shower and brush my teeth. Syempre di dapat mawala ang proper hygiene before going to school.
Pagkatapos kong maligo at magtooth brush dumiretso ako saaking kwarto upang magsuklay ng aking mahabang buhok at iniayos ko ang aking sarili upang maging presentable ako sa school mamaya.
Nagpaalam na ako sa aking nanay at nagmamadali akong pumunta sa school ngayon dahil malalate na ako.
As I walk along the street at may bitbit akong tatlong libro. I'm that kind of nerdy girl. Parang kaibigan ko na kase yung mga libro since bata ako.
Booogssssshhhhhhh!
May kung anong bumungo at halos masakit pa sa sampal ang nararamdaman ko ngayon.
'Di ka ba marunong tumingin sa dinararaanan mo'. Ang pagkagalit kong sabi.
Nahulog na din ang mga librong hawak hawak ko kanina. Kaya pupulutin ko na sana kaso lang nga agad naman ito pinulot ng lalakeng nakabunggo sakin.
Inilagay niya ang mga libro saaking kamay at tumayo saaking gilid.
'Miss, ikaw siguro ang di marunong tumingin sa dinaraanan mo', sarkastiko niyang sabi. Nakuha pa niyang ngumiti at naglakad diretso ng hallway hindi niya ako tinitigan. Bigla nalang siya nawala parang hangin. Halos natulala nalang ako sa mga sinabi niya sakin. Parang nanlamig pa ang aking tenga. Pamilyar ang boses na yun ahh?
--
Hanggang ngayon nasa isip ko paden ang aking napanaginipan kagabi...
Nakakapagtataka kase bat may batang lalake dun at kalaro ko pa.
"Miss De Guzman?..." tawag sakin ng aking guro.
"Y-yes sir?", tanong ko saaking guro.
"Are you with us?..." sa pagkakasabi niya halos ang aking mga kaklase napatingin sa kinauupuan ko.
"O-o-of course sir", sabi ko na nakangiti.
"Nagrerecord ako ng scores niyo at tsaka ilang beses na din kita tinatawag".
Ganun ang naging takbo ng klase sa araw na ito. Lagi ako nakatulala at lumilipad ang aking isipan.
"Sean, san pala si Lev?..."
"Yun sinabi lang niya sakin mauna na daw tayo may pupuntahan lang daw siya"Pumunta ako sa aming school garden upang maramdaman ang sariwang hangin. Tumingin ako sa mga ulap. Nakakagaan talaga ng pakiramdam pag tumitingin ako sa langit. Parang lahat ng inaalala mo sa buhay biglang mawawala.
"Hay, ngayon lang ulit nangyari ito sakin"
Muli akong nagiisa sa garden. Naririnig ang mga huni ng ibon at ang mga dahon ay sumasayaw dahil sa hangin.~Hanggang sa panaginip lang ba kita masisilayan? Ikaw ang nilalaman ng aking isipan ngunit ang puso hindi alam kung nailagay ka na ba o hindi.