Coffee Shop part I
(Waiting for nothing)
"Mga pare may bagong coffee shop yung pinsan ko, eh ininbitahan niya ako, gusto niyo sama kayo?" Yaya sa amin ng tropa naming si Kean.
"Sige ba, tutal wala naman akong gagawin." Sang-ayon ni Jocris.
"Oh sige ako din join ako jan" sabi naman nitong si Eight
Lahat sila sumang ayon maliban sa akin.
Nagulat ako ng sabay-sabay silang tumingin sa akin.
"Oh?! Bakit, bakit ganyan kayo maka-tingin sa akin?." Sabi ko sa kanila.
"Patay malisya ka pa?, ano?, sasama ka?" Tanong ni Jocris.
"Hindi na brad, uuwi ako ng maaga ngayon, tsaka boring lang ako jan at wala ako sa mood maglibang ngayon."
"LUL? UWI? ikaw, seriously Claude uuwi ka nga, eh sa pagka-kaalam ko kaya wala ka sa mood kasi yang tatay mo nag lalagi ngayon sa mansyon niyo?!" Pang babara sa akin nitong si Eight.
"Kahit kailan ka talagang Walo ka eh, no? Sarap mo sipain."
Lumapit sa akin si Kean.
"Pare 'nu ka ba?, barkada bonding 'to... Kaya sama kana, ako nakiki-usap sayo."
Anu pa ba? Edi sasama na ako, siya na naki-usap ng maayos eh.
• • • • • • • • •
"Maganda nga brad, ang laki ng place ha?, ang laki ng garden." Komento ni Eight.
Nandito na kami ngayon sa Coffee Shop, malaki nga... Ang naisip ko kasi kindda bored, Typical na coffee Shop lang.
"Hey! Couz, we're here!" Tawag ni Kean sa babae, Dahilan para maagaw nito ang pansin ng babae.
"Oh.I thought you wouldn't come." Sabi nito.
Umiling na lang si Kean bilang sagot.
"By the way guys this is Amanda my cousin, and Amanda this are Jocris, Claude and Eight." Pakilala nito sa amin, So? Siya ang may-ari nitong Coffee Shop, parang masyado pang bata itong isang 'to.
Pumasok kami sa mismong looban ng coffee shop. I was supprised when I saw a mini stage, woooh! Interesting. Tapos mayroon pa akong nakitang mga instrument.
"Kean, si Amanda lang ba may-ari nito, parang ang laki kasi nito, tsaka kung titignan mo parang kasing edad lang natin siya?" Usisa ni Jocris.
"Sabi sa akin ni Amanda, hindi daw, hati-hati sila ng kaibigan niya dito. Pinag-ipunan nilang mag kakaibigan ang pagpapagawa dito sa Coffee Shop." Sagot ni Kean.
Napa-tango na lamang si Jocris.
"Ilang taon na ba si Amanda?, Ireto mo naman ako." Sabi ni Eight sabay akbay kay Kean.
"Abnormal, e kung bugbugin kaya kita jan..." Singhal ni Kean.
Tumayo muna ako, upang umorder ng makakain. E sa wala talaga ako sa mood makipag-kulitan sa kaibigan ko ngayon.
"Good Morning sir!" Masiglang bati sa akin ng babae sa counter.
"Miss pa order nga ng two slice ng cheese cake, then pineapple juice."
"Iyon na po ba sir, wala na po ba kayong idadagdag?"
"'yun lang."
"Okay, sir hintay lang po sandali."
Nag-hintay nga lang ako sandali, pagkakuha ko ng inorder ko dumeretso ako sa garden ng coffee shop, gusto ko magpa-hangin muna sandali.
♪Oo nga pala?♪
BINABASA MO ANG
Coffee Shop
Short StoryCollection of One shot Salamat po sa nagbabasa at sa mga magbabalak na basahin 'to^^ •BLU3t3ars