Coffee Shop
(Eyes, Nose, Lips)
~
“Mga halimaw kayo!” Sabay hagis ko sa teddy bear na bigay sa akin ni Dren.
“Mag lalandian na lang kayo sa harap ko pa.” Sabay punit ko ng picture namin magkasama, at binato ko ulit.
“Bwisit kayong dalawa hindi na kayo nahiya!” Sabay bato ko ulit, sa damit na bigay sa akin ni Dren.
“Manloloko ka Dren, Mamatay ka rin tandaan mo yan!, mamatay din kayong dalawa.” Binato ko ang huling bigay niya sa akin isang pares ng sapatos.
“ARAY KO!”
May narinig akong sumigaw mula sa lugar ng pinag-batuhan ko. Hala may tao ata?
Sumilip ako at nakita ko ang isang lalaki na sapo-sapo ang ulo.
Nagulat ako ng tumingin siya sa akin, Ewan ko bigla na lamang ako napatakbo ng makita ko ang mga mata niyang nanlilisik. Ramdam ko na sinusundan niya ako, kaya lalo ko pang binilisan ang aking pag-takbo, pumunta ako sa Coffee Shop, magtatago muna ako doon.
Mukhang 'di naman niya ako makikita rito.
“Ate Leena, 'san si ate Jessey ko?” Tanong ko sa kaibigan ng ate ko.
“Ewan ko, kalat-kalat lang siguro yan d'yan hanapin mo lang, o kaya tanong mo kay Amanda baka alam niya.” Sabi nito.
“Maya na, pagod pa ako e. Pahingi na lang ako ng chocolate cake with strawberry filling tsaka… juice na lang, kahit anong juice 'di naman ako maarte.” Sabi ko kay ate, lahat kasi ng kaibigan ng ate ko ka kasundo ko.
“Hoy!, grabe ka pahingi talaga.”
“Ay! 'di pala singilin mo na lang si ate ko.”
Binigyan niya ako, tapos pumunta ako sa sulok ng Coffee Shop.
Ito ang favorite na lugar ko. Bihira lang kasi ang may pumupun----
“Miss pwede maki-upo?” Paki-usap ng lalaki kararating lang at mukhang may hinahanap, dahil hindi ito naka tingin sa direksyon ko.
“O-oo naman.” Sabi ko na lang. Pano mukhang galit si kuya.
'Bwisit kasi 'yun e, sakit tuloy ng ulo ko' Bulong nito pero dahil may tengang tsismosa ako rinig ko ang bulong niya.
'Ano ba kasi ang ginagawa niya, Humanda sa akin yung babaeng naghagis ng sapatos sa akin' Biglang nag pantig ang tenga ko sa narinig ko. Eto ata yung lalaking 'yun, 'patay'.
Dahil sa narinig ko unti-unti akong yumuko, tumayo ng dahan-dahan at humakbang ng pa unti-unti, para umali---
“Jennelle!”
Napatingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang boses ni ate Jessey. Ngunit kasabay ng pagkuha ng atensyon ko, ay ang atensyon din ng lalaking galit na galit sa akin.
“Oh!, Niel kilala mo kapatid ko?” Tanong ni ate, kay ano daw, Niel.
'Hala? Anu daw kilala ni ate tong nakakatakot na lalaki na 'to'
“Hindi ate Jessey, naki-upo lang ako dito wala na kasi akong mahanap na lugar.”
Hindi ko magawang lumingon, parang nanigas ako sa pangyayari.
“Ahhh… ganun ba?” Sabi nito.
Biglang lumipat ang tingin sa akin ni ate.
“Hoy Jennelle, kumuha ka na naman ng pagkain dito, binayaran mo ba yan?”
BINABASA MO ANG
Coffee Shop
Short StoryCollection of One shot Salamat po sa nagbabasa at sa mga magbabalak na basahin 'to^^ •BLU3t3ars