Chapter 5

399 5 0
                                    

Revenge

Samantha's P.O.V
Ano batung si Claire kung ano-ano nalang pinag-gagagawa at naisipan pang pumunta ng canteen kahit kakakain lang namin 10 mins. ago at palagi nalang akong sinasabihan ng payatot,ang totoo talaga nag da-diet ako.

"Bilisan mo naman sa paglalakad Sam. ang bagal mo",naiinis niyang sabi.

"wow!Claire hah ikaw na nga itong nagpapasama hinuhusgahan mo pa lahat ng kilos ko",naiirita kong sabi.
"ayy basta bilisan mo nalang".

"bakit kaba nagmamadali Claire?may naghahabol ba sa'yo?".
"wala nagugutom na ulit ako ehh,ayaw kung maubusan ng pagkain".

Kahit kailan talaga tung babaeng to ang patay gutom parang hindi kumain ng 3taon kaya ayan tumataba ng husto.

"hindi kaba pinapakain ng mga magulang mo Claire?",pagtatanong ko.
"pinapakain naman pero di pa sapat kaya pinapabaon nila ako ng kung ano-anong pagkain pero di parin ako mabusog-busog."

"patay gutom ka talaga Claire ,tara na nga bumalik na tayo sa classroom kasi iniwan lang natin yung dalawang yun."

di ko namalayan na kanina pa pala kami nakaabot sa canteen kaya pala nakakain natung empaktang Claire na ito di mn lang ako sinabihan kaya ayun pinadali ko sya sa pagkain habang naglalakad.

Naglakad kami ng tahimik at di na nag -uusap at ano bang pag-uusapan namin?,tanong ko sa loob-loob ko.

Habang naglalakad kami may naka bangga akong isang babae na kasama ang kanyang kaklase .

"ohh!"sigaw niya pagkabangga ko sa kanya kasi naka tingin lang kasi ako sa sahig .
"Ayy sorry di ko sinasadya",seryoso kong pagpapaumanhin.

"Are you stupid ?little ugly girl can't you see na may dumadaan tapos mamamanga ka wag ka kasi tatanga-tanga",pagsusungit niya.

"wow! ako pa talaga ang tanga ? ikaw dapat ang tumingin sa dinadaanan mo bakit ikaw ba ang may ari ng daanan na ito?,pasigaw kung sabi.

"Ehh sino kaba para sabihan ako ng ganyan?",pagtataray niya.

di ko siya sinagot at di ko gusto na lumaki pa ang away na ito kay tinalikuran ko lang siya nang bigla niyang hinila ang buhok ko.

"Bastos kang babae ka nag-uusap tayo tapos tatalikuran mo lang ako?",nagagalit niyang sabi.

"ako pa ang bastos ngayon nag sorry na nga ako diba,kung ayaw mo nang sorrt edi paumanhin baka kasi 'di ka nakakaintindi ng English",pagsusungit ko ulit.

Bigla na lang niya akong sinabunutan."Alam mo di ka marunong gumalang at rumespeto sa magaganda".tugon niya
"Hindi bakit ganda ka?ganda ka?eh sa pinapakita mo ngayon maganda ba?".sagot ko habang sinasabunutan sya.Nang biglang dumating ang guard ng campus.

"Huy tama na yan pambihira kayong mga bata kayo hali kayo dadalhin ko kayo sa principal office."pag-aawat niya.

Papunta na nga kami ngayon sa principal office at naisip ko baka ipatawag nila ang parents ko hindi maaari dahil sabi nila pag pinatawag raw sila sa school dahil nakipag away ako palilipatin nila ako sa ibang paaralan at ayaw kung mangyari yun kaya nagmakaawa ako.

"Manong guard 'wag niyo na po ako dalhin sa principal nangangako po ako na hindi ko na po ito uulitin."pagmamakaawa ko.
"ayy hindi pwede!"sabi niya."Kung kailangan ko pong lumuhod gagawin ko po lahat basta 'wag niyo lang po ako dalhin doon."habang luluhod na sana.

"Ohh sige basta 'wag niyo na itong ulitin pa ha".  "Opo manong guard" ito naman si Claire di ako tinulungan kanina kasi kain lang inaatupag.

Jean's P.O.V
Nagtataka ako bskit di pa dumadating ang dalawang empakta kung mga kaibigan nag -aalala tuloy ako at ito naman si Chris. dal-dal lang ng dal-dal daig niya pa ang babae.

"Uhhh Christian pwede mo ba akong samahan hanapin sila Sam. at Claire".  "Uhh sure my princess ikaw paba malakas ka sa akin."
"Princess ka dyan tara na nga."natatawang sabi ko.

Di pa kami nakakalabas nadatnan namin si  Sam. na nakatulala at si Claire na aba sa pagtatanong kay Sam. kung okay lang ba siya.

"Ohh ano ang nangyari sayo Sam.?pagtatanong ko.
"wla!",tipid niyang sabi.
"Uhh kasi Jean napaaway kasi siya sa isang babaeng sobrang maldita nagsabunutan silang dalawa buti nalang inawat sila ni manong guard."pagsingit niyang sabi
"Ehh ano naman ginawa mo?",pagtatanong ko.
"Ehh nanunood lang"
"Ehh tanga ka pala ehh bakit di mo siya tinulungan,ang dami kaya nila sa tingin mo kakayaning ko yun at isa pa muntik na silang dalhin sa principal office."walang reaksyon niyang sabi.
"Asan na yung babaeng yun susugurin ko."nagagalit kong sabi.
"Wag na my princess baka may mangyari sayong masama ayaw ko masaktan ang future girlfriend ko."mahinahon niyang sabi.

"Chris. palaban ako basta kaibigan ko ang pinag uusapan at sinasaktan ipaglalaban ko sila at chaka wag ka ngang magpakilig dyan kenekeleg tuley akeyy,"mahinahon kung sabi.
"wag na Jean baka lumaki pa ang gulo uuwi na lang ako kasi sumasakit ang buo kung katawan paki sabi nalang sa mga guro natin na excuse muna ako ngayon,"walang reaksyon niyang sabi.

"okay Sam. pagaling ka,"nag aalala kung sabi
"Sorry kanina sa nangyari Sam. kasi di kita tinulungan ang dami kasi nila tayo dala-dalawa lang,"pagpapaumanhin ni Claire.
"okay lang yun Claire di mo naman kasalanan kasi kain kalang ng kain.

Maging Akin Ka LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon