0

3.1K 102 15
                                    

Reapers - Thirteen Brothers

Taglish Version

By Shim Simplina

All rights reserved 2017.

Because I could not stop for Death--

He kindly stopped for me--

The Carriage held but just Ourselves--

And Immortality.

--Emily Dickinson

Prologue

Nasa Grade 4 ako no'ng una akong maipatawag sa principal's office. Ang weird kasi hindi naman ako 'yung tipong gumagawa ng gulo. Naisip ko, magiging kakaiba ang araw na'to, pero hindi lang dahil eighth birthday ko ngayon.

Pagdating ko, nasa office na si Dad kasama si Principal Mullens. Seryoso ang mga mukha nila kaya kinabahan ako.

Pinilit ngumiti sa'kin ni Mr. Mullens. "Aramis, isang linggo ka munang excused sa mga klase mo."

Bago pa man ako makaupo, hinawakan ni Dad ang kamay ko at hinila ako pabalik sa pinto.

"Aramis! Mr. Rayne!" tawag ng principal. Inialok niya ang kamay niya kay Dad. "Nakikiramay ako."

Nanginginig ang kamay ni Dad nang binitawan niya 'ko. Alam ko na lang, tumama na ang kamao niya sa mukha ng principal. Napaatras si Principal saka napaupo sa sahig, halatang nagulat.

"Buhay pa'ng asawa ko, walang-hiya ka!" sigaw ni Dad.

'Yon na ang huling beses na tumapak ako sa eskwelahang 'yon. Hindi na'ko pinapasok ni Dad.

Hindi naman magagalitin si Dad. Hindi rin siya bayolenteng tao. Pero 'pag si Mom na ang pinag-uusapan, madaling uminit ang ulo niya.

Meron kasing sakit na Lupus si Mom. Ilang taon na rin siyang labas-masok sa ospital. Noong una, okay naman. Pero nitong nakaraan, nanghina na siya. Halos sa ospital na siya nakatira. Biglaan na lang lumala ang sakit niya kaya siguro masyadong naapektuhan si Dad.

Kahit kailan, hindi nagreklamo si Mom. Alam ko naman na nahihirapan na siya. Pero kahit gano'n, lagi lang siyang nakangiti. Lagi niyang sinasabi sa'min na alagaan daw namin ni Dad ang isa't-isa kapag wala na siya. Tuwing sinasabi niya 'yon, hindi ko maiwasang isipin na sumuko na siya.

Noong araw na 'yon, pagdating namin sa ospital, naka-stretcher na si Mom habang inilalabas siya ng mga nurse sa ICU. Natuwa ako, siyempre. Tatlong araw na kasi siyang hindi nagigising. Sabi ng mga doktor, brain-dead na raw si Mom.

Tuwing naririnig ni Dad ang 'brain-dead', nagagalit siya. Pero mali ang mga doktor.

Magiging okay si Mom. Kasi 'yon ang regalo niya sa'kin sa birthday ko. Kasi gabi-gabi kong ipinagdarasal na gumaling na siya.

Pinuntahan agad ni Dad ang mga doktor. Ako naman, pumunta sa kwarto ni Mom. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko siya malapitan. Bawal kasi ang mga bata sa ICU.

Dahan-dahang binuksan ni Mom ang mga mata niya at sinikap na ngumiti. Umakyat ako sa upuan para mayakap siya.

"Sobrang saya ko at gumising po kayo para sa'kin," sabi kong humihikbi.

Halos walang lakas ang mga braso ni Mom ng niyakap niya ako. Ramdam ko ang paghahabol niya ng hininga. "S-siyempre, kahit ano, gagawin ko para sa munti kong prinsesa. Happy birthday."

"Mom, mahal po kita." Malaking ngiti ang binigay ko sa kaniya. "May dala kaming cake. Gusto niyo pong kumain?"

"Hindi na anak," mahinang sagot niya, sandaling pumikit bago lumingon sa may pinto. "Pakitawag mo naman ang Daddy mo para sa'kin."

Nagmamadali ako tumalon pababa ng kama at tumakbo palabas ng kwarto. Nakikipag-usap pa rin si Dad sa doktor.

"Ano'ng ibig mong sabihin na si Lisanna ang may gusto nito, Dok?" Tumaas ang boses ni Dad. "Galing lang siya sa ICU! Sa tingin mo makakapagdesisyon na siya agad nang maayos?!"

Umiling si Doctor Brandt. "Makinig ka, Marcel. Sa maniwala ka't sa hindi, malinaw ang pag-iisip ni Lisanna. Kahit ako nga nagulat din sa biglang recovery niya. At gusto na niyang lumabas ng ICU."

"Nasisiraan ka na ba?!" sigaw ni Dad. "Akala ko ba, 'yung... 'yung mga aparato na lang ang bumubuhay sa kaniya? Tapos bigla ninyong tatanggalin?"

Bumuntong-hininga nang malalim si Doctor Brandt.

Habang naghihintay ako ng tiyempo para makisabat, napansin kong may taong nakatayo sa tabi ng kama ni Mom. Nagtaka ako. Wala naman kasi akong nakitang pumasok sa pinto.

Nagtatakbo ako pabalik sa kwarto.

Nakikipag-usap si Mom sa isang lalaking hindi ko kilala.

Pagsara ko ng pinto, natahimik silang dalawa.

Mga matatanda talaga. Palagi na lang akong ini-echapuera.

Nakasuot ng black suit 'yong lalaki. Parang 'yung mga sinusuot sa formal parties gaya ng kasal. O libing. Itim ang buhok niya, naka-slick back. At ang mga mata niya, maputla ang kulya, parang silver-gray.

Nang tumingin siya sa'kin, natulala ako. Ngumiti siya at yumuko para bumulong kay Mom ng, "Oras na."

"Alam ko," sagot ni Mom.

Biglang bumukas ang bintana kaya pumasok ang malakas at malamig na hangin. Nagmadali akong isara 'yon. Baka kasi maginaw si Mom.

Pagtingin ko, nawala na lang na parang bula 'yung lalaki. Nagulat ako. Natakot. Biglang hindi ako makahinga kaya nag-inhaler ako saglit. Lumapit ako kay Mom at yumakap sa kaniya nang mahigpit.

"Mom, s-sino po 'yun?"

"Isang kaibigan," sagot niya. Blangko ang kulay asul niyang mga mata habang pinagmamasdan niya 'ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at binigyan ng isang malungkot na ngiti. "Magpakabait ka..."

'Yon na pala ang huling beses na makakausap ko si Mom. Dahil nang pumikit siya, hindi na siya muling dumilat. Bumagsak sa kama ang kaniyang kamay na para bang nakatulog lang.

Sa wakas, natapos na rin ang paghihirap niya.

Reapers Trilogy (Tagalized)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon