Callie's POV
"Callie bukas na ang flight mo papuntang pilipinas...Na prepare narin namin ang mansyon natin doon.At na enroll kana sa isang kilalang school.and don't worry too kasi every month may allowance ka.I will send it directly to you."Deri deritsong sabi ni Mommy bago siya pumunta sa company namin..
Nauna na si Dad sa company.. Habang si Ate naman ay doon na naninirahan sa Paris with her own family...Nakakalungkot lang isipin na lumaki akong halos mag isa...Dakilang loner kung tawagin..
Sa 18 years of my existence ay never ko naranasang pag laanan ng kahit maikling oras nina Mom and Dad..Pero ofcourse nandiyan naman ang Ate Yazmin ko kung kayat kahit papa anoy nabawasan ang pagiging loner ko...Ngunit pansamantala lang naman iyon.Dahil lumipat na siya sa Paris...
At bukas babalik na ako sa pilipinas at doon na ako maninirahan dahil sa gusto ko lang.Haayssss nako naman Callie nagiging abnormal kana naman ....Umakyat na ako sa kwarto ko at nag impake..Pagkatapos ay tumingin tingin ako sa paligid..Ito na ang huling araw na makakatulog ako sa room na ito ..
Kinabukasan maaga pa lang ay nagising na ako..I checked my phone first at may chinat si mom.
'Callie baby,I'm sorry kung hindi ako nakapag goodbye sayo.You know naman about mom's work.and also nandiyan pa ang dad mo.He's waiting for you to wake up.'-mom....Binaba ko na ang phone ko at dumeritso sa kitchen.Pag dating ko doon ay nakita ko si dad na nagbabasa ng newspaper.
nakakapanibago lang kasi ang payapa nya tignan ngayon compare sa last days na parang stress na stress talaga siya.. Nang mapansin ni dad na nandito na ako ay agad siyang tumayo at hinalikan ako sa noo.."Goodmorning my baby princess"sabi ni dad habang ngumingiti."Dad I'm not a baby anymore.."Sabi ko sabay pout...Tumawa lang si dad at pina upo na ako.Nag prepare narin siya ng breakfast para sa akin...
12:00pm na at narito na ako sa airport 2 pm kasi yung flight ko..International at isang exclusive plane ang sasakyan ko pauwing Pilipinas...Yun kasi ang pinili ni dad para daw kahit papanoy hindi na niya kailangang mag worry sa akin...3pm na at nasa plane na ako..Dahil narin siguro sa pagod kakahintay ay nakatulog ako ng maaga.After how many hours,Nandito na ako sa pilipinas..Opposite talaga ang bansang ito sa bansang kinalakihan ko.Mas malamig sa states,Mas malinis,Mas organize.Pero talo parin iyon ng Pilipinas..Sumakay na ako sa sasakyang inihanda ni dad at dumeritso ito sa aming mansyon..
Napakatagal narin simula ng makapunta ako rito.Ang ganda parin ng lugar.Yung tipong makikita mo talaga ang karangyaan sa aming pamilya.Napakalawak ng aming mansyon...Pumasok na ako sa loob at isa isa akong binati ng mga Maids,Hardenero,at Guards..Bakas sa kanilang mukha na masaya silang makita ako...Inikot ko pa ang aking mga mata at sakto namang nakita ko si yaya Melda.40 years na siyang maid ng mansyon na ito...Agad akong lumapit sa kanya at yumakap."Yaya I bought something for you from the states pala."sabi ko kay yaya ngumiti naman siya at hinaplos ang buhok ko."Ikaw talagang bata ka kay bait bait.At mas gumanda kapa ngayon Callie."sagot naman ni yaya.."Siya nga pala nag handa ako ng paborito mong adobo at kaldereta"...At hinila na ako ni yaya papuntang kusina...
Nag kwentuhan pa kami habang kumakain.inimbita ko naring saluhan kami ng iba pang mga kasambahay..
8pm na at narito na ako sa kwarto ko.Sa Monday pa naman ang first day ng school at Saturday pa ngayon.Inayos ko muna ang mga gamit ko....Bukas naman ay bibili ako ng gamit pang skwela...Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa katawan ko.nakalimutan ko kasing e sarado ang bintana kagabi dahil narin siguro sa pagod...Naligo muna ako at kumain pagkatapos ay dumeritso na ako sa mall...Bago mamili ay pumunta muna ako sa isang Coffee Shop..Pagkatapos kung mamili ng lahat ng kailangan ko ay sakto namang tumawag si yaya melda."Callie hija sinugod sa hospital ang isa nating kasambahay matapos mabuhusan ng kumukulong mantika habang nagluluto."..Halos mamatay naman ako sa binalitang iyon ni yaya kung kayat tumakbo ako ng mabilis hanggang sa may makabangga sa akin..Nabitawan ko lahat ng pinamili ko pati narin ang phone ko at sumobsob ang mukha ko sa malamig na sahig...Tumayo naman ako ng dahan dahan at nakita ko ang isang lalaking nakatayo lamang sa harapan ko at parang wala namang pakialam."Hoy!wala kabang balak na tulungan ako?!Grabi ang kapal mo naman ni sorry wala?!pano kung napantog ang ulo ko dahil sa pagkakabangga mo sa akin?"Galit kong wika ngunit nanatili lang siyang nakatingin sa akin tsaka lumakad pa alis...
Sinubukan ko pa siyang tawagin ngunit nag patuloy parin siya sa paglalakad..Pinulot kuna ang mga gamit ko sabay tayo at lakad ng mabilis..Dumeritso na ako sa hospital na sinabi sa akin ni yaya at pinuntahan yung maid namin...pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko siyang nakahiga..."Kumusta kana ate taleng?".tanong ko sa kanya."O-okay lang po maam."matipid niyang sagot."Naku yaya huwag mo na akong tawaging maam.Callie nalang.at tsaka isa pa ako na ang bahalang magbayad rito at bibili ng lahat na kailangan mo.Sa ngayon ay magpahinga kana muna
Hah?"sabi ko naman sa kanya sabay ngiti...9pm na ng gabi at hinahanda kona ang susuutin at mga gamit ko para bukas.Pagkatapos,ay nag text muna ako kina mom and dad.'Hey mom and dad.I miss you both na..I hope your doing great there together..Don't forget to drink your maintenance hah??Stay healthy mom/dad.And have a great day! Love callie'...
YOU ARE READING
My Enemy,My love
Ficțiune adolescențiMeet Callie Pearl Salazar an 18 year old girl..She is known to be Masungit,Palaban,Snobber,loner and ofcourse Gorgeous..She is living a simple life with her family in the states..Pero what if ma enroll siya sa isang paaralan na naghahari ang mga 'Di...