Three
Napa-buntong hininga nalang ako habang nakatingin sa screen ng computer na ginagamit ko. Siguro mga ika-sampu na din ito. Pano ko nalaman? Syempre marunong ako magbilang.
"Grabeng lalim niyang buntong hininga mo, Gaia. Kasing lalim na ata yan ng balon ni Sadako." rinig kong sabi ni Dra. Sanchez na katabi kong naka-upo rin.
Bumaling ako ng tingin kay Dra. Sanchez at nagsalita. "Eh kasi naman po Dra. Sanchez, hindi pa po nadating si Doc. Miggy dito sa Ward natin tapos po nagka-away pa kami ni Rome habang papunta kami dito."
Natawa naman siya sa sinabi ko. "Ikaw talagang bata ka! Malamang bihira lang pupunta dito si Doc. Miggy, Surgery Ward yun eh. Kabilang building pa...at tama bang narinig ko? Nag-away kayo ni Rome? How come?"
I cross my arms and lean on my chair. Eh sa nakakangalay eh. "Pinagtalunan po kasi namin yung sino yung nauna, yung manok po ba o yung itlog. Sabi niya manok 'daw', sabi ko naman itlog. Like duh? Paano magagawa yung manok kung hindi gagamit ng itlog, diba? Boba talaga eversince!"
Diba itlog naman talaga eh! Paano magagawa yung manok kung wala yung itlog, edi sana abnormal na manok na 'yun kung ganon.
"Alam mo Gaia, ikaw ang ma—"
"Hoy chararat! Siopao! Pampalubag loob...bati na tayo." sabi ni Rome na kararating palang at may dala-dalang supot na may siopao sa loob.
Natakam naman ako sa siopao na dala niya pero hindi ako nagpa-apekto. Pinagkrus ko lang ang braso ko at tinaasan siya ng kilay.
"Ayoko nga...aminin mo muna na mali ka." sabi ko sakanya.
Umirap naman siya saakin at humiling. "Nope. Not gonna do that. Basta! Nauna ang manok kesa sa itlog. Hindi gumawa ang Diyos ng itlog nung gumawa siya ng mga hayop."
"Paano mo naman nalaman, aber?" hamon kong tanong sakanya. Tsk! Wala pala 'to eh. WEAK!
"Paano ko nalaman? Nandun ako nung gumawa si Papa God ng manok. Kaya Manok ang nauna, gets?"
Inismiran ko lang siya. Sinong niloko niya? Ako? Hah! "'Wag mo akong lokohin! Ako ang nandun! Nukaba! Katabi ko nga yung ahas na nag-temp kila Fafa Adam at Moma Eve eh!"
Nakita ko namang umirap saakin at tumingin sa likod ko kaya napa-kunot naman ang noo ko.
At sino na naman kayang tinitingnan niya diyan? Pogi? At dahil na rin sa mahadera ako ay tinignan ko din kung ano yung nasa likuran ko. Aba! Malay ko bang pogi yun, sayang din kung hindi ko nakita. Edi nasayang ko din yung magandang scenery na ginawa ng Diyos.
Para bang may tumusok na milyong-milyong karayom sa puso ko habang nakatingin sakanya...sakanila. They look so happily in love with each other.
Akala ko...akala ko may pag-asa. Wala pala. Akala ko lang pala. Ako lang pala yung umaasa. Ako lang pala yung nag-aasume. Ako lang pala yung dahilan king bakit ako nasasaktan ngayon. Ako lang pala yung may kasalanan kung bakit ako lumuluha ngayon.
Ang boba ko talaga! Napaka-boba! Wala eh, marupok kasi kaya heto...nasasaktan.
Nakaramdam nalang ako na may humila saakin at agad akong niyakap. As if he is really understand what I am feeling right now kaya naman yung luha kong kanina pang gustong tumulo ay kusa nang tumulo dahil sa yakap niya.
Sa yakap niya na may halong pag-iintindi at nagpaagaan ng nararamdaman ko.
Oh, Rome.
"A-ang sakit, Rome." humihikbi kong sabi sakanya.
"Malalampasan mo din yan kaya tahan na. T-tahan na kasi n-nasasaktan din ako. A-ayokong nakikita kang umiiyak. P-please, stop crying." sabi ni Rome saakin habang hinahaplos niya ng marahan ang buhok ko.
"I c-can't. My tears won't stop falling."
He gently cupped my face and dry my tears using his thumb. "Gaia, you can. I know you can. Nandito lang naman ako eh. Hindi naman na kita iiwan. I will be always at your side kahit hindi mo man sabihin o hilingin."
"Love! Please! Maniwala ka naman sakin oh!" umiiyak kong sambit habang nakatingin sakanya.
"Hindi! Manloloko ka rin! Napaniwala mo ako sa mga salita mo!"
Kahit na hinang-hina na ako ay lumuhod ako sa harap niya. "No! Love, don't leave me please. I'm begging you. 'Wag mo naman kaming iwan ng mga anak mo oh! Sige na, Love. Please! I'm begging you."
Pilit niyang pinipiksi ang kamay ko sa binti niya pero nanatili pa rin itong nakakapit.
"Sigurado ka bang saakin talaga yang mga bata?! Ha?! Siguro nga, tama si Hannah! Isa kang manloloko na babae na ang gusto lang saakin ang pera!"
Hamugolgol na ako ng iyak dahil sa mga masasakit na mga binitawan niyang mga salita pero hindi pa rin ako nagpatinag dahil mahal na mahal ko siya.
"Love naman! P-please believe me. A-anak mo sila. Anak mo sila. Mahal na mahal kita, Love."
Hindi niya inintindi ang mga sinabi ko at inalis lang ng pwersahan ang kamay ko sa binti niya at iniwan akong lumuluha sa gitna ng kalsada.
"H-hey, Gaiai! Are you okay? Bakit namumutla ka? M-may masakit ba?" rinig kong sabi ni Rome saakin.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at mas lalo akong humagulhol ng iyak dahil sa mga nakita ko sa isip ko.
"Rome? B-bakit niya ako hindi pinapaniwalaan? B-bakit sinasabi niya saakin na manloloko ako at pera lang ang habol ko sakanya? B-bakit iniwan niya lang ako sa gilid ng kalsada habang umiiyak? H-hindi na niya ba a-ako m-mahal?"
"Gaia, hindi ko si—"
Hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya dahil unti-unti na akong nilalamon ng dilim hanggang sa...
"GAIA!"
