Four
"She's having a vision of her past memories kaya I suggest that you should help her to remember her past memories para at the same time bumalik na mga alaala niya."
"Sige po, Doc. Thank you."
Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa mga ingay na naririnig ko. Ano ba yan?! Mga istorbo din eh!
"Ingay naman eh. Sino ba yan?" yamot kong sabi nang makabangon ako sa hinihigaan ko.
Shit! Bakit ang sakit ng ulo ko? Hangover? Eh sa pagkakatanda ko ay hindi naman ako umiinom ng alak eh.
"Magdahan-dahan ka naman, Gaia. Yang ulo mo, naku! Sa susunod mabibiyak na yan. Sinasabi ko sayo."
Nginitian ko siya ng pilyo. "Ano bang klaseng ulo yan? Sa taas o sa baba?"
Kinunotan naman niya ako ng noo dahil sa sinabi ko. "Boba netoh! 'Wag kang feeling lalaki. Eh isa lang naman ulo mo eh, hindi pa naman yun nagana."
Akmang babatuhin ko siya ng unan na hawak ko nang manghina ang mga kamay ko. Shit! What the hell is happening to me?
"Tinurukan ka ng tranquilizers ng mga doktor, Gaia."
"Eh ano ba kasing nangyari?" taka kong tanong sakanya.
Nakita ko namang kumunot ang noo niya sa sinabi ko. "Wala kang maalala sa nangyari?"
"Wala. Magtatanong ba ako kung may naalala ako, aber? Nasan na naman nagpupunta yang utak mo Rome?"
"Aba! Malay ko bang wala kang maalala? Utak naman Gaia oh!"
Kahit na nanghihina ako ay umayos na muna ako ng upo. Inalalayan naman kaagad ako ni Rome nang makita niyang nahihirapan ako and I uttered my 'thanks' to him.
"Pero seryoso, ano talagang nangyari at tinurukan pa ako ng tranquilizers ng mga doktor?" curious kong tanong kay Rome.
Bumuntong hininga na muna siya bago ako sinagot. "A while ago, nagising ka. You kept on shouting and at the same time you were crying. H-hindi ko alam ang gagawin ko kasi hindi rin kita mapakalma. Iyak at sigaw lang naman ikaw kaya tumawag na ako ng doktor. Pagkatapos nun ay tinurukan ka na nila ng tranquilizers tapos napatulog ka na ulit."
Tumango naman ako sa sinabi saakin ni Rome. Probably, natrigger na naman yung mga past memories ko.
"What do you feel? Gutom ka ba? Nauuhaw? What?" sunod-sunod na sabi saakin ni Rome kaya napatawa nalang ako sakanya. Concerned citizen ang bakla!
"Isa-isa lang ang tanong, Rome. Mahina ang kalaban" at biglang tumunog ang tiyan ko. "And for the record, gutom na nga ako."
"Sige, kukuhanan kita ng makakain. Wait ka lang dyan ha? Hintayin mo ako."
Tumango naman ako sakanya. "Op course mah friend! Usapang pagkain pa naman yan. Kahit 1000 years pa ako maghintay sayo, hihintayin pa rin kita."
Ngumiti naman siya saakin pero hindi umabot hanggang tenga niya. May problema ba siya? Pansin ko kasi na sa mga nagdaang araw ay lagi nalang siyang malungkot. Kahit na hindi niya sabihin saakin ay ramdam na ramdam ko ang lungkot niya.
How can I even help him kung hindi siya nago-open up saakin? Medyo nakakatampo lang kasi we've been bestfriends for 5 years pero bihira lang siya mag-open up saakin at magkwento sa sarili niya. Di nalang ako magugulat kung umamin siyang kaliwang kamay siya ni Sherlock Holmes sa sobrang pagka-mysterious niya.
Natawa nalang ako sa pinag-iisip ko. Hayst! Mababaliw na ata ako! Ay mali, baliw na pala ako!
"Hoy! Mukha kang timang dyan, Inday! Kanina ang lalim ng iniisip mo tapos ngayon tatawa-tawa ka dyan. Yan na ba ang side-effect ng tranquilizers na tinurok sayo kanina?"
Nagulat ako nang may nagsalita kaya napalingon ako dito. Agad namang napabusangot ang mukha ko nang makita kong si Rome lang pala 'yon. "Hoy! 'Wag na 'wag mong nga akong gugulatin ng ganon! Kapag ako inatake sa puso ikaw ang una kong mumultuhin kapag namatay ako. Sige ka!"
He just rolled his eyes at me. Abugh! Lumalaban talaga ang baklang 'toh!
"Hoy ka rin babaita! Kanina pa ako dito sa harap mo pero di mo ako pinapansin. Kanina pa din kota pinapa-nganga kasi susubuan kita tapos bigla ka nalang tumawa. Baliw na toh! Ipapasok na talaga kita sa Mental Institution. Naku!"
Napa-'Edi Wow' nalang ako sakanya at ngumanganga na para mapakain niya.
"Grabe ka naman gurl! Parang hindi ka pinakain ng isang taon, pasunod-sunod na subo ko sayo ah! Kulang nalang kunin mo tong tupperware saakin." natatawang sabi ni Rome saakin kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
Eh sa nagugutom ako eh! Tsaka ang sarap-sarap kaya ng ulam. Adobong sitaw tapos piniritong Tilapia. Yum-yum!
Nang matapos na akong kumain ay seryoso kong hinarap si Rome na ngayon ay nagulat dahil sa inasta ko.
"Bakit yan, gurl? Gutom ka pa ba?"
"Alam mo, Rome, minsan iniisip ko hindi mo talaga ako kaibigan." may himig na tampong sabi ko sakanya.
"Eh kasi...hindi ka nago-open up saakin. As if your stopping yourself from telling me your personal life. Wala akong ibang alam sayo bukod sa pangalan at birthday mo at kung paano ka patatahanin kapag nangangamba ka na baka hindi na ako magising kapag binabangungot ako tuwing gabi. I felt like...I felt worthless, Rome. Pakiramdam ko na wala akong kwenta sayo." humihikbing sabi ko sakanya.
Nakatingin lang siya saakin ng walang emosyon but I see emotions through his eyes. There's sadness and pain inside. And with that, mas lalo akong naiyak kasi baka mayroon na pala siyang pinagdadaanan tapos hindi ko alam pero siya, todo comfort lang siya saakin.
Nakita kong itinabi niya ang tupperware na hawak-hawak niya at lumipat sa hinihigaan ko. He cupped my face ang immediately brush my tears using his hands.
"I'm sorry for being distant with you. I'm sorry kasi hindi ko ino-open up ang buhay ko sayo. And I'm sorry that you felt worthless because of me. I'm very very sorry for that, Love. It's just that...I can't." lumuluha na rin niyang sabi kaya mas lalo akong napaiyak.
"You don't need to know me...because if you will know me, you will runaway from me again and I don't want that. Hindi ko nakayang wala ka ng nagdaang taon pero ngayong nandito ka na sa tabi ko at umalis ka pa, Baka ikamatay ko na. Please...I'm begging you, just trust me and don't you ever leave me okay? Hmm? Can you do that for me, Love?"
I nodded at him. Unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng mata ko dahil sa kakaiyak ko.
"Sleep tight, Love. Mahal na mahal kita."
"Love you too, Love." wala sa sarili kong sambit at natulog na.
