UnLock 13

1.1K 21 2
                                    


Trishell's POV

Bumalik na sa dati ng maayos ang kompanya.

Nakulong na din ang bruha. Tsk.

Si Boss na ang bahala dun.

" Iha. Pinapatawag ka ni Boss." Si Mr. Kim.

Tumango lang ako dito. Ano naman kaya ang gusto nito?

Pumunta na lamang ako kay Boss.

Kumatok na muna ako. Narinig ko ang boses nito. Kaya pumasok na din ako.

As usual. Nandito pa rin ang mga kaibigan nito.

Wala bang trabaho ang mga to?

Teka bakit ko nga ba pinapakialam ang mga yan.

Napa iling iling na lang ako at dumiretso kay Boss.

" Hello Ms. KaineDen."

" Hello Trishell."

" Hi Trish"

" Hello Hell."

Naramdaman kung natigilan ang lahat.

Napatingin ako sa mga asungot. Binubogbug nila ngayon ang taong nagsalita ng Hello Hell.

Nagtataka man.

Binalewala ko na lang yun at napatingin kay Boss.

Napansin ko ang pag pikit pikit ni Boss na para bang kinakalma ang sarili nito.

Anong nangyayari?

" Boss may problema ba?" Hindi ko namalayan na naitanong ko na pala yun.

Ngayon sa akin na ang atensyon ni Boss at ng mga asungot.

Nakita ko ang pag hawak nito sa noo. Na para bang may iniinda at pinipigilan.

Nahuli ko pa yang nakakamatay na titig nito. At alam ko para yun sa isa sa mga kaibigan nito.

Hindi ko lang alam kung kanino. Nakita ko ang pagtango ni Boss.

Nahihiwagaan naman sa kilos ng mga taong to.

Hindi ko na lang yun pinansin.

" Boss pinatawag mo daw ako?"tanong ko dito.

" Yes." Lalo yatang lumamig ang Boses ni Boss.

Pero imbis na matakot. Parang wala lang yun sa akin.

" Bakit?" Ako.

" Youv'e remember what I said to you. Your my secretary now." Direktang sabi nito.

Huh.? Secretary?

Bakit naman agad agad.?

Paano na si Mr. Kim.

" Kung inaalala mo si Mr. Kim. Hindi ko siya tatangalin. Pansamantala kitang gagawing sekretarya ko." Boss.

Pansamantala lang naman pala.

" Yun naman pala Boss. Payag na ako." Ako.

" Thats good. Una mong gagawin bilang secretary ko. Here the list. Bilhin mo." Boss at may inilahad na papel.

Wow ha. Parang hindi pinaghandaan ni Boss to.

" Wow Boss ha. Parang hindi mo pinaghandaan to ha." Komento ko naman na ikinatawa ng mga baliw na kaibigan ni Boss.

" Kakaiba ka talaga Trish. Lahat yata natatakot dyan sa kaibigan namin. Ikaw lang yata ang isinilang na sagot-sagutin si Master." Di maka paniwalang saad ni Lay.

UnLockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon