UnLock 6

1.6K 21 1
                                    


Trishell's POV

" Iha? Bakit natanggal ka sa trabaho mo?" Tanong ni Manong.

Si Manong ang isa sa matagal ko nang kasama. Kaya magaan ang loob ko dito.

Mula kasi pagkabata siya na yung nakakasama ko palagi. Maliban kay Dad at Momma.

" Dahil sa feeling mayaman na babae." May inis namang sabi ko.

Talagang feelingera iyon. Kahit hindi ako ng iba na spoil Brat. Alam ko pa din naman ang mga branded na damit. At peke iyon o hindi. At isa na yung pekeng suot ng babae. Tsk. Hindi ko na sana papatulan pero dinamay ba naman ang parents ko.

" Aksidente kong natapunan ang damit nito. Pero kung maka react ang OA. " Ako.

Napa ngiti at napa iling iling na lang si Manong.

" So anong plano mo ngayon Iha?" Manong.

" Maghahanap po ako ng ibang trabaho." Ako.

" Ngayong araw?" Tanong nito.

Tumango-tango na lang ako.

Sayang ang oras kapag hindi pa ako naghanap ng trabaho.

" Saan mo naman balak mag-apply iha?" Manong.

Napa isip ako bigla. Napatigil ako nang mag pop up sa isip ko ang nakitang advertisement sa isang dyaryo.

" Sa isa pong kompanya."  Ako.

" Gusto mo bang samahan ka namin iha?" Manong.

" Naku Manong. Huwag na po. Ako na ang bahala sa pag-aapply ko." Ako.

" Hmm. Sige. Pero bilang bantay mo  hayaan mo nang ihatid ka namin sa kompanyang yun." Manong.

Wala naman akong magawa. Alam ko kasi na ginagawa nito ang nararapat gawin.  Well sa kanya ako ipinagkatiwala ni Dad. Nung naisipan kung maging independent. Pumayag nga si Dad pero ang kapalit naman. Kailangan kung isama sila Manong.

" Sige ho Manong. Payag na po ako." Ako.

" Salamat iha. Hindi naman sa pangingialam Iha ah. Pero bakit naisipan mong magpakahirap sa paghahanap ng trabaho. Bakit hindi na lang sa kompanya ng Daddy mo o sayo?" Tanong nito.

" I want to be an Independent Manong. At isa pa may kailangan akong gawin na ako lang ang makakagawa." Ako. May dahilan ako kung bakit ko ginagawa ito.

Tumango tango na lang si Manong.

" Osya. Kapag tapos ka na iha. Sabihan mo lang kami at ihahatid ka namin ng hindi ka ma huli sa interview mo." Manong.

" Salamat Manong." Ako.

Fast Forward...

" Wow ang laki namang kompanya ang aapplayan mo Iha. Kilala din ang kompanyang to. Kagaya ng sa inyo." Nasabi na lang ni Manong.

Kakarating lang namin.

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Manong. Pero agad din akong nagpaaalam.

Hindi ko maiwasang mamangha.

Sa labas pa lang ang exclusive na tignan paano pa kaya kapag nasa loob na ako.

" Good Morning Maam." Bati ng isa sa mga guard ng kompanya habang pinagbuksan ako ng pinto.

Ngumiti na lang ako bilang tugon.

Sa pagpasok hindi ako na dissapointed sa nasilayan. Ang ganda ng kompanya. Organize ang lahat.

Approve na approve sa akin ang kompanyang yun.

Kaya pala malaki at kilala ang kompanyang to. May ipagmamalaki din naman.

UnLockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon