UnLock 61

1.3K 19 0
                                    

Tristan's POV

" Dad? Totoo bang binili mo ang bahay na to para sa amin.?" Napatingin ako kay Trish.

I saw her observing the whole Mansion.

Tumango ako ng mapatingin saglit dito at pinagpatuloy ang pag oobserba.

" Kahit na alam mong namatay kami. Nawala kami. Binili mo pa din?" Nakatingin na ito sa akin.

Habang tinitignan ang mukha nito. Hindi ko maiwasan humanga. Kamukhang kamukha nito ang ina. Lagi kong nakikita si Gongju sa kanya.

Pero minsan napapa isip ako.

Ang unfair naman na parang walang minana si Trish sa akin. Lahat yata kay Gongju. Carbon Copy.

Napa iling iling na lang ako.

" Yes. I bought it for the both of you. Dahil kahit na wala man kayo sa piling ko. Nandito pa din kayo sa puso ko. This mansion is the proof that I love you and your mom. Kahit na wala na kayo. Gusto ko kayong bigyan ng bahay. Dito ko piniling ilagay ang mga alala na kasama ang Mom mo. I treasure this Mansion. Kahit na alam kong hindi ko na kayo makikita pa muli. Alam kong nagkamali ako anak. Nagsisisi ako sa pinagagawa ko sa inyo. I'm sorry. Mahal na mahal ko kayo." Sabi ko naman dito.

Agad naman itong lumapit sa akin. Naramdaman ko ang mainit nitong yakap.

First time kong maramdaman yun.

Ang sarap sa pakiramdam. Yumakap ako pabalik dito at mas lalong hinigpitan ang yakap na yun.

Na kahit sa yakap lang masasabi ko ka agad kong gaano ko siya na miss.

" Thank you Dad. At yung mga nakaraang nangyari pwede naman po nating kalimutan yun at magsimula." Mahinahon nitong saad.

Yung mga nakaraang nangyari pwede naman po nating kalimutan yun.

Magsimula...

Yung mga bagay na akala ko hindi ko na magagawa pa muli.

Lalo na sa nangyari sa akin.

Kung nagtataka kayo tungkol kay Neil.

Mahirap man sabihin but.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

He's already dead.

Alam kong siya ang punot-dulo sa pagiging miserable ng buhay ko.

Pero hindi ko naman pinalangin na mamatay to. Napamahal na din siya sa amin.

Kaya hindi ko inisip na patayin to. Yes. Nagalit ako sa kanya pero hindi yun hahantong na kitilin ko ang buhay nito.

Pero tadhana na siguro ang gumawa ng paraan.

Anong nangyari?

Pagkatapos kaming iligtas ng men in black which is mga tauhan pala nina Mama at Papa.

Yung Hari at Reyna.

Maagap na umuwi ang dalawa ng makatanggap daw ng isang mensahe. Kaya lang unkown. But kahit na hindi nila alam.

UnLockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon