Bucket List #1

11 2 0
                                    

Ali Point of View

"Shit! wag mo muna kaseng ipasok masakit kaya." Sigaw ng kasama kong si Rich kay Lyra.

"Ahh shit. Bakit ba kase ang laki nyan?"- Rich.

"Psh hahahaha." Di ko na napigilang tumawa ng malakas dahil sa sinabi ni Rich.

"Hoy wag ka nga dyan. Na d-dirty minded na naman to." Sabi ni Lyra.

"Kase ba naman, yung pagkakasabi ni Rich ng ang laki parang yung ano,, yung ano,, alam nyo na yun." Sabi ko at kinuha ang binili kong notebook kanina sa bookstore.

"Guys anong sa tingin nyo pwede kong gawin dito sa notebook na to?" Tanong ko sakanila.

"Hhm Dairy. Pwede yun."-Lyra.

"Pwede rin yun. Pero mas maganda gawin mo na lang listahan ng mga gusto mong gawin or puntahan. Parang bucket list." Sabi ni Rich habang sinusuot ang sandals nya.

"Oo nga. Ay teka saan ka ba pupunta, Rich?" Tanong ko.

"Ahh manghahunting ng pogi."

"Tsk maghahunting ka pa eh nandun na sa tapat na ng kwarto mo yung pogi ehh." Sabi ni Lyra. Halata kay Rich na nainis sya.

"Oo nga, andun naman si Marcus eh." Inasar ko pa sya.

"Ayyiiee kinikilig sya." Sabi namain parehas ni Lyra.

"Bahala kayo dyan. Aalis na ako. Baka magalit pa si Daddy dahil huli na ako sa celebration ng company namin." Sabi nya bago umalis dito sa room ko.

"Ay may gagawin pa pala ako. Sige balik na ako sa room ko, Ali." Paalam din ni Lyra.

Pagkalabas nila parehas ay nilock ko ang room ko at binuksan ang tv para magmovie marathon. Pinilay ko ang movie na 'The Hows of us'. Habang nanonood ay nagsusulat din ako ng isusulat dito sa gagawin kong bucket list.

Things i have to do...
1. Samahan si Lyra na patayin ang kabit ng boyfriend nya. Hahaha.

2.Samahan si Xandra umattend ng concert ng 'Why Don't we' at concert ni Ariana Grande.

Nang isusulat ko na sana ang pang number three ay biglang nanakit ang dibdib ko. Sa sobrang sakit nito ay di na ako makahinga agad akong tumayo at pumunta ng kusina para kumuha ng tubig. Parang hinabol ako ng sampung kabayo sa hingal ko.

"Magpatingin ka na kaya sa doctor ano. Lagi na lang sumisikip ang paghinga mo." Napatingin ako sa lamesa at nakita ko si Kris na nanginginain dun. Di ko na lang sya pinansin dahil alam kong mamumula lang ako. May gusto na ako sakanya since grade six hanggang ngayong grade 12 na kami ng buong barkada namin.

Ang totoo nun ay sa iisang bahay na kami tumitira ng buong barkada. Since noong grade 8 pa.

Pero parang tama rin sya kailangan ko narin magpatingin sa doctor dahil madalas na ang pagsakit ng dibdib ko. Noon naman ay madalas lang kung sumumpong ito. Tuwing napapagod lang ako ng todo dun lang sumasakit ang dibdib ko.

Agad akong nagbihis matapos kong isipin kunh pupunta ba ako o hindi. Lumabas na ako ng bahay at sumakay na sa kotse ko. Pinaandar ko na ito patungong ospital.

~~Hospital~~

Kasalukuyan akong nakaupo sa tabi ng lamesa ni dr. Mildred. At hinihintay ang sasabihin nya. Napapailing na lang sya.

"Ms. Alicia Montefalco, im sorry to say this but malala na ang sakit mo sa puso. Habang tumatanda ka ay sya namang paglaki ng butas sa puso sa bandang kaliwa. At sa tingin ko di ka na magtatagal dito sa mundo..." Sabi ng doctor.

"Anong ibig nyong sabihin doc?"

"You just have now 4 months in this world. 4 na buwan na lang ang itatagal mo dito sa mundo." Napaluha na lang ako sa sinabi ng doctor sakin.

4 na buwan... 4 na buwan na lang akong mabubuhay dito sa mundo......4 na buwan ko na lang makakasama sina mama at papa at ang barkada ko..

Bumalik ako sa sasakyan ko ng matamlay at lumuluha. Habang nagdadrive ay may nakita akong isang sasakyan na madaming nakasunod dito na tao na nakasuot ng puti. Umiiyak sila. Napahinto ako at lumabas muna ng sasakyan tinitingnan ko kung paano nila ihatid ang patay sa huling hantungan nya. Napaluha ako ng wala sa oras.

"Sana pag namatay ako di sila umiyak." Sabi ko bago pumasok ulit sa sasakyan at umuwi na ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nakita ko sila sa sala na nanonood ng My Secret Romance. Agad akong umupo dun at kinuha ang isang bote ng Tequila. Tinungga ko ito hanggang sa maubos. Nakatingin sila sa akin.

"Seriously, isang tunggaan lang ahh." Sabi ni Marcus habang pinapapak ang pulutan na kimchi.

"Masama bang tunggain to." Sabi ko habang kinukuha ang remote control. Nilipat ko ang pinapanood nila sa MYX.

"Ano ba, Ali!! ang ganda na nun ehh. Ayun na sa bed scence ehh." Sigaw ni Xandra.

"Tsk." Sabi ko bago kunin ulit ang isa pang bote ng Tequilla.

"Guy?" Tawag ko. Nanonood kase sila ng mga music video sa MYX. Napatingin naman sila sakin.

"Guys, pag namatay ako gusto ko di kayo iiyak. Tapos gusto ko rin na kapag namatay ako ang patugtugin nyo song ay 'Im Fine' ng BTS." Sabi ko habang pinaglalaruan ang natira sa bote.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Di bagay sayo mag inarte eh." Sabi ni Kris habang nakain ng kimchi.

"Atleast di matakaw tulad mo."

"Atleast na memaintain ko ang six pack abs ko."-Kris.

"Atleast sexy ako."

"Atleast gusto mo ko." Wala na akong naisagot sa sinabi ni Kris.

"Ayiiee namumula si Ali." Sabi ng katabi kong si Rich.

"Manahimik kang Richienia ka." Sabi ko.

"How many times i said to you that don't call me in that fuckin' name?" Sabi nya bago ako sabunutan.

"Ahh 2574 times mo ng sinabi di pa kasama yun ngayon." Pambabara ko.

"Nambabara ka pa ha."

"Oo kase hindi ako panulak. Hahaha." Sabi ko ulit at tumawa na kaming lahat.

"Hmm I hate you." Sabi nya habang nakasimangot.

"Love love ka naman ni Marcus." Sabi ko.

"Luh?? bakit pati ako nadamay dyan sa away nyong dalawa?" Sabi ni Marcus.

"Kase love ka daw ni Rich." Sabi naming lahat pwera lang kay Rich.

"Hahaha ang corny."- Rich.

"Hahaha kinikilig ka naman." Sabi ko.

"Ay ewan ko sayo. Tutulog na nga ako meron pa akong pasok bukas." Sabi nya.

"Ang hilig talaga nun magwalk out pag naiinis na." Sabi ni Xandra habang nakain ng cheese ring.

Pagkasabi ni Xandra nun ay bigla na lang sumumpong amg sakit ang dibdib ko. Napahawak ako dito. Tumayo na ako pumunta na sa room ko.

"Luh? mang iiwan yun ah." Sabi naman ni Lyra.

__________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon