Tanaw ko ang bawat ngiti mo
yun nga lang
ay sa malayo
tanaw na tanaw kita
kitang kita ko
kung gaano ka kaganda
lalo na pag nawawala ang iyong mga mata
gusto ko ngang iguhit ka
kaso naalala ako
dipala ako marunong mag pinta
minsan nga nagpadala ako ng liham
na naglalaman ng aking nararamdaman
ngunit tinukso kalang ng iyong barkada
ngunit natuwa ako ng makita kang mamula
kinilig kaba? sana oo
kase yung liham na yun mula pa sa puso ko
oo medyo ma-mais ito
pero binibini ikaw talaga ang gusto ko
nagtangka na akong lapitan ka
hanggang lumiit na ang ating distansya
ngunit bawat pag hakbang ko
ay syang paglapit mo
papunta ka din ba sa dereksyon ko?
lumalawak na ang aking ngiti
ngunit bigla itong napawi
nang lapitan mo
ng lapitan mo ang nasa likod ko
oo nga pala meron kanapalang minamahal na ginoo
kaya siguro sinta, hanggang sulyap nalang ako sayo
-Mieury
BINABASA MO ANG
(1000 TULA)
PoetryLahat ng tula na aking ilalathala ay sana maging tulay para ikaw ay maging makata