Chapter 7

1.4K 49 4
                                    

[Author's note:

May nag-aabang pa ba sa story na ito?hehe..sorry po talaga guys kung century na ang lumipas bago ko napagtuunan ng pansin ang kwentong ito. Kung napansin nyo,pinalitan ko po ang title..hindi ko kasi mai-connect sa daloy ng kwento yung dating title nito kaya ako nahirapan sa plot ng story. So,ayun nga napagdisisyunan ko nalang na palitan ang title para magaan ang takbo ng story. Sana po maintindihan ninyo. ]


***





Maggugumabi na nang makauwi ako sa bahay. Kasi dumeretso pa ako sa studio kanina matapos ang lunch date namin ni Gio.

Naantala ang aking paghakbang nang marinig ko ang malulutong na halakhakan sa may kusina. Kaya imbes na tumuloy sa aking kwarto ay doon ako tumungo.

Halos hindi ako makapaniwala sa nasaksihan mula sa bungad ng pintuan sa kusina. Napaawang nalang ang aking bibig kasabay ang pagsikip ng aking dibdib nang makita ko ang sweetness nila Mama at Itay.

Kelan pa ito nangyayari? Napaatras ako ng hakbang nang hindi man lang nila namamalayan ang aking presensya. Pakiramdam ko sasabog ang aking utak dahil sa matinding palaisipan na namumuo doon.


Pero napatda ako sa kinatatayuan nang hindi sinasadyang matabig ng aking paa ang hindi kalakihang paso ng halaman sa aking likuran. Natumba iyon kaya lumikha ng ingay.

Magkasabay na napalingon ang dalawa at nabigo pa ako nang hindi mangyari ang inaasahan kong magiging reaksyon nilang dalawa.


"Oh Mia,dumating kana pala. Tamang-tama at nakapagluto na ng dinner ang iyong Mama. Sabay na tayong kumain mamaya."si Itay iyon na pakiwari ko ay hindi man lang nya inaalala kung ano ang maging epekto sa akin itong pinagagawa nila.

Napalunok muna ako ng mariin pagkatapos kinalma ang sarili ay saka pa ako sumagot.

"Busog pa po ako,'Tay..,kumain kayo kung gusto nyo. Hwag nyo na akong hintayin."

Nagpasalamat ako dahil nagawa ko parin magpakalumanay. Oh,mas tama pang sabihin na pagod na siguro ako sa kahi-hysterical sa bawat engkwentro namin ni Mama.

Maagap na akong tumalikod at ni hindi ko man lang tinapunan ng paningin si Mama. Pero ni hindi ko pa nga naihahakbang ang aking mga paa nang-


"Mia..."

Napakuyom ako ng mahigpit sa aking kamao nang bigla nya akong tawagin. Ano pa ba ang gusto nya? Hinayaan ko na nga sya diba? Hindi pa ba sapat ang pagpapaubaya ko kay Itay sa kanya?Labag ito sa kalooban ko at alam nilang pareho iyon.

Sino nga ba ang hindi mangarap na magkaroon ng buo at masayang pamilya?Bata pa ako,pinangarap ko na iyon. Pero naglaho lang iyon kasama ng mga panahong lumipas.

"I'm sorry..."

Napakurap ako nang muli syang magsalita.

"I'm sorry kung huli na ang lahat,Mia. Pero pwede ba bigyan mo naman ako ng pagkakataon na punan ang mga pagkukulang ko sa'yo bilang ina? Ano ba ang gusto mong gawin ko para mawala ang galit mo sa akin?"

Bahagya akong napatingala para iwasan ang pag-iinit ng loob ng aking mata.

"Leave me alone."napakagat ako sa aking labi matapos kong sabihin iyon.

"Hindi ko pwedeng gawin iyan. Hindi kita pwedeng hayaang mag-isa,Mia!"

Tumigas ang aking anyo nang marinig ang kanyang sagot. Pero natigilan ako nang magpatuloy sya sa pagsasalita.


"Ginagawa ko ito dahil ikaw lang ang syang inaasahan ko. Sa iyo lahat mapupunta ang mga ari-arian na iniwan ng iyong Lolo."


"Hindi lang naman ako ang nag-iisang anak mo."segunda ko matapos akong matigilan.

"Hindi ko tunay na anak si Lea.Inampon ko lang sya para maipakita sa Lolo mo na maayos ang pagsasama namin ng lalaking pinagkasundo nya sa akin. Tumira ako sa America at nagkunwaring doon nagbuntis. Isinama kita na lingid sa kanyang kaalaman. Pinaampon kita sa matalik kong kaibigan doon para lamang malayo ka sa kapahamakan."


Tuluyan nang lumandas ang tinitimpi kong luha kanina. Mabuti nalang at nakatalikod parin ako kaya naikubli ko sa kanila ang mga luhang iyon.


"Akala ko maayos na ang lahat. Sinabi ko sa kaibigan ko na kukunin kita kapag humupa na ang galit ni Papa. Pero ang nangyari,Mia...hindi ka din nagtagal sa kanila dahil hindi ka tanggap ng nag-iisa nilang anak. Ibinalik ka sa akin at sa mga panahon na iyon ay wala na akong ibang maisip kundi hanapin ang Tatay mo at ipaalaga ka sa kanya. Mia,kahit kailan hindi ko kayo kinalimutan tulad ng inaakala mo. Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Nagsakripisyo ako para sa kaligtasan mo dahil ayokong mapahamak ka,anak. Kasi alam mo ba?mahal na mahal kita dahil ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin ng lalaking minahal ko."


Napayuko ako at hinayaan ang nagraragasang luha na nagsisiunahan pang lumandas sa aking pisngi. I'm speechless at the moment. Hindi ko mawari kung bakit may kakayahan talaga si Mama para i-freeze ang sandali sa paligid ko.


This is so much to bear. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Muli akong humakbang,hindi dahil binalewala ko ang confession ni Mama kundi dahil gusto kong matauhan muna. Gusto kong isipin na hindi lang ito isang panaginip.

"Sa kwarto lang ako."tanging paalam lamang ang namutawi mula sa aking bibig.

"Mia.."tawag ni Itay ang muling nagpatigil sa akin mula sa paghakbang.

"Bigyan mo sana ng pagkakataon ang iyong Mama. Hayaan mo syang ipadama sa'yo ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina na dati-rati ay pinangarap mo. Alam kong galit ka anak pero sana buksan mo naman ang iyong kalooban para sa kanya bago pa maging huli ang lahat.Mia,kaya nya ito ginagawa...kaya ka nya pinapakialaman sa lahat ng bagay dahil maikli nalang ang panahon para ipamulat nya sa'yo ang lahat."


Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa narinig kasabay noon ang pagdagundong ng matinding kaba sa aking dibdib.


"May sakit ang iyong Mama,Mia. Nagkaroon sya ng tumor sa utak. Malubhang sakit..hindi na malulunasan yun ang sabi ng Doctor."

Mas lalong bumalong ang maraming luha mula sa aking mga mata. Nanginig ang aking labi. Hindi ko mawari kung gaano kasakit nang marinig ko ang huling sinabi ni Itay. Nagbibiro lang sila, hindi ba? Binibiro lang nila ako para matauhan ako.

Pero, ang laking bagay naman para gawing biro iyon ni Itay. Naramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay nahihirapan ako sa paghinga. Tinakbo ko ang pagitan ng pintuan palabas ng bahay. Imbes na sa kwarto ako tumuloy ay parang hinila ako ng aking mga paa papunta sa aking kotse.

Tinampal-tampal ko ang aking dibdib habang naghuhumiyaw ako ng iyak. Maayos na sana ang lahat eh. Inuunti-unti ko na sanang intindihin ang lahat pero bakit kung kailan nalilinawan na ako sa mga pangyayari ay may kalakip namang problema? Bakit kailangan nilang pagsabayin ang pagku-kwento?

Bakit????


Pumasok ako sa loob ng aking sasakyan bago mabilis na pinaharurot iyon. Hindi ko pa kayang harapin si Mama. Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanya. Bakit kailangan pa nyang ipadama sa akin ang pagmamahal at pag-aaruga na pinanabikan kong madama kung sa huli ay iiwanan din pala nya ako? She's so unfair!mas lalo lang nya akong sasaktan!



***

Paano Nga Ba Ang Lumimot?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon