Chapter 16

1.5K 49 1
                                    

Hindi ko buong akalain na may mag-e'entertain sa akin ngayong gabi. Imagine? Bago ako sa okasyong ito at ang hindi ko maintindihan ay kung bakit sa lahat ng taong pumansin sa akin ay yung taong kilalang-kilala pa!

Si Emyrein Alfemo...ang asawa ng tinaguriang tycoon!! Kaya naman parang nawala bigla ang kaba na namumuo sa aking dibdib nang makaupo ako sa table na inuukopa nila.

Wala sa loob na tinitigan ko ng mariin si Rein. She's a goddess of beauty. Bagay na bagay sa kanya ang suot nyang evening gown. Now i wonder kung bakit nabaliw sa kanya ang ultimate crush ko na si Klien Staneil Alfemo. Napakaganda pala talaga nya lalo na sa malapitan. Tapos ang bait pa.


"Mia, drink! Don't mind us.."

Ngumiti sya kasabay ng pagturo nya sa mga inumin na maayos na nakapatong sa table.


"Y-yeah! Thank you..." kimi kong sagot.

Marahan kong dinampot ang wineglass na nasa tapat ko pero ni hindi ko pa nga natitikman ay nakuha na ang aking atensyon sa isang lalaking matangkad na biglang lumapit sa table namin.

"Kanina ka pa dumating? Hindi mo man lang ako in-inform." Kay Minna nakatuon ang kanyang pansin.

"Naku Kuya, hwag ka nang mag-alburuto dyan. Mas inuna nyang hanapin ang dalaga mo kaysa sa atin. Kung hindi pa nga ako nagawi sa pwesto nila Missy ay hindi ko matatagpuan itong girlfriend mo!" Si Rein ang sumagot at napatawa lang naman si Minna.

Bumaba sa hawak kong wineglass ang aking paningin nang mapansin kong bumaling sa akin ang tingin ng Kuya ni Rein. Hindi ko alam pero parang nahihiya kasi ako. Mga respetadong tao sila tapos ako...nagsisimula pa lamang sanayin na makihalubilo sa mundo nila.

"Ah si Mia pala Kuya. Gio's girlfriend!"

Kaagad akong napaangat ng mukha.

"Mia, Raizynzee..nag-iisang kapatid ko. Sya yung boyfriend ni Minna." Pakilala ni Rein.

"Hello po! Pero sorry sa misunderstanding, magkaibigan lang kami ni Gio." There! Nasabi ko rin.

Kitang- kita ko ang pamimilog ng mata ni Rein indikasyon iyon na parang hindi sya makapaniwala. Hindi ko alam kung bakit masyado syang concern sa kung anuman ang relasyon na mayroon kami ni Gio. Nababanaag ko ang pagkadismaya na biglang gumuhit sa kanyang magandang mukha.

"Ganoon ba? Akala ko kayo na...close kasi kayo masyado at lagi kayong magkasama." Si Rein ulit.

Napaisip tuloy ako. Ganoon pala ka-obvious ang pagiging closeness namin ni Gio? Kung tutuusin ako lang naman ang gumagawa ng paraan dati para magkasama kami.

Marahang tumayo si Minna at nag-excuse para sumama kay Zee. Tumango lang ako bago ngumiti. At ilang minute ang lumipas sumunod namang lumapit sa table namin si Klien Staneil.

Kinabahan pa ako nang kunot noo nya akong tiningnan. Pero pakiwari ko kalahating segundo lang siguro iyon bago nya ibinaling kay Rein ang kanyang paningin.

Grabe! Dati pinangarap ko ito.. na sana mabigyan man lang nya ako ng pansin, akalain nyo yun? Bata pa ako hinahangaan ko na sya... sya ang naging inspirasyon ko sa lahat. Kulang nalang magpa-sign ako ng autograph eh!

Pero nagbago din naman ang lahat ng iyon. Kumalma din ako nang makilala ko si Gio. Kaya kung kinilig man ako ngayon masasabi kong slight nalang. Hehe.

"Sweetheart, saan yung mga bata?"

Pati boses nya nakakapanlambot ng tuhod. Ang swerte naman ni Rein. Hayyy.

"Kasama ni Daddy kanina yung three boys, giant. At andon naman kay Missy si Princess Klienny."

Gusto kong mapangiti nang marinig ko ang tawag ni Rein sa kanyang asawa. Of all endearment bakit giant? So sweet of her. Nakakainggit sila.

"Let's go, let's find them..." aya nito kay Rein sabay lahad ng palad nya para maalalayan sa kanyang pagtayo si Rein. So, gentleman!

"Mia, see you around!" Baling ni Rein sa akin. Tumango lang ako at ngumiti.


Pagkaalis ng dalawa ay sya namang pagtunog ng aking cellphone. Kaagad kong inilabas iyon mula sa aking bag at tiningnan. Si Mama ang tumatawag.


"Hello, Ma!" Masigla kong bati sa kanya. Marahil dumating na sya at hinahanap ako.

'Ate...'

Binundol ako ng kaba nang ibang boses ang sumagot mula sa kabilang linya.

"Lea? Si Mama? Bakit nasa 'yo ang phone nya?"

'Ate Mia... nasa hospital po ako. Si Mama kasi biglang inatake-'

Kaagad akong napatayo dahil sa narinig.

"Ano? Saang hospital?"


*


*


*


Nadatnan kong nasa waiting area si Lea. Kaagad syang napatayo nang makita nya ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nang bigla nya akong sugurin ng yakap at humagulgol ng iyak sa aking dibdib.

We're not related. Pero sa isiping lumaki sya sa pangangalaga ni Mama, alam kong napamahal na sa kanya ang aking Mama. At nagpasalamat ako dahil hindi katulad ng ibang bata. Si Lea, lumaki na mabait at masunurin. Siguro dala iyon ng pagdidesiplina ni Mama sa kanya.

Hindi kami nagkaroon ng bonding dahil sa simula palang mabigat na ang kalooban ko sa kanya. Akala ko kasi, mas matimbang ang pagmamahal ni Mama sa kanya. Yun pala nasa akin ang problema dahil hindi ko sila binigyan ng pagkakataon na mapalapit sa akin. Ako ang lumalayo. Dahil punom-puno ako ng galit.

Pero ngayon habang magkayakap kami. Parang hinaplos ang aking puso. Pakiramdam ko nagkaroon ako ng kakampi sa buhay.


"Nasaan na sya ngayon? Hwag ka nang umiyak. Ipanalangin nalang natin na sana magiging maayos ang kanyang karamdaman." Pang-aalo ko sa kanya. So, i act like a big sister now.

Kung alam lang nya na parang sasabog narin ang aking dibdib ngayon? Mabuti pa kasi si Lea dahil nagkaroon sya ng pagkakataon na nakasama ng matagal si Mama. Eh, ako...kamakailan lamang iyon. Or, should i say na nagsisimula pa lamang ako?

"Nasa ICU room sya, Ate. Mga doctor lamang ang pwedeng pumasok doon. Saka lang daw natin sya pwedeng lapitan kung bumalik na sa normal ang kanyang vital sign. Pero, sabi ng doctor kanina hwag daw masyadong mag-alala kasi maayos lang naman daw si Mama."

Oh God! Hindi pa ako handa...hindi pa ako handa sa lahat ng mangyayari. Please save her! Taimtin kong panalangin.

"Mia."

Kapwa kami natigilan ni Lea nang may tumawag sa aking pangalan mula sa aming likuran. Marahan akong bumitaw sa pagkakayakap kay Lea at bahagyang lumingon. Pero bigla akong napaharap nang makilala ko kung sino ang nakatayo sa may corridor.

"Gio, anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Magkasunod kong tanong.

"Nakita kita nang nagmamadali kang umalis kanina. Papalapit na ako sa table nyo pero bigla ka nalang umalis kaya sinundan kita." Maagap nyang sagot.


"Pero hindi naman kailangan na iiwan mo ang party at sundan ako hanggang dito."

"Mia, What's friend are for? Mahalaga ka sa akin kaya ayokong pabayaan kita. How's your Mom?"

Napalunok ako ng mariin at parang gusto ko pang humagulgol ng iyak ngayon dahil sa kabaitan na pinapakita ni Gio sa akin. Pakiramdam ko, mas lalo ko syang minahal.

***

Paano Nga Ba Ang Lumimot?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon