Chapter 14

1.4K 41 0
                                    

Ingay ng aking cellphone ang nagpagising sa akin kinabukasan. Tinatamad kong iminulat ang aking mga mata bago dinampot ang aking phone na kasakukuyang nakapatong sa ibabaw ng bedside table.


'Mia.'

Napabalikwas ako ng bangon nang mabosesan ko si Mama. God! Anong sasabihin ko sa kanya?

'Alam mo ba, sa sobrang excitement ng kaibigan ko halos madaling araw pa ay kaagad ng tumawag sa akin. Hinintay pala talaga nya ang pagdating ng kanyang anak kagabi para tanungin kung kumusta ang date ninyong dalawa. And she told me na maayos naman daw. Gustong-gusto ka daw ng anak nya, Mia.'

Napaubo ako
nang walang sa oras dahil sa narinig. Napakasinungaling naman ng lalaking iyon! Gustong-gusto? Eh...ni hindi nga nya ako sinipot kagabi, diba?

Bigla tuloy ako napapaisip. Siguro pareho lang kami ng sitwasyong kinasasadlakan ngayon. Siguro nasabi lang nya ang ganoon para hindi magagalit ang Mama nito. Tulad ko, diba naisip ko na magtatahi na din ng kwento para hindi madisappoint si Mama sa akin?

'Ikaw Mia...what do you think of him? Masaya ka ba sa pagkikita ninyong dalawa kagabi? Nagustuhan mo rin ba sya? I told you he's a nice guy.'

"Ahm..amm..uh..oo naman Ma!"

Hirap na hirap ako sa pagsagot at sabay pa ang pagtango kahit hindi naman ako nakikita ni Mama.

'Sya nga pala, Mia... Mayroon akong dadaluhang party mamayang gabi at kailangan kitang isama. Ipakikilala kita sa kaibigan ko at sa mga business partner ng company natin. Kailangan magmula ngayon ay masanay ka nang makihalubilo sa mga special gatherings.'


Bigla akong kinabahan at napakamot nalang sa aking ulo.

"Sige po Ma, kayo ang bahala."

'Pero Mia, kailangan paaayusan muna kita at ipapadala ko na rin ang damit na susuotin mo. Doon nalang tayo sa party magkikita kasi hindi tayo pwedeng magsabay dahil mayroon pa akong appointment bago tutuloy sa party. Hintayin mo ako doon, okay ba? I send you the location later.'

"Yes Ma, no worries. Mag-ingat po kayo. I love you po."

'I love you too, anak.'


Kanina pa nawala sa kabilang linya si Mama pero heto ako nakatulala parin habang nakatitig sa screen ng aking cellphone.

God! Siguradong magkikita na kami ng lalaking iyon. Hindi naman pwede na wala sya sa party mamayang gabi.



*

*

*

"Ikaw ha, andami mo talagang sekreto sa buhay. Ano yung drama na nakita namin noong nakaraang araw?"

Si Ara at hindi na naman ako tinatantanan sa pangungulit.

"Kilala ko sya. Sya yung guapong unggoy na kinunan mo ng litrato at take note! Hindi lang isang beses, huh! Hindi ko na yata mabilang ang mga larawan ng lalaking iyon sa loob ng camera mo,ah!" Tudyo pa nito sa akin.

Nanulis ang aking nguso pero imbes na sumagot ay biglang lumipad ang aking isip sa unexpected na pagkikita namin ni Gio kagabi.

"Uyyy...wala kana sa earth!"

Pumalakpak sya sa aking harapan kaya nadistract ako sa aking iniisip.

"Tumigil ka nga. Kailangan kong magpahinga ngayon kasi mamayang gabi kabilang na ako sa mundo ng ginagalawan ni Mama na kung saan puro mayayamang tao ang naroroon."


"Talaga? Oh my God Mia!"

Nagtaka pa ako nang biglang nagtatalon si Ara.

"Anong nangyayari sa'yo?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"Hindi ka ba excited? Siguradong naroroon din ang ultimate crush mo!"

Napakagat ako sa aking labi. Oo nga noh? Pero kung sana noon pa..noong hindi ko pa nakikilala si Gio at noong binata pa sya. Siguradong nagpagulong- gulong na ako sa semento ngayon dahil sa tuwa.


Speaking of Gio. Oh my God! Paano kung nandoon din sya mamayang gabi? Hayyyss...malaking problema ito. Paano kung magkikita kami doon sa party tapos may kanya-kanya kaming partner? Huhuhu...ngayon palang parang hindi ko na kaya ang eksena.


***

Paano Nga Ba Ang Lumimot?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon