Chapter 3

9 2 0
                                    

Stella's POV

Friday na at wala pa rin kaming nagagawa ni-isa para sa project namin. Itong si Lamar at Paxton kasi mga bwisit sa buhay hindi nakiki-cooperate. Pasalamat sila hindi pa namin sila sinusumbong kay Miss Savannah kundi mapaparusahan na naman sila. Kapag kasi nag-uusap kami para sa project, hindi sila sumasama, tanging si Marc lang sumasama samin.

"Guys ano ba umayos na nga kayo please. Kailangan may magawa na tayo para sa project natin kahit plano man lang. At baka nakakalimutan niyo na next week na deadline nito." sabi ko dun sa dalawa. Agad naman silang napatingin samin.

"Hoy Ms. Lim! Umagang umaga ang ingay ingay mo na naman! Pwede ba, kahit ngayon lang tumahimik ka? Sawang sawa na ako sa boses mo mygahd!" sigaw nitong si Lamar. Nakakainis talaga toh, lagi na lang nag-sisimula ng away wala ng bago.

"Hoy ka din Mr. Bonifacio! Pasensya na ha? Hindi naman kasi ako magiging ganito kung nakiki-cooperate lang kayo eh! At kung sawa ka na sa boses ko, ako sawang sawa na sa pag-mumukha mo!" aba hindi ako magpapatalo noh. Over my dead body.

"Bakit, hindi niyo ba kayang mag-plano ng wala kami? Kailangan talaga magkasama tayong lahat? Ano toh, squad goals?"

"Kaya nga grupo diba para magkasama nating gawin at para mag-tulong tulong hindi individual para isa isa tayong gagawa! Mag-isip ka naman Mr. Bonifacio! Sus." sagot ko sa kanya. Oh ano wala kang maisagot ngayon? BWAHAHAHA. Nasakin ang huling halakhak.

"Tama na nga yan, walang mapupuntahan tong pag-uusap na toh eh baka mamaya magsuntukan pa kayo jusko po. Tsaka kanina pa nakatingin dito si Miss Savannah so please lang tumahimik na kayo bago pa tayo mapalabas." singit ni Marc at sabay kaming napatingin kay Miss Savannah na ang sama ng tingin samin. Natahimik na lang kami.

"So let's just start planning. Do you guys have any ideas?" tanong ni Destiny.

"I have an idea babe." sagot ni Paxton sabay kindat.

"Ew? Don't you "babe" me, I have a boyfriend." at inirapan naman siya ni Dez.

"Wehhhh. Ikaw may boyfriend? Sus. Alam ko na yang galawan mo, pakipot ka lang eh, pa-hard to get. Kunyari ayaw, pero deep inside, gustong gusto." sabi ni Pax habang naka-smirk at nakipag-apir pa kay Lamar. Nakakainis talaga silang dalawa!

"Nagpapatawa ka ba? Haha oh natawa na ako, happy? And excuse me never akong magkakagusto sayo noh! At hindi ako nagpapakipot sayo, sadyang may boyfriend lang talaga ako. Pero kung single man ako ngayon, hindi pa rin ako papatol sa isang katulad mo."

Yup, that's my girl hahahaha.

"Mapapasakin ka din tandaan mo yan. Because you are my Destiny." proud na sabi ni Paxton. Uhm???

Natawa naman sina Lamar at Marc at nagsi-apiran.

"Don't you ever make fun of my name! Ang ganda ganda ng pangalan ko, binababoy mo." pagsusungit ni Destiny.

Pinagtawanan lang siya ni Paxton.

"Oh tama na yan isa pa kayong dalawa eh, mga ayaw din magpatalo. Mamaya na kayo mag-landian." singit ni Marc.

"What the hell Marc? Yuck!" nandidiring sabi ni Destiny sabay hampas kay Marc. Tumawa na lang si Marc.

"Pero seryoso na, let's start planning. If you have any ideas, feel free to suggest." -Marc

"I have one. What about swimming? Isa yan sa pinaka-gustong gawin ng mga millenials diba? Pati na rin sa mga parents." suggest ni Camilla.

Napatango naman kaming lahat.

"Good idea. We can go to Pax's house, their big swimming pool is perfect for this. And pwede rin tayong magpa-cater na lang ng iba't ibang pagkain doon." suggest naman ni Marc. Lahat kami napatingin kay Pax.

My High School FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon