Chapter 5

9 2 0
                                    

Camilla's POV

Kakatapos lang namin kumain at papunta na kami ngayon sa living room para manood ng movie. Naka-bihis na din kami ng pang-tulog kasi gabi na at i-fifilm namin yung 'sleepover' part para sa project. Napagdesisyunan din namin na wag na lang isali yung 'roadtrip' part sana kasi pagod na lahat at mas pinili naming magpahinga na lang.

"Horror na lang kasi panoorin natin hayst ang kj niyo naman." naiinis na sabi ni Dez.

"Mag-horror ka mag-isa mo!" sagot naman ni Pax na naiinis. Ngayon ko lang siya nakita na hindi lumalandi kay Dez hahaha.

Actually, kanina pa yan silang dalawa nag-tatalo. Ayaw kasing manood ng horror ni Pax kasi corny daw. Pero ang totoong rason talaga ay matatakutin yan Hahaha ayaw niya lang aminin.

"Oo nga wag na kasi tayong mag-horror, comedy na lang para laughtrip naman." suggest ni Marc. Isa pa toh eh hahaha matatakutin din toh.

"Ehh wag din Comedy, drama na lang. Gusto kong umiyak ngayon eh." sabi naman ni Elle.

"Corny naman, mag Action movie na lang tayo para cool." singit ni Lamar.

"Ako guys, kahit ano okay lang." singit ko.

So ano ba talagang papanoorin namin? Mag-kanya kanya na lang kaya para walang away noh? Hayst ang kukulit eh.

"Sus! Takot lang kayo sa horror eh HAHAHAHA losers! Mga duwag!" natatawang sabi ni Des. Nagtinginan naman lahat sa kanya.

Ako hindi naman ako takot eh, naguguluhan lang ako sa kanila kasi ang daming suggestions. Pero kahit anong movie, okay lang talaga sakin.

"Kami? Duwag? Baka ikaw. Edi okay, mag-horror tayo. Psh." halatang napipilitan na sagot ni Lamar.

"Lamar are you serious? Ayoko pang mamatay ng maaga." kinakabahang sagot ni Pax. HAHAHAHAHA.

"Dude, diba gusto mong mag-action? Action movie na lang tayo tara." nagmamadaling sabi ni Marc, halatang ayaw talaga ng horror eh.

"Oo nga okay na sakin kahit wag na drama basta wag lang horror." -Stella

"Tsk. Guys ano ba, horror lang yan." -Lamar. Porket hindi natatakot sa horror toh eh.

No choice lahat kundi um-oo na lang. Laughtrip mga mukha nila hahahaha yung mukhang uwing uwi na.

Pag-dating namin dito sa sala, nag-unahan lahat umupo sa sofa. May isang malaking sofa sa gitna tapos may dalawang sofa na pang isang tao lang sa gilid ng malaki.

"Tabi ako sayo babe huhu natatakot ako, kailangan ko ng kayakap." sabi ni Pax kay Dez habang nakakapit na yung mga kamay niya sa braso ni Dez.

"Yuck bitawan mo nga akong manyak ka!" pero hindi siya binitawan ni Pax kaya hinayaan niya na lang, napairap naman siya.

Umupo naman sa tabi ko si Lamar. So bale yung sitting arrangement namin ay from left to right, Lamar, ako, Marc, Elle, Pax, at Dez.

Tumayo si Dez at pumili muna ng papanoorin naming horror movie. Habang si Marc vinivideohan kami saglit.

"Guys napili kong movie is Sinister. Enjoy hehe."

"Dez bumalik ka na agad oh, sakin naman nakakapit tong si Pax eh." sabi ni Elle. Paglingon ko sa kanila, takot na takot na nakakapit nga si Pax kay Elle.

"Tsk, ang ingay ingay mag-sisimula na yung movie oh." naiiritang sabi nitong katabi kong si Lamar. Inirapan lang siya ni Elle.

"Oh manahimik ka na dyan Lamar, mag-aaway na naman kayo eh." sita ko, natahimik naman siya kaagad.

My High School FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon