Chapter Three

1.7K 37 0
                                    

Chapter Two:

Panget Pov

Panic lahat ng tao sa mansion. Ako nasa isang sulok lang. Tinanggap ko ang mga masasakit na salita na binibitawan  nila. Paano ay wala pa sa mansion si Miss  Sab. Mga kaibigan niya hindi nila alam kung nasaan na siya. Kasalanan ko ito e.

Maya maya pa ay may tumawag na kung sino kay Don Marcelo. At halos sumabog ang ulo niya sa galit e. Sumunod ako sa kanila kasi sasama daw ako.

..

Sabrina Pov

I don't know what to do! I'm get panic! Hindi ko alam ang gagawin ko kasi tinawagan na ng pulis si Marcelo. Siguradong lagot kami niyan. At mabubuking na may boyfriend  na ako huhu. Anong gagawin ko niyan??

Pauwi na kami galing prom ng may check  point gosh! Malas malasan nga naman wala pala yung S. L ko.

Nakuha yung kotse ko, yung pinakamamahal, at pinagmumulta pa kami dahil wala akong Lisensiya at menor de edad lang kami isa pa, curfew pala.

Hays. Maya maya pa ay dumating na sila. Hindi ko alam kung ano ang magiging ekspresyon ko. Galit na galit ito. Nakipag deal muna siya sa Lto tapos sa pulis then nung nasa labas na kami, doon niya ibinuhos ang matinding galit niya.

"Hindi ka tumupad sa rules natin kaya hindi pwedeng hindi kita parusahan. "
gigil na sambit niya. Nandito lang sa likod ko Lance.

"At 'yan? Sino 'yan ah! "duro niya kay Lance. Aba! Sumosobra na ata siya! Ayaw kong ipahiya niya ako sa boyfriend  ko aba aba!

"Hoy matanda ka! Duro mo na lahat 'wag lang ang boyfriend ko! "pabalang na sigaw ko sa kanya.

"Lumalaban kana talaga ah! "isang malakas na sampal ang natanggap ko. Masakit. Parang tumabingi ang pisngi ko sa lakas ng impact. Kinulong naman ako sa mga bisig ni Lance. Umiyak ako. Ang sakit kaya.

"Magsama kayo! Tandaan mo, may kaparusahan lahat ng 'to! Huwag ka ng babalik sa bahay! "sabi ni Marcelo bago tuluyang umalis. Naiwan naman yung matanda ding yaya na kakampi niya. May kinuha siya sa likod ng kotse at yun pala ay maleta. Omy! Gamit ko na naka empake na huhu.

"Bahala ka na sa buhay mo, matigas kasi ang ulo mo kaya ganyan. So good bye... "
mapang asar niyang sabi sa'kin.Grrr nakakapanggigil!

..

"Hindi siya pwede dito! "lagi nalang bang sigaw ang maririnig ko? Strict pala ang parents  ni Lance.Hindi daw ako pwedeng tumira sa kanila. E saan naman ako titira?

"Hiwalaan mo na siya habang maaga. "
gusto ko namang maiyak sa last na sinabi nito.

"Paano si  Janice? Sinabi ko na saiyo anak, bawal ang two timer. Pero ginawa mo pa din. "naiiling na sabi ng dad niya na ikinagulat ko.

Nanginginig akong humarap sa kanya. "Totoo ba yun Love? Na pangalawa mo lang ako? "

"Oo... sorry. Sorry Sabrina. Sorry kung napaniwala kita na mahal kita. Hindi kita mahal Sabrina. Mahal na mahal ko si Janice. May deal lang kami nang mga kaibigan ko kaya kita niligawan kunwari. Gusto ko nang matigil 'to. Dad, i'm sorry din. Hindi ko naman po sinasadyang gamitin siya at huwag po kayong mag aalala, mahal ko po si Janice. Makakaalis ka na hindi na kita kailangan. "gusto kong maglupasay sa sahig. Hindi ko kaya!

Hindi ko kaya lahat  ng mga narinig ko. Hindi ko kaya! Bakit ba ang malas malas ko!?

Tumakbo ako palabas ng mansion nila. Wala na akong pakielam. Basta ang alam ko pupunta ako sa bangko. Mag wiwithraw ako ng some money na magagamit ko pansamantala baka ipaclose pa ni dad lalo na akong lagot.

Pero halos pagsakluban ako ng langit at lupa. Huli na ako, close na nga ang account ko, masaklap pati ang credit card ko.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, gipit pa daw ang mga kaibigan ko. Wala na akong magagawa. Panghahanap nalang daw nila ako ng trabaho. Hay...

Maarteng Yaya. (Short Story-Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon