Chapter Six

1.5K 28 1
                                    

Chapter Six:

Nasa mall ako ngayon, shopping  shopping.Pero siyempre disguise  mode muna ako ngayon.Hindi naman ako
pwedeng magbulgar ng mukha no. Baka kung ano pang mangyari. Pagkaguluhan nila ako at pag bulung bulungan. Hindi na rin pala out of reach si mama. Nag message  na siya sa'kin.

Ang sabi niya, siya na daw bahala kay Marcelo. Mga one month  palang daw niya ako makukuha.

Sabagay, ang oras at panahon ay mabilis lumipas kaya kalimutan ko muna 'yun.

Habang namimili ako ng dresses  ko, may biglang kumalbit sa'kin at nagulantang naman ako ng makita ko si Klea.Para naman kasi siyang multo. Sobrang kapal ng make up niya. 'Sus, inggit ka lang'buska ng utak ko. Shit! Inggit daw huh! I'm not. Kaya ko pa namang bumili ng make up duhh.

"Miss! Okay ka lang? "nga pala, naka disguise  pa pala ako kaya hindi niya ako kilala. Kailangan siguro pati sa kanya hindi ko na sasabihin hehe. Bahala na siya. Ayas niya akong pahiramin. Mga walang kwentang kaibigan. Pinakikisamahan nila ako dati dahil may pera akong pang libre ko sa kanila, what now? Ngayon akong gipit silang hindi ko naman malapitan.

"Oo naman. "pati boses ko. Alam niyang maarte ako mag salita pero ngayon naging disente na. Inayos ko yung salamin ko sa mata. Yes nerd look ako ngayon. May wig akong kulot at may bangs tapos malaking salamin, nag cosmetic  pa akong may mga pimples. Manang din ang suot ko. Gosh, babalik din pala sa'kin ang hinuhusga ko nung kukuha kaming gown tss. Well i don't ya care, ngayon lang 'to. Tignan lang nila. Kapag ako nakabangon muli. Tss... ang Marcelo kasing yun!

"Magtatanong lang sana ako miss. "

"Ano yun? "more acting pa.

"Pwede ka ba naming gamitin para isurprise ang pinakamamahal naming bestfriend? Huwag kang matakot! Wala akong masamang intensiyon sa'yo. Gusto lang namin kasing kumuha ng tao... para painggitin at pagselosin ang besshy namin pero ang totoo ay isusurprise lang namin siya. "mahabang paliwanag nito. Bigla tuloy ako nakaramdam ng guilt. Kung ano ano iniisip ko tungkol sa kanila. Hindi naman pala  sila ganun. Sa sobrang guilty tumakbo nalang ako palabas ng H&M .Pumunta nalang ako sa Ice cream parlor para magpalamig.

Aist. Masaya ako na gagawin nila saakin yun. Malapit na pala ang birthday ko kaya i'm sure na ako talaga ang isusurprise nila. Gawa gawa lang siguro nila na gipit sila? Agad kasi akong nanghusga. Ay sorry mga bff.

...

Klea Pov

Wala na kaming mahanap na taong gagamitin namin para pagselosin si D. S e. Oo D. S na tawag namin sa kanya minsan stans for Danica Sabrina.

Malapit na ang birthday niya at gusto naming maging memorable  yun para sa kanya lalo na't sa mga nangyayari sa kanya baka madepress siya. Nababash na siya sa lahat ng Social Media Account kaya gumagawa na nang paraan si George  para malinis ang kahihiyan ng ginawa ng kung sino mang basher niyang yun. Sadyang kinalat na kasambahay na siya para pagtawanan ang besshy namin. Hindi naman kami papayag dun! Si Ara, Mia, at Miguel  na ang bahala kay Don Marcelo.

Para maibalik na si D. S sa mansion nila. Hindi bagay sa kanya ang kasambahay haha..

Maarteng Yaya. (Short Story-Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon