Maymay's POV
Masayahin ako na tao. Alam ko yun. Alam halos ng lahat yun. Ayoko nakikitaan ng lungkot o ka-negahan dahli ayaw ko makita ng ibang tao, lalo na ng mga taong mahahalaga sa akin. Naniniwala kasi ako na ang kasiyahan nakakahawa. Kung masaya ang mga tao sa paligid mo, mahahawa ka sa kasiyahan nila. Gusto ko lang laging masaya ang mga taong mahal ko. Pero, minsan, may mga araw talaga na tila pasan ko ang mundo.
Na parang lahat na pagkakataon na pwede ako malungkot, 'di ko nilalabas at tinatago ko kung saan ako lang ang nakakakita at nakakaramdam. 'Di ko minsan namamalayan na naiipon na ito at nabibigatan na ako, pero pilit ko pa rin itong binibitbit— nakatago sa ilalim ng mga ngiti at halakhak.
Pagkatapos ng halos isang oras sa pagbabad ko sa instagram at twitter, buntong hininga kong pinatay ang cellphone ko. Napatitig ako sa sariling repleksyon ko sa screen ng cellphone.
Unggoy.
Sino na nagagandahan jan? Di mukhang artista.
Bobo naman
OA
Mema
'Di marunong mag ingles. Grade 1 lang ba yan?
Hindi sila bagay ni Edward. Kawawang Edward, napilitan lang.
Ilan lang ito sa mga nabasa ko sa twitter na binabato nila sa akin. Sanay naman na ako, 'di ko na nga pinapansin pero ngayon, habang nasa van kami pauwi galing taping, pakiramdam ko ang bigat bigat na ng puso ko.
"Hindi sila bagay ni Edward. Kawawang Edward." replay ng utak ko. Siguro pagod lang ako ngayon. 7am na kasi, wala pa kaming tulog. Siguro puyat lang ako. Kumbinsi ko sa sarili ko.
Pero, kahit anong rason na binibigay ko, unti-unting umaapaw ang lungkot na tinatago ko, na tila nagpupumilit kumawala.
Nabitawan ko ang cellphone ng bigla nalang may ulo na sumandal sa balikat ko.
"Yam, sabi ko naman diba wag na magbasa sa twitter at insta. Wag na pansinin ang bashers." sabi ni Edward habang pikit ang mata neto at inaadjust ang ulo sa balikat ko. Naghahanap ng komportableng posisyon naming dalawa. Medyo nagulat naman ako kasi akala ko mahimbing siyang natutulog habang nagbabasa ako ng tweets kanina at 'di niya ako napansin. Napa-smile ako ng bahagya dahil ang lambing ng boses niya at kahit antok at walang energy sinasabihan parin ako. Over protective sabi nga nila. Totoo naman iyon at walang masama dun.
Nang komportable na siya, habang nakapikit ito, "Mabigat ba, Yam?" lambing niyang tanong. Napatitig ako sa mukha niya. Mala-anghel. Gwapo. Pilikmata na pwedeng itirintas sa haba. Hindi ko deserve.
Hindi ko siya masagot agad kasi gusto ko sabihin sa kanya lahat. Na ang bigat bigat na. Na nalulungkot din ako. Na nasasaktan din ako mga masasakit na salita ng ibang tao. Na ayaw ko na makita niya na nalulungkot ako kasi alam ko na malulungkot din siya. At ayaw na ayaw ko makikitang malungkot siya. Bushak! Baka maiyak ako ngayon.
"Hindi." sinungaling ko. "Tulog ka na ulit." mabilis kong sabi.
'Di ko alam kung anong meron kay Edward pero alam niya kung hindi ako okay. Ramdam niya na pag may pinagdadaanan ako. Dinilat niya ang mga mata niya, tumingala at tiningnan ako. Iniiwas ko ang mga mata ko sa mga nagtatanong nyang mga mata . Pero nahagilap ko ang mga mata niya na puno ng pag-alala.
Inaalis niya ang ulo niya sa balikat ko at aayos sana ng upo pero pinigilan ko 'to. "Tulog ka na ulit, dong." medyo tawa kong sabi habang hawak hawak ang ulo niya na pilit kong binabalik sa balikat ko. Ayaw ko na matitigan niya ako sa mata.