1 AM

168 12 4
                                    


*Sometime during the first few taping weeks of Loving in Tandem*


Nagulat ako sa pagtunog ng elevator. Ang lalim na ng iniisip ko at hindi ko na namalayan kung nasaan ako. Nasa elevator pala ako. At nasa tabi ko si Edward. Kami lang dalawa. Tahimik siya. Parang may iniisip rin. Hindi ako sanay na tahimik kaming dalawa. At mas lalong hindi ako sanay sa nararamdaman ko ngayon. Parang bigla akong na nailang, nahiya, kinakabahan pero masaya. Hindi ko ma-explain.

"Floor ko na, Edward. Kita nalang tayo bukas sa studio.", sabi ko sa kanya habang nakatingin ako sa medyas at tsinelas ko. Galing kami sa gym nagpractice kami sa prod namin sa ASAP. Hindi nagsalita si Edward pero ramdam ko ang mga mata niya sa akin.

"Sige. Bye na!" Dagdag ko at kumaripas ako palabas sa elevator. Claustrophobic ba ako? Bigla-bigla kasing nahihirapan na akong huminga.

Pero narinig ko ang tunog nang apak ng tsinelas ni Edward. Lumabas din siya sa elevator.

"Anong ginagawa mo?" gulat kong tanong kasi nasa ibabang floor ang unit niya. Sa wakas at kinaya na ng aking mga mata na tumingin sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang mapansin ang pagod at pamumugto neto. Sigurado ako na ganun din ang mga mata ko ngayon— mugto sa kakaiyak ko kanina. Sana naman hindi 'to mahalata bukas sa ASAP.

"1 am na, May. I just want to make sure you'll get into your unit safe." Seryosong sabi niya. Umiiba na ang boses niya. Mas lumalalim. Mas nagiging manly. Siguro kasi 1am na at ng tahimik na ng hallway, kami lang dalawa ang nandirito.

"Ang OA nito. Ang lapit lang ng unit ko! Walang mangyayari sa akin. Ano ka ba." tawang sabi ko. Pero alam ko na may dalang kaba ang tawa ko. "Bakit ka ba kinakabahan, May? Ano ba? Si Edward lang yan. Hindi naman ito first time na hinatid ka niya sa unit mo diba?" pang-aaway ko sa sarili ko.

"'Wag na kasing makulit, May. I want you to be safe." sabi niya. May diin ang bawat salita.

"Hindi kasii..." pilit ko sanang rason pero bigla nalang niyang nilagay ang pålad niya sa bibig ko para tumigil na ako sa pagsasalita. Natigilan ako at ng inalis na niya ang kamay niya napansin ko na nakatingin na siya sa mga labi ko. Napalunok tuloy ako. "May, ano ba yang mga napapansin mo. Wag kang mag-isip ng mga ganyan. JUSKO" tahan ko sa sarili ko.

Tinalikuran ko siya agad at sinabing, "Sige na nga. Mapilit ka eh."

Kung tutuusin, mga 60-seconds lang na lakad at aabot na ako sa unit galing sa elevator. Pero ngayon ang liliit ng mga hakbang namin. Ninanamnam ang natitirang oras. Nakahalukipkip ako habang naglalakad dahil sa lamig at siguro dala na din sa kaba. Siya naman ay nasa bulsa ang isang kamay at ang isa naman ay kinakalikot ang dulo ng t-shirt niya. Kinakabahan rin siya? Ano kaya ang iniisip niya?

Dati sa PBB pa lang akala ko kilalang-kilala ko na si Edward dahil sobrang close na namin. Pero, kanina sa gym, na-realize ko, may ikaka-close pa pala kami. Na hindi lang pala kulitan ang bonding namin, na pwede pala kaming mag-usap na may kabulohan. Na may deeper connection pala kami.

Kasama ko si Edward at Marco sa gym kanina. Nagkukulitan lang kami habang nagprapractice pero nong umalis na si Marco, bigla nalang kami napunta sa seryosong usapan ni Edward. Napag-usapan namin na ang hirap pala sa showbiz. Maraming nagmamahal at sumosuporta sayo pero may mga taong sisirain ka rin. Ang masakit ang mga taong sisira sayo ay yung mga taong hindi mo akalain na tataksil sayo. Isa lang yan sa napakarami kong narealize sa industriyang ito.

Nakaupo lang kami sa sahig ng gym. Hinihingal. Kakatapos lang kasi namin magpractice at sa wakas nakuha rin namin ang steps.

"I am tired." biglang sabi ni Edward. "Aren't you tired, May?"

IN BETWEENSWhere stories live. Discover now