Chapter 6

29.2K 470 24
                                    


PUSPUSAN ANG ginagawang pag-pa-practice ng cheering squad, maging ang mga varsity dahil sa nalalapit na pagbubukas ng Major League Soccer. Iba't ibang university ang mag-co-compete para sa titulong MLS Champion. 

Buong campus ay nakasuporta sa gaganaping liga sa mga susunod na araw. Naghanda ang bawat departamento ng malaking tarpoline na isinabit sa gymnasium, placards and banners.

Hindi akalain ni Savannah na mag-eenjoy siya sa cheering squad at magkakaroon ng  mga bagong kakilala. Para bang ibang tao siya kapag kasama ang mga ito. Kahit patayan at halos ma-devirginize na siya ka-s-split sobrang nasisiyahan siya.

Pasimpleng kumakalap na rin si Savannah ng impormansyon tungkol kay Noah, at napag-alaman niyang bukod sa pagiging star player ng soccer team, isa rin itong  scholar. The university offers scholarship for those excelling varsities/athletes that can maintain their good grades.

Napag-alaman din niyang self supporting student ang binata at galing sa middle class na pamilya. Nakaramdam si Savannah ng paghanga sa lalaki.
Hindi lang pala ito hottie at smart, responsable din.

Samantalang siya? Failing lahat ng grades. Hindi nga niya alam paano pa siya umabot ng second year college. Suki siya sa guidance office dahil sa pagiging war freak. Idagdag pa ang mga lalaking araw-araw na bumabastos at ang maling usap-usapan tungkol sa kanya sa campus. Wala yata siyang maipag-malalaki kundi kayamanan at kagandahan.

Kaya siguro kahit anong pang-aakit at pagpapansin ang gawin niya kay Noah tuwing practice deadma siya. Malamang ang tipo nitong babae ay yung maipagmalalaki nito sa kahit kanino.

Hindi ang isang tulad ni Savannah.

***

AFTER ng pratice nagtungo si Savannah sa Dean's office. Kailangan niyang papirmahan ang waiver para sa out of town play offs ng soccer team. Kasama ang cheering squad na pupunta upang makipag-compete naman sa cheer leading competition. 

"Is this real?" nagdududang tanong ng Dean nang iabot ni Savannah ang papel dito.

"Yes, Ma'am." Patango-tangong sagot niya. Hindi pa rin nito pinirmahan ang waiver at nakataas lang ang kilay sa kaniya. Mayamaya ay binalingan nito ang pintuan nang may kumatok doon. 

"Come in!"

Si Noah ang pumasok sa silid na tulad ni Savannah ay magpapapirma rin ng waiver. Sinenyasan ng Dean ang binata na maupo sa katabing silya na kinauupuan ni Savannah. 

"Back to you, Miss Hidalgo. Baka naman pina-photo copy mo lang ito para makapang gulo na naman. At isa pa---" tinignan siya nito ng pailalim. Ibinaba pa ang suot n reading glass. "Hindi kapani-paniwalang nakasama ka sa kilalang cheering squad ng campus. Ano na lang ang i-a-ambag mo doon? Paligayahin ang kalalakihan? Nakakahiya,  Ms. Hidalgo." patuyang wika nito.

Kahit ayaw ni Savannah, nasaktan siya sa narinig. Para bang mababang uri siya ng babae. Naroon pa man din si Noah. Lalo tuloy siyang nanliit at hindi makatingin sa lalaking wala namang reaksyon.

But It's her fault. Nakilala na siyang ganoon sa campus dahil na din sa kagagawan at kagustuhan niya.

Walang sali-salita na tumalikod siya at lumabas ng silid. Kaysa masagot at masapak pa niya ang Dean. Baka tuluyan na siyang i-expell kapag ganun ang nangyari.

---

Masama ang loob na dumiretso siya sa coffee shop kung saan nakatambay sina Tricia at Becca.

"Oh? Anong nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong ni Tricia nang padabog siyang maupo.

"Nothing." Lukot ang mukhang sumalong-baba siya.

The Innocent Playgirl R18 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon