..Chapter One..

845 3 0
                                    

Mabilis pero tahimik na ineempake ni Aleia ang mga gamit niya sa kwarto. Kanina lang sa wedding anniversary ng mga magulang niya ay inannounce ng mga ito ang pagpapakasal niya kay Adrian Solis ang anak ng kasyoso sa negosyo ng pamilya niya. Isa sa mayayamang pamilya si Aleia, nagmamay-ari sila ng isang malaking resort-hotel at isang napakalaking lupain sa Puerto Princesa, Palawan at katuwang nila sa negosyo ang pamilya ni Adrian. Kaya nagpasya nalang siyang umalis sa kanila at tumakas sa pamilya. Hindi niya gustong gawin iyon pero kailangan dahil ayaw niyang itali ang sarili sa isang taong hindi niya mahal at hindi rin siya mahal.

Nang matapos sa pag-eempake ay dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto. Alas-dos na ng madaling araw kaya tulog na ang pamilya niya at mga katulong dahil napagod ang mga ito sa party. Mabigat man sa loob niya ay tiniisin niya dahil hindi madadaan sa maayos na usapan ang mga pangyayaring iyon lalo na at ang ama niya ang nagdesisyon.

“Ma, Pa, Tony. Sana maintindihan niyo ako. Hindi ako selfish, gusto ko lang maging masaya at gawin ang nararapat para sa sarili ko. Gusto ko ring hanapin ang tunay na ako. Pagod na pagod na akong diktahan sa mga gagawin ko. Gusto ko naman ako ang magdesisyon para sa sarili ko at sa ikaliligaya ko.” Sambit niya nang makalabas siya ng malaking gate nila.

Hila-hila ang maleta ay nilakad niya ang mahabang kalsada at naghintay ng masasakyan papuntang pier.  May mga ilang taong dumaraan sa lugar kaya naman nagsuot siya ng jacket at nagsalamin para hindi siya makilala ng mga tagaroon. Kilala ang pamilya Alegre sa lugar dahil sa yaman ng mga ito at dahil na rin sa negosyo.

Nang makasakay ng jeep ay agad niyang tinawagan si Camille, ang kaibigan niyang dating pumasok na na katulong sa kanila. Sa kanya siya unang humingi ng tulong dahil ito lang ang taong alam niyang safe siya dahil hindi maiisip ng pamilya niyang si Camille ang pinuntahan niya. Hindi sila naging malapit noong nagsisilbi pa ito sa kanila, naging close lang sila noong malapit na itong umalis. Kahit na ang kapatid niyang si Tony ay hindi alam na may komunikasyon sila nito.

“Pero Ms. Aleia, kaya niyo po ba ang mamasukang katulong? Mahihirapan lang ho kayo.”

“Ate Camille, mas mahihirapan ako kung doon sa mayabang na Adrian ako maikakasal. Tsaka nandyan ka naman para tulungan ako sa mga gawaing bahay di ba? Tuturuan mo naman ako di ba?”

Narinig niyang bumugtong hininga ito. “Oo naman. Sige basta itext mo nalang ako kapag nasa Batangas Port ka na. Sumakay ka ng bus papuntang Araneta. Susunduin nalang kita sa Cubao. Mag-iingat ka ha.”

“S-sige ate. Salamat talaga. Matutulog ka muna at mahaba pa ang biyahe ko. Maghihintay pa ako sa labas ng pier dito sa amin para makasakay ng ferry eh.”

Ilang oras ding nakatulog si Aleia sa pier ng Puerto Prinsesa. Ito ang unang beses na luluwas siya nang Maynila mag-isa kaya naman medyo kinakabahan siya. Mas sanay pa siya sa States kaysa Manila. Apat na taon din siyang tumira sa California para mag-aral sa kursong Business Management, iyon ang kursong pinakuha sa kanya ng magulang niya kahit na ang gusto naman talaga niya ay Culinary Arts. Gusto niya ang magbake at magluto, iyon ang passion niya at hindi ang magpatakbo ng negosyo ng mga Alegre.

Masyadong malalim ang iniisip niya nang mga oras na iyon, isa na roon ay ang pag-iisip kung talaga bang mahal siya ng Papa niya dahil kung oo ay hindi siya ipipilit ng mga ito sa mga bagay na alam niyang hindi siya magiging masaya. Napaiyak nalang siya nang maisip na baka nga hindi talaga siya mahal ng ama niya, wala naman kasing magawa ang Mama niya dahil mag-aaway lang sila kapag hindi sumang-ayon ang ina niya sa desisyon ng kanilang padre de pamilya.

The Missing Piece Of MeWhere stories live. Discover now