..Chapter Two..

253 6 2
                                    

“Woi, Caijin. Baka malunod ka diyan. Wag ka mag-alala mahal ka nun! Hahaha!” asar ni Renz sa kanya habang nakaupo siya sa couch ng dressing room nila sa Destino Amore Music Lounge, alas-dos na at katatapos palang ng gig nila. Si Renz ang lead guitarist nila at may-ari ng Destino Amore. Maghapong hindi maalis sa isipan niya ang dalagang kamuntikan niya nang masagasaan. Hindi niya alam pero kakaiba ang naramdaman niya sa babaeng iyon nang makita niya.

“Oi! Seryoso si Manong Caijin oh. Yihieee. Chicks ba dahilan niyan? Nakahanap ka na ba ng kapalit ni Denisse?” dagtag pa ni Alex ang drummer at unica hija ng banda nila.

“Ayos! Kung babae nga, magpadasal tayo dahil may himalang nangyari!” gatong pa ni Jeiron sa kanya. Ito naman ang pianist nila.

“Ayun oh. Astig!!” singit ni Renji, ang violinist nila.

“Mga sira. Pagod lang ako sa ospital. Tsaka ako dapat ang nang-aalaska dito at hindi kayo! Nag-iisip ako kung pano kami magkakabalikan ni Denisse!” reklamo niya. Grabe talaga itong mga kabarkada niya, hindi niya alam kung may pagsamanghuhula ba ang mga ito dahil alam na alam ng mga ‘to ang iniisip niya. “Si Alex nalang ang pagdiskitahan naten. Tignan niyo oh, may tigyawat sa noo! Wahaha, pangalanan nating Jerome ang alaga niya sa noo!” kasabay noon ay ang pagtawa ng mga kabanda niya liban sa dalaga.

Binato ni Alex sa kanya ang teddybear na bag nito at binelatan siya. Mabuti nalang at maagap niya itong nasalo kundi tumama sa mukha niya ang bag nitong may lamang laptop notebook, dslr camera at ilan pang abubot. “Ikaw! Pinagdiskitahan mo na naman ang Prince Charming Hanimylabs ko! Ang kapal mo, hamak namang lamang siya sa’yo ng pitong bilyong paligo ano! Sige, pagkaisahan niyo akong mga pangit kayo na mukhang tigyawat! Kakayurin ko talaga sa semento ang mga mukha ninyo!” asar na sambit nito. Kahit kailan talaga ay asar-talo itong si Alex. Bigla itong sumimangot kaya agad silang lumapit at mahigpit na niyakap ang dalaga. Ganoon talaga sila dahil college palang ay magkakakilala na sila kaya naman alam na nila ang mga ugali ng isa’t isa. “Wag ka sanang matunawan Zekaiden Jin Alicanio.” Habol pa nito.

Tumawa siya. “Oi wag naman! Sige ka, mawawalan ka ng gwapong-gwapong papable doctor kapag ganun.”

“Yak ‘tol! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Magkape ka para nerbyosin ka naman kahit papano. Kapal fez natin ngayon ha. Hiyang-hiya naman ako sa’yo ‘no!” komentong muli ni Alex.

“Ayan si Caijin! Ang hari ng kakapalan!” buska ni Renji.

“Oo nga eh. Biglang nag-change topic!” pagsang-ayon ni Alex.

“Ewan sa inyo. Uuwi na ko, pagod na ko. Bye!” pagpapaalam niya.

“Weh?” Habol pa ni Renz.

“Dapat matauhan ka na ‘tol. Mukhang malabo nang magkabalikan kayo ni Denisse!” gatong ni Jeiron.

“Oy nagsalita ka. Dapat nga ikaw itong dapat matauhan kay Yana eh!” komento ni Alex. Si Yana ang nililigawan ni Jeiron na madalas kaasaran ni Alex dahil sa sobrang katarayan nito.

“I second the motion.” Aniya.

“I third the motion.” Si Renji naman.

“I fourth the motion.” Ani Renz.

“Ay, ay, ay! I move the motion to be close! Next nomination please!” parang batang sambit ulit ni Alex at nagtaas pa ng kamay at tumayo sa couch.

“Anong motion-motion! Ipa-demote kaya kita bilang head writer?” biglang singit ni Jerome. Ang boyfriend ni Alex na anak ng may-ari ng isa sa malaking company group sa bansa at CEO na ngayon ng Cervantes Group of Companies. Si Alex ay isang writer ng Cervantes Media Production. “Sabi mo kukunin ko lang yung bag mo. Magti-thirty minutes ka na ah.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Missing Piece Of MeWhere stories live. Discover now