After how many years ng pagpapagamot sa ibang bansa, NJ decided to go back to his place. Sa wakas, pinayagan na siyang bumiyaheng mag isa ng kanyang doktor. Ito na ang huling pagkakataon na makakasama niya ang uncle niyang tumulong sa kanya sa pagpapagamot ng sakit niya sa puso. He thanked him very much for all the help he gave him.
He did not suffer from any heartbreaks, but there is a certain girl that loved him so much before na naging heartbroken sa kanya dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanya. Sadly but yes, hindi nya nagawang minahal ito. But now, kasabay ng pagkasabik nyang makita ang pamilya nya ay ganoon din ito sa babaeng ito. Ang ikinatatakot lang nya ay kung mapansin pa siya nito. Pero bakit? Para saan? Hindi nya nga ito nagawang mahalin noong minahal siya nito ng lubos.
"Hijo, sino 'yang nasa picture?"
"Ah, wala ho tito. Kaibigan lang po sa Pinas."
"Ah ganun ba?", sabay ngiti nito. "Baka naman bagong pag-ibig mo yan. Kaya siguro kahit sino sa mga nireto ko sa'yo wala ka talagang in-entertain."
"Hindi po kasi ganoon yung tipo kong babae. Sa limang taon ko po rito, hindi ko rin po inasahang wala pa rin po akong asawa o kahit girlfriend man lang pong uuwi."
"Bente syete anyos ka na, ano ba talagang balak mo. Hay, bata ka pa nga. Halika na, ihatid na kita sa airport. Malelate ka pa nyan." putol ng kanyang tiyuhin sa paguusap.
"Asan na kaya siya? Kamusta na kaya siya? Siguro masayang masaya na siya ngayon."
Sa wakas, ang pagsakay niya sa eroplano ay ang simula ng bagong yugto sa kanyang buhay.
BINABASA MO ANG
Unpredictable: Ang Broken Hearted na si Cheska Janine
RomanceThis is a Tagalog Love Story. It is my first time to write a wattpad story. Hope you like it. Leave your comments.