Chapter 2: The Flashback

10 1 0
                                    

5 years ago...

Habang nakahiga si NJ, biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Uy, ano gawa mo?", masigla ang tinig ng tumatawag.

"Bakit? Nakahiga lang."

"Ahh ganoon ba?"

"Bakit ka ba tumatawag?"

"Kinukumusta ka lang. Saka walang makausap eh. Hehe."

"Hay nako. Bakit hindi mo na lang kausapin mga kasama mo sa bahay niyo? Kailangan mo pa akong tawagan."

"Ikaw kasi gusto kong makausap."

"Bakit nga? Eh alam ko wala naman tayong dapat pagusapan."

"Ang sungit mo naman. Hmmmm, wala ka bang nahahalata? Haha."

"Tawa ka ng tawa diyan."

"Hindi yun! Iba pa.", kinikilig na ito.

"Alam ko na. Oo, may gusto ka sa akin. Naku naman. Di ba sabi ko na sa'yo mag-let go ka na ng feelings mo sa akin. Isa pa mag-aasawa nako niyan. Hindi ko na pakakawalan gf ko. Pagod na akong masaktan. Siya na to, siguradong sigurado ako."

"Asawa agad? Haha. Ang bata naman masyado ng gf mo para maging asawa mo agad. 17 palang siya, ikaw 21 na."

"Ano ngayon wala ka ng pakialam doon. Pwede namang maghintay. Matutulog na ako. Bawal ako magpuyat.", sabay patay sa tawag.

"Grabe naman yun. Binabaan ako tapos unattended agad. Galit na naman siguro sa akin yun."

Nagmuni muni ito at naglaro na lang muna ito sa kanyang phone para na lang libangin ang sarili para hindi malungkot. Ilang oras ang nagdaan ay isang text ang dumating.

"txt n gf skn.

" - Tanggap Kita Kasi Mahal Kita..

"- At Kahit Kailan Hindi Kita Ikukumpara Sa Iba Dahil Alam Kung Iba ka sAkaNiLa,

HapUN:)

#MSCRUZ"

"Nabasa mo ba yung txt?", text ni NJ.

"Oo na, bitter lang ako kaya ko nasabing maghihiwalay din kayo."

"Sabi mo kasi maghihiwalay din kami eh. Pag kinasal ako abay ka payag ka? Haha."

"Depende. Ewan. Hindi siguro."

At hindi na ito nagreply. Para bang nananadya itong mang asar. Sa halip pinadaan pa siya ng gm at nagpapapasa load. Sinabi nito na huwag na siyang daanan ng gm dahil nagsusulat ito ng love story.

Kapag kasi nagsusulat siya ay may background music dapat ito para madala ng kanta ang kanyang mood. Ang paborito nitong pinapatugtog ay "Till I met you" dahil theme song ng isang blockbuster movie na pang teenager.

Mula noon ay hindi na niya ito nakatext. Nagpalit na siguro ito ng number. At ilang buwan ang nakalipas, ay may natanggap itong text.

"Hi fiancee to ni NJ. I want you to be the bridesmaid on our wedding. Hope you'll be at Sto. Domingo Parish Church this Sunday. I want to meet you there. See ya! God bless."

Nagulat ito sa nabasa niya. Totoo ngang niyaya siyang maging abay sa kasal nila. Napakabilis ng mga pangyayari. Ikakasal na siya sa halos kaedad niyang girlfriend nito.

Minabuti na niyang magpunta sa simbahang sinabi nito. Finally, she saw her. She is full of sophisticated beauty, glamour and elegance. Mas mapagkakamalan pa siyang mas matanda rito. Loss na loss siya sa beauty nito.

"Hi, I'm Jesica, NJ's fiancee. Buti naman at dumating ka."

"Sorry, medyo di rin po ako ready ate."

"Huwag mo na akong tawaging ate. Let's be friends. Actually, pinapunta ako ni NJ dito to meet you and give this wedding invitation to you."

"Ang bilis naman. Hindi po talaga ako handa para rito. And... Within two weeks na ang kasal niyo?"

"Yes, ang saya di ba? NJ actually wants you to be one of our abays. So please punta ka. Libre ang lahat."

"Ganoon ba? O-o sige.", hindi sigurado sa isasagot. Parang nabigla pa ata ito sa nasabi niya.

"Sige, salamat pala. By the way, dito ang venue na kasal. Mauna na ako. He's waiting for me sa place na pinagpatahian namin ng wedding gown. See ya!"

Halos tumulo na ang kanyang luha. Ikakasal na nga ang lalaking pinakamamahal nya. At, hindi talaga siya minahal nito. Kahit ano pa ang gawin niya. Wala at hindi talaga. NAPAKAIMPOSIBLE.

Yes, hinintay lang talaga ng lalaking ito na tumuntong ng 18 ang dalaga. Settled na ang lahat, wala ng atrasan ang kasal. All that she can do is of course, umiyak. Para bang cry and cry until she die. All she have to do, is let her feelings go for him. Huwag na nya ito guluhin pa. At pagkatapos niyang mag-abay sa kasal nila, lumayo na siya dapat.

After how many days, her aunt they have to go sa America. Without telling any reason at ASAP andoon na sila. Pumunta siya ng church kung saan sila nagkita ni Jesica. Buti at nandoon ito.

"Ate Jesica?"

"Sorry, I won't make it on your wedding. Kailangan kong magpunta sa America ASAP."

"Hah? Talaga?! Ganoon kabilis?"

"Oo nga eh, di rin sinabi ni tita ko kung bakit kailangan naming buong pamilya magpunta roon. Pakisabi na lang pala kay Kuya NJ to hah? Wish you all the best and I know magiging forever kayo.", at niyakap niya ito ng mahigpit.

"Nasa loob si NJ, tawagin ko lang saglit."

"Huwag na. Nagmamadali na rin ako. Sige, una na ako. Diretsong airport na kami. Mamayang gabi na ang flight namin."

Kumaripas ito ng takbo dahil tinatawag na itong kanyang mga kasama sa van.  Ilang saglit pa ay lumabas si NJ ng simbahan.

"Bhabe, sinong kausap mo?", then he saw the girl running towards the van.

"It's her. She won't make it on our wedding. She's leaving later papuntang America."

"Bakit hindi mo ako tinawag?"

"Ayaw niya, at mukhang nagmamadali ito."

"Hindi ko man lang siya nakita at nakausap for the very last time.", nagsisi ito at napakamot sa ulo.

And that's the very last time na magkakaroon ito ng komunikasyon sa dalawa. Marami itong kailangang unahin kaysa sa kanyang lovelife. Makakapaghintay ito.

Unpredictable: Ang Broken Hearted na si Cheska JanineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon