Chapter 4: Truth Reveals

6 0 0
                                    

"Ma! Ate! Kuya! Papa! Andito na si Kuya NJ!", ang narinig ni NJ pagbaba niya sa sasakyan.

Lahat niyakap siya ng mahigpit lalo na ang kanyang ina. Halos hindi magkandaugaga ang mga ito dahil sa pagiging sabik na makita siya.

"Miss na miss ko na po kayong lahat."

"Miss ka na rin naming lahat."

"Hindi ka ba nahirapang magpagamot?", aniya ng kanyang stepfather.

"Hindi naman po, pero sa una po mahirap. Pero pag tumagal ay masasanay rin po."

"Halika na, ibaba mo na yang bagahe mo. Magsalo-salo na tayo."

Lahat sila ay masayang sabay-sabay na kumain. Nagkuwentuhan pa ang mga ito tungkol sa mga nangyaring hindi sila magkakasama sa limang taon. Ang kanyang kapatid na babae ay nag-asawa na tatlong taon na ang lumipas. Ang kanyang kapatid na lalaki ay napromote sa trabaho at malapit na rin itong ikasal. Ang kanilang bunsong kapatid ay Grade 8 na at may puppy love na. Nang sa kaniya na mapunta ang usapan ay halos pagkaisahan siya ng lahat.

"Kuya, nasaan pala girlfriend mo?"

"Oo nga pala kuya, kamusta kayo ni ate Jesica?"

"Uy! Ang ingay mo naman.", suway ng babaeng kapatid sa bunso.

"Matagal na kaming wala ni Jesica."

"So kuya alam mo na matagal na siyang may asawa't anak?"

Napakunot noo ito sa kanyang narinig.  "Tama ba narinig ko? May asawa't anak na si Jesica? Parang ang bilis naman yata masyado para mangyari yun." Hindi ito makapaniwala sa narinig. Mag iisang taon palang silang hiwalay pero agad na itong may naipalit sa kanya at nakabuo na ng pamilya.

Jesica, his dearest Jesica. Gusto niya talagang ito na ang kanyang mapangasawa. But she is already taken. What else can he do? Nothing. Unless sirain niya ang pamilya nito, agawin siya at ituring niyang anak ang anak nito sa iba. Pero mali. Marami pang iba. Ang tanong lang ay may mahanap pa kaya siya?

Unpredictable: Ang Broken Hearted na si Cheska JanineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon