Chapter 3: CJ the unlucky and brokenhearted girl

6 1 0
                                    

Halos sumuko na ang lahat kung paano aayusin si CJ sa kanyang buhay. Pagkatapos kasing mamatay ng kanyang boyfriend na si Mark, na sa buong akala nya ay kanyang mapapangasawa, ay hindi na ito nakakitaan ng sigla o saya sa kanyang mukha. Hanggang sa nagtapos ito sa kolehiyo at nakapagtrabaho ay halos wala na itong kinakausap, kundi lang nito kailangang kausapin ang mga tao sa paligid nya para sa trabaho ay hindi nya talaga ito kakausapin. Pati rin ang kanyang mga kasama sa bahay at maging mga kaibigan nya ay hindi na rin nito kinikibo. Wala itong ibang ginawa kundi magkulong sa kwarto at mag isa palagi. Nakahiga, nagmumukmok, umiiyak, kaya ang unan nito ay laging basa. Mahal na mahal nito si Mark at ito lang din naman ang nagmahal sa kanya ng totoo. Kaya sobrang sakit ng pangyayaring iyon sa kanya. Ilang beses na rin ito nag-suicide because she wanted to be up with him. Well, she's very unlucky when it comes to her lovelife. Si Mark lang ang bukod-tanging nagmahal sa kanya ng totoo, namatay pa ito. Napakasaklap ng kanyang buhay pag-ibig. Ayaw na nyang umulit pa. Nadala na siya.

"Anak, oras na. May pasok ka pa.", sabi ng kanyang mama.

"Ayoko po pumasok ma", sabi nito.

"Wala akong gana."

Halos ganyan ang sitwasyon nilang mag-ina. Minsan napipilitan na lang siya pumasok sa trabaho nito. Wala rin siya sa kanyang sarili pero salamat sa Diyos ay hindi niya pinapabayaan ang trabaho. Ilang beses na napromote, pero walang kasiyahan ang maaaring pumalit sa kalungkutan dumating sa buhay niya.

"Anak, alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan. Balang araw ay matutuhan mo ring matanggap iyon."

"Ma tama na po. Pwede? Maghapon po pala ako ulit sa sementeryo mamaya. Namimiss ko na po siya."

She's referring to Mark. At everytime na malapit na ang death anniversary nito, ginigugol niya ang buong araw, yes buong araw niya sa puntod nito.

Unpredictable: Ang Broken Hearted na si Cheska JanineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon