August 20, Monday
Nag-aalala sina Xi-Men dahil hindi nila alam kung saan nagpunta si Asi. Napanaginipan ni Shan Cai si Asi nasa rooftop ng isang building at nagpakahulog ito doon at nagising siya. Nakita niya ang mama niya at sinabi nito na pareho silang nawalan ng malay ni Asi at may nagdala sa kanila sa ospital. Nang maalala niya si Asi ay agad siyang tumayo at pinuntahan ito sa kwarto nito. Nakita ni Shan Cai si Lei sa labas ng kwarto at ang lungkot ng mukha nito ng tanungin niya si Asi dito. Pumasok siya sa loob at nakita niya sina Mei Zou at Xi-Men na parang paiyak na kaya napaluha na rin siya. Nakatakip ang buong katawan ni Asi ng kumot at inakala niya na patay na ito. Nabigla naman siya ng biglang imulat nito ang mata nito at dahil doon ay nainis siya dahil niloko siya ng mga ito. Nasabi iyon ni Shan Cai dahil wala siya masabi. May binigay si Asi kay Lei at sinabi naman nito na sila na ang bahala. Habang nag-uusap sila ni Asi ay biglang nagpakita si Xiao Sun. Humingi ito ng tawad kay Shan Cai. Bumalik na sila Lei at pinakita nila kay Asi ang picture ng gumulpi sa kanya na bugbog-sarado. Tinanong si Shan Cai nila Mei Zou kung anong tingin niya kay Asi at sinabi niya na para itong tuta. Nasabi niya iyon ay dahil wala siya masabi at umalis na siya.
August 21, Tuesday
Masyadong nabigla at nainis si Asi dahil sa sinabi ni Shan Cai. Sabi nila Lei ay okay lang iyon dahil cute naman daw ang tuta. Masyado namang natouch si Shan Cai dahil sa ginawa nito. Napapisip tuloy siya kung mahal niya na ba si Asi dahil sa tingin niya ay mahal na mahal siya nito.
Sa skul, habang nakain siya ay dumating si Lei at kinausap siya nito. Sinabi nito na ngayon lang nila nakita na ganoon kaseryoso si Asi sa isang babae. Biglang dumating si Asi at umalis na si Lei kaya naiwan silang dalawa. Sinabi ni Asi na b-day niya sa katapusan at pinapapunta siya nito sa party niya. Sinabi din nito na pumunta siya dahil ipapakilala daw siya nito sa mama niya. Sa cakeshop, kinuwento niya iyon kay Xiao You at sinabi nito na magbake na lang siya ng cookies as a birthday gift.
Ordinaryo lang ang suot ni Shan Cai at dala niya ang regalo niya kay Asi ng makita siya nila Lei. Puro mga naka-formal ang mga ito na pinagtaka niya. Gumawa ng paraan ang F3 para ayusan at palitan ang damit ni Shan Cai. Engrande ang party ni Asi. Nang makita siya ni Asi ay binibira siya nito para ipakilala pero ayaw niyang sumama. Humawak pa siya kay Lei pero bigla siyan gnagtaob at nabunggo ang waiter na naging dahilan ng pagkabasag ng mga plato. Nakagawa ito ng ingay at may lumapit sa kanila na isang babae.
August 20, Wednesday
Tinanong ng mama ni Asi kung ano niya si Shan Cai. Nang malaman nito na kaibigan siya nito ay pinapauwi nito si Shan Cai ngunit hindi pumayag si Asi at sinabi na mahalaga ito sa kanya. Nagsinungaling sila na mayaman si Shan Cai at dahil doon ay pinag-piano siya nito. Hindi niya inayos ang pagpipiano dahil naiinis siya sa katapobrehan ng mama ni Asi. Nainis naman ang mama ni Asi samantala napangiti naman si Asi sa ginawa niya. Pagkatapos nun ay tumugtog siya ng nag-iisang piyesa na alam niya at pagkatapos ay tumayo na siya para umalis. Pinigilan siya ni Asi at dahil doon ay sinampal si Asi ng mama niya. Hinila ni Asi si Shan Cai palabas dala ang paperbag na dala niya. Tinulungan sila nila Lei para makaalis sila doon. Sumakay sila sa kotseng regalo kay Asi at pumunta sa isang lugar kung saan tanaw mo ang buong lungsod. Sinabi sa kanya ni Asi na gusto niya talaga si Shan Cai kahit hindi ito mayaman. Pinaimbestigahan ng mama ni Asi ang buhay ni Shan Cai at gusto nito gumawa ng paraan para magkahiwalay sila. Habang nag-uusap sila ni Asi ay sinabi nito na nagugutom daw siya. Sinabi nni Shan cai na may dala siyang cookies pero nagbago ang isip niya na ibigay ito kay Asi dahil nahihiya siya. pero kinuha ito ni Asi dahil napagtanto nito na iyon ang birthday gift ni Shan cai sa kanya. Nang malaman iyon ni Asi ay tuwang-tuwa.
BINABASA MO ANG
Meteor Garden & Hana Yori Dango (Again) --- HYD
FanfictionPlease read! Thank you! XD