September 3, Monday
Kinausap ng F3 si Asi sa nangyari sa bahay ni Shan Cai. Pag-uwi ni Shan Cai sa kanila ay binasa niya ang sulat na pinadala ng mama niya habang kumakain ng noodles. Naiyak siya dahil doon at biglang pumasok ang kanyang land lady. Pinaalis na siya nito ngayong gabing ding iyon kaya namomoblema siya kung san tutuloy. Umalis siya sa bahay na iyon na hindi alam kung san pupunta. Pumunta si Asi sa bahay nila Shan Cai ngunit hindi na niya naabutan ito dun. Tinatawagan niya ito pero naka-off ang cellphone nito.
Binuksan ni Shan cai ang cellphone niya at nakareceive siya ng 10 tawag mula kay Asi sa voicemailbox niya. Habang pinapakinggan niya ito ay bigla niyang nakita si Asi. Hindi niya napigilan na hindi umiyak at tinanong noya kung paano nito nalaman na naandun siya. Sinabi nito na dun daw sa lugar na iyon siya nasaktan nito at pinagsisihan niya daw ito.
Dinala ni Asi si Shan Cai sa bahay nila at sa mga panahong iyon ay umalis na ang mama ni Asi papuntang London. Sa bahay, nakita nila doon si Auntie Jade na pinabalik pala ng mama ni Asi para bantayan siya. Ginawa nitong personal maid si Shan Cai si Asi kapalit ng pagtira nito doon. Kinagabihan, pinuntahan ni Auntie Jade si Asi sa kwarto niya at sinabi ni alam nito na may relasyon sila ni Shan Cai.
September 4, Tuesday
Nang marinig ni Asi na gagawing personal maid niya si Shan Cai ay natuwa siya.
Maagang gumising si Shan Cai para gisingin si Asi. Tinatawag niya ang pangalan nito pero ayaw pa rin magising kaya nilapitan niya ito sa kama. Nabigla na lang siya ng yakapin siya nito kaya pinaghahampas niya ito ng unan.
Sa skul, sinabi ni Asi sa F3 na personal maid na niya si Shan Cai at sinabi ng mga ito na susuportahan sila nito. Tinawagan niya si Shan Cai at sinabi na pupuntahan siya nito sa kwarto niya mamayang hatinggabi.
Malapit ng mag-alas-dose at kinakabahan si Shan Cai baka kung anong gawin sa kanya ni Asi. Lalabas sana siya ng kwarto kaya lang pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya si Asi. Ayaw sana niya sumama ngunit pinilit siya nito. Gamit ang isang malaking telescope ay pinakita sa kanya nito ang isang meteor na hugis diamond na pinaliligiran ng ring of light. Sinabi nito na kapag parehong nakita iyon ng dalawang taong nagmamahalan ay magiging sila habambuhay. May nilabas ito sa kanyang bulsa na isang kwintas na katulad ng meteor na nakita nila at isinuot sa kanya habang tinatanong siya nito kung gusto nito na maging girlfriend niya. Hindi pa siya nakaksagot ay hinalikan siya nito pagkatapos ay sinabi nito na bukas na lang siya sumagot.
Maaga nagising si Shan Cai at sinabi niya kay Asi na na payag na siya na mag-steady sila hanggang two months pagkatapos ay umalis na siya. Pero pagbalik niya sa kwarto nito ay nakita niya ito na sumasayaw sa sobrang saya.
September 5, Wednesday
Tinawagan ni Xiao You si Shan Cai dahil nalaman nito na sila na ni Asi. Niyakag niya ito na mag-double date sila sa Sunday at pumayag naman si Shan Cai. Samantala, nag-uusap sina Asi, Mei Zou at Xi-Men sa may sala ng lumapit si Shan Cai. Niyakag niya ni Shan Cai si Asi na makipag-date pero hhindi ito pumayag ng malaman niya na isa iyong double-date. Isa pang dahilan nito ay pangkaraniwang tao olan gdaw ang date na iyon at sa amusement park pa.
Kinabukasan, pumunta si Shan Cai ng hindi kasama si Asi. Hinintay niya si Asi na dumating pero wala ito. Aalis na sana siya ng mabunggo niya ito at nasorpresa talaga siya sa pagpunta nito. Pumunta sila sa isang sausage stall para bumili. Doon pa lang ay naiinis na si Asi sa boyfriend ni Xiao You pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili. Napapansin na iyon ni Shan Cai kay napagpasiyahan na maghiwa-hiwalay muna sila. Naiinis si Asi sa kayabangan ni Chung Se- boyfriend ni Xiao You. Lagi na lang nakasimangot si Asi kaya sinabi ni Shan Cai na ngumiti siya. Ngumiti nga ito at natuwa si Shan Cai at sinimulan na nila sakyan lahat ng rides.
BINABASA MO ANG
Meteor Garden & Hana Yori Dango (Again) --- HYD
FanfictionPlease read! Thank you! XD