May 1, Tuesday
Umalis na si Tsukushi para bumalik sa iskul. Habang naglalakad siya ay nakita siya ni Tsukasa at pinipilit siya nito na sumakay na ng kotse nito para ihatid sa iskul. Pero hindi siya sumakay at tumakbo. Hinabol naman siya ni Tsukasang biglang may sumuntok dito at sinabi na huwag itong masyadong mahangin. Isang magandang babae ito at nabigla si Tsukushi ng tawagin ito ni Tsukasa na ate. Hinatid si Tsukushi ni Tsubaki Domyuji- ate ni Tsukasa sa iskul at sinabi nito na nagugustuhan na ni Tsukasa si Tsukushi. Sa iskul, ang daming istudyante ang nakatingin sa kanila.
May kinakaharap na malaking problema ang Domyuji World. Sa bahay ay nag-uusap sina Tsubaki at Tsukasa at napag-usapan nila si Tsukushi. Napapansin nang ate ni Tsukasa na naiinlove na it okay tsukushi. Nag-wish si Tsukushi sa falling star na “sana makita ko na siya” habang si Tsukasa naman ay nasa bintana ngunit hindi niya nakita ang dumaang falling star dahil tumalikod siya.
Kinabukasan sa iskul ay pumunta si Tsukushi sa fire escape at tiningnan kung nandoon si Rui. Sumigaw siya na “gusto ko siya makausap” at biglang sumulpot si Rui. Sinabi nito na babalik na si Shizuka sa France. Nakita sila ni Tsukasa na nag-uusap at umalis ito. Pumunta sila Tsukushi at Rui sa bahay ni Shizuka. Nagpasalamat si Tsukushi kay Shizuka at sinabi na huwag ng tumuloy sa France para kay Rui Hanazawa. Ngunit hindi ito pumayag at lumuhod pa siya para magmakaawa dito. Hindi niya alam na nakatingin si Rui sa kanila. Pagkatapos nilang mag-usap at umalis na siya at tumakbo palabas…
May 2, Wednesday
Paglabas niya ng pinto ay nandoon si Rui. Nagalit ito sa kanya dahil sa ginawa niya at pinauwi na siya nito. Umalis si Tsukushi na naiyak habang pumunta sa isang bar si Tsukusa. Nagselos siya ng makita na magkasama sina Rui at Tsukushi at nakipagsuntukan siya doon.
Paalis na si Shizuka papuntang France. Nasa airport na silang pwera lang kay Rui. Huling dumating si Tsukushi at binigay ni Shizuka sa kanya ang sapatos na pinasuot sa kanya sa party. Nakaalis na si Shizuka nang biglang dumating si Rui at sinabi niyang susunod din siya sa France. Hinalikan niya si Tsukushi sa noo at nagpasalamat. Tinawag ni Tsukasa si Rui at ito ay nagalit dahil hindi man lang ito nagsabi na aalis siya. Binigyan si Tsukasa ng apple nila Akira at inihagis it okay Rui. Pinanood nila ang pagtaas ng eroplanong sinasakyan ni Rui. Kinuwento ni Tsukushhi kay Yuki ang nangyari sa airport. Hindi na niya nasauli ang panyo ni Rui. Nagsusulat si Tsukasa ng letter para kay Rui.
Kinabukasan sa iskul, kakainin na ni Tsukushi ang pagkain niya ng biglang dumating ang tatlong kontrabida. Biglang sulpot naman ni Tsukasa at hinatak sa balikat ang isa sa mga kontrabida. Tuwang-tuwa naman ito dahil nahawakan siya ni Tsukasa. Sinabi naman ni Tsukasa na “tumigil ka panget” at biglang naalala ni Tsukasa ang sinabi ng kanyang ate na kailangan magkaroon ng pasensiya. Kaya umikot siya sa mesa ni Tsukushi at sinabi niya na sa “Linggo, Emisu Garden Place, Clock Hour Square, 1 pm”. Hindi naintindihan ni Tsukushi ang sinabi nito. Nabigla ang lahat at napatingin kay Tsukasa na paalis na. Habang naglalakas sa hallway si Tsukasa ay bigla siya nagsalita, “ganun pala ‘yun ate, yes!!!” sinundan ni Tsukushi ito at tinaning kung ano ‘yung sinabi niya. Sinabi naman ni Tsukasa na “sinabi ni Ha Ming Yei” at biglang tumawa, “hindi ka aksi nagbabasa”. Umalis na ito at naiwan si Tsukushi na puno ng pagtataka…
May 3, Thursday
Sabado. Maagang dumating si Tsukasa sa lugar na sinabi niya samantalang si Tsukushi ay walang balak na pumunta dahil kasama niya si Yuki. Nasabi na lang ni Tsukasa sa kanyang sarili na, “kapag hindi siya dumating pagkatapos ng limang minute ay patay siya sa akin”. Nung kinuwento ni Yuki kay Tsukushi ang tungkol kay Tiger Mask ay naalala niya si Tsukasa. Kaagad siya nagpaalam kay Yuki at umalis. Umuulan ng umalis siya kaya akala niya ay wala na si Tsukasa doon. Pero nagkamali siya dahil naghihintay pa rin ito doon kahit basang-basa na ng ulan. Nang makita siya ni Tsukasa ay agad siya nitong niyakap dahil sobra itong nag-alala sa kanya. Dahil nabasa si Tsukasa dahil sa kanya ay niyakag niya itong mag-tsaa. Nang tingnan niya ang wallet niya ay barya na lang ang laman. May lumapit na lalaki kay Tsukushi at sinuntok ito ni Tsukasa. Sumakay silang dalawa sa elevator ngunit ayaw gumana nito. Na-stuck silang dalawa doon. Tatawag sana sila ng tulong kaya lang walang signal sa loob. Pinangko siya ni Tsukasa para makadaan sa kisame silang dalawa. Habang umiihi si Tsukasa ay nahulog si Tsukushi kaya tinunlungan niya ito ngunit bumagsak ulit sila sa loob ng elevator. Ilang minuto na ang nakakalipas ng biglang daganan ni Tsukasa si Tsukushi na ikinabigla nito. nilalagnat si Tsukasa kay pinainom niya ito ng gamut at binigay niya dito ang jacket niya at ang paglagay sa leeg. Napansin ng pamilya ni Tsukushi na hindi pa siya umuuwi. Naghihintay na lang silang dalawa ng tulong bukas…
BINABASA MO ANG
Meteor Garden & Hana Yori Dango (Again) --- HYD
FanfictionPlease read! Thank you! XD