Prologue

101 2 4
                                    

Philippine National Police Headquarters


Mabilis kong pinark ang motor ko at pumasok sa loob ng aming headquarter dala ang helmet ko.


Isa akong miyembro ng grupo ng CIDG o Criminal Investigation and Detection Group, one of the branches of Philippine National Police. I am almost four years in service as a Police woman.


"Good morning, Inspector Preston!" bati agad sa akin ni Gavi pagkapasok ko sa opisina.


"Walang good sa morning kapag mukha mo ang nakikita ko." sagot ko at ipinatong ang helmet sa tabi ng table ko.


Uupo na sana ako sa upuan ko para magsimulang magtrabaho pero may tumawag sa akin.


"Inspector Preston, pinapatawag ka sa opisina ni General!" isa sa mga katrabaho ko.


"Roger, Sir!" mabilis kong sagot.


"Lagot ka," pananakot ni Gavi sa akin habang parang batang nakataas ang hintuturo nya.


Pasimple ko syang sinapok bago nagmadaling maglakad papunta sa opisina ni General or let's say, office of my Uncle. Oo, General Preston, kapatid ng Papa ko.


Pumasok ako sa loob ng opisina nya at mabilis na sumaludo.


"Goodmorning Chief Preston! Pinatawag nyo daw po ako." magalang na bati ko.


Sininyasan nya akong maupo sa upuan na nasa may table nya na agad ko naman ginawa.


"Mukhang seryoso masyado ang paguusapan natin, Chief." sabi ko bigla.


Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan, hindi naman ako ganito dati kapag pinapatawag ako dito. Parang iba ang awra ngayon na pati si Chief ay parang hindi gusto ang kung ano mang bumabalot sa amin ngayon.


"Seryoso talaga at paniguradong hindi mo ikakatuwa. What do you want me to tell you first? The good news or bad news?"


Saglit akong napa-isip.


"Goodnews before the bad news." I answered as calm as possible.


"I will give you a very important assignment for your promotion and the bad news is it is connected to the death of your father."


Agad akong natigilan sa sinabi ni Tito Kian. Napasandal ako sa upuan inuupuan ko. What about it?


"Tell me more," saad ko kahit na parang may nagbabara sa lalamunan ko.


Tumayo si Tito at may kinuhang folder sa may likuran nya bago iyon inilapag sa table at dahan dahan inilapit sa akin.


"This assignment is going to be hard, this case has been unsolved for the past few years now, from the death of your father. Matagal na nanahimik ang grupo ng mga pumatay sa tatay mo na ngayon ay muling nagpaparamdam at hindi pa rin matukoy kung sino ang mga taong ito."


Kinuha ko ang folder at binuksan.


"Dashawn Forde Osborne.." basa ko sa pangalan ng taong minsang naging parte ng nakaraan ko.


"At kagaya ng nakaraan ay muli nilang ginugulo ang pamilya ng mga Osborne na alam kong kilalalng kilala mo na. Malaki ang posibilidad na tungkol ito sa negosyo ng pamilya kaya hindi sila tinitigilan ng grupo." patuloy ni Tito.


Mabilis na nagbalik sa akin ang mga alaala, mga alaalang ibinaon ko na sa hukay pero ngayon ay para itong naguunahan na maalala ko ulit at balikan, fucking memories.


Legally Under ArrestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon