MONISE POV!
Tanghali na at mag-isa lang ako dito sa bahay wala yung mga Oppa ko dahil may practice daw sila kaya pumunta sila sa SM Ent. Akala ko nga nung una Mall yun eh. Agency pala hahaha
Close ko na sila lahat kaninang Umaga lang kasi kami nagkaroon ng GTKEO ( -get to know each other )
Nalaman ko rin na bukas na pala yung pasukan dito parang kakabakasayon ko lang nung umalis ako ng pilipinas ah tapos pasukan ulit aba matindi
Si Oppa Kai, Sehun at Tao daw ang makakasama ko pag-pasok minsan kasi madalas daw excuse sila eh
Bakit ganon feeling ko hindi sakin bagay na tawagin silang "oppa" ang sama kaya ng ugali ko tapos biglang babait pag dating sakanila
Ok fine hanggat sila ang kasama ko magpapakabait na ako
*kruuu*
*kruuu*
H*ly Sh*t gutom nako buti nalang bagong grocery sina Oppa may niluto ding "Hoeddeok (sweet syrupy pancakes)" si Chanyeol Oppa kaya iinitin ko nalang gagawa din ako ng Smoothie naubos kasi yung ginawa ko kagabi nagustuhan ata nila kaya dadamihan ko na yung gagawin ko para may stock sa ref
×××××××××××××××××××××
Tapos nako kumain at kakatapos ko lang maligo at magbihis dahil gusto kong lumabas dahil ang boring sa bahay
Napagpasyahan kong sa Mall nalang pumunta at manuod ng sine para masaya huehuehue
Lumabas nako ng Bahay at nilock yun since alam ko na naman yung password sinabi sakin ni Kris Oppa
Cr*p wala pala akong sasakyan T_T
Edi lalakadin ko hanggang palabas ng Village Bro ang layo!
As if may choice ako diba kaya sinimulan ko na yung paglalakad Ipaalala nyo na na babatukan ko mamaya si Kuya -_-
After124788983773728years nakalabas din ng Village papunta palang ako feeling ko amoy pauwi nako
Nang may dumaan na taxi pinara ko agad at sinabi yung pupuntahan ko malapit lang pala sa Village yung Mall eh kaya mabilis lang akong makakauwi
Nandito nako sa mall at pinagtitinginan nila ako hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso sa Market bibili ako ng Snacks hindi kasi ako kumakain ng popcorn kapag nanunuod ng movie kaya Chips yung nginangatngat ko bibili sana ako ng gagamitin ko sa pasukan since bukas na yun kaso binlihan na pala ako ni Kuya kaya wag nalang
Pumunta nako sa section kung saan puro chips yung makikita mo kumuha lang ako ng dalawang malaking lays, Pringles at Cheetos pumunta nako sa drink section para kumuha ng Inumin syempre yung Coke in can lang yung kinuha ko then pumunta nako sa Counter para magbayad syempre
Nandito nako sa fourth floor at pumipili nalang ng papanoodin naisip ko na wag muna action movie yung panoodin ko para maiba naman kaya yung "Daddy Youu, Daughter Me" yung pinili ko
Bumili nako ng ticket at pumila medyo mahaba rin kasi ang pila
Nandito nako sa loob buti nalang napasama ako sa kahit panglast
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
Nandito nako sa bahay sa kwarto ko ang ganda nung story ng Daddy you, Daughter me hindi lang sya comedy may matututunan ka ring aral kung may nagawa mang mali yung father mo sayo kumbaga nangingibabaw yung Pagmamahal sa movie na yun kaya marerecommend ko sya sainyo
||||||||||||||||||||
"MONISE GUMISING KANA MALELATE KANA ABA"
"FIVE MINUTES~"
"ABA'T SANDALI NGA"
Diko alam kung nananaginip bako o ano eh pero feeling ko basa na ako kaya nagmulat nako ng mata
"KUYAAAA YARI KA SAKIN PAGKATAPOS KO DITO" sigaw ko mula sa banyo
pano ba naman nakahiga na pala ako sa bathtub diko man lang naramdaman yung pagbuhay nya sakin
Pinagpatuloy ko na yung paliligo ko since basa narin naman ako napuyat kasi ako kagabi dahil naadik ako sa Kakalaro nung "Animal Hot Spring's"
(A/N: Try nyo sya guys nakaka-adik ang ganda nirecommend lang ni Daniel ng W1)
Tapos nako maligo at tinititigan ko lang yung Uniform ng KNUA(korea national University of Art's) maganda sya kulay Red and White yung Uniform kaya sure akong lalo akong puputi dito
Author: kayo na yung bahala mag-imagine kung paanong pag-kakadesign ng uniform ang gusto nyo pero dapat red and white yung kulay...
Dalawa sya yung isa pang winter at yung isa yung regular na gagamitin talaga white long sleeve sya na may nakatatak na KNUA na kukay red sa tapat ng left breast tapos meron din syang Red necktie at blazer tapos yung Palda nya 3inch above the knee na kulay white na may two line sa baba na kulay red basta ganon sya
Sinuot ko na yun at inayos yung mga dadalhin ko sa School bago bumaba
"Morning Oppa's, Kuya" bati ko sakanila pagpunta ko sa Dining
"Morning din sige na umupo kana at kumain baka malate kayo" sabi ni Lay Oppa
Kaya Umupo na ako sa tabi ni Baekhyun Oppa nagkakasundo kami nito sa pangbubully sa mga yan eh
"Hoy monise ayusin mo yung pag-aaral mo ha yung sinabi ko sayo sundin mo" biglang sabi ni kuya
"Tska na pag-matangkad kana sakin Kuya" pang-aasar ko sakanya kaya napatawa yung mga members nya at inasar sya
"Aba't ayusin mo ha baka mamaya lang pinapatawag na ako sa guidance ha" sabi nya
"Oo na" sabi ko at nag-simula na kumain
°
°
°
°
°
°
°
°"Ano wala naba kayong nakalimutan ?" Tanong ni Luhan Oppa saaming tatlo
"Oo hyung aalis na kami at bak malelate na kami" sabi ni Sehun Oppa
"Sige manong driver paandarin mo na baka malate ang mga bata sa school" sabi nya sa school Driver namin
Medyo malayo pala ang School sa Village kaya kailangan talaga ng Service sinadya pala nila Appa na hindi ipadala lahat ng car's at motorbike's ko dito para hindi ako makagala Tss
"Oppa's magkatabi lang ba yung building natin?" Tanong ko sakanila
"Hindi monise malayo yung college building eh" sabi ni Kai Oppa
"Oo nga monise pero wag ka mag-alala susunduin kana lang namin sa room mo pag Breaktime ok" sabi ni Sehun Oppa
"Oo nga para hindi ka maligaw tska pag may umaway sayo punta ka lang sa room namin bubugbugin namin yun" maangas na sabi ni Tao Oppa
Nagkwentuhan lang kami at sinabi lang nila sakin yung mga facilities, rules and regulations ng KNUA
"Oh nandito na pala tayo eh tara na" sabi ni Sehun Oppa ng tumigil yung Van sa Tapat ng School
