"hayy sa wakas natapos din ang Concert " Sabi ni Baek habang nakahiga sa sofa.
"Oo nga grabe nakakapagod, Hyung bakit ang Tahimik mo?" Tanong sakin ni Kai habang nakain ng luto ni D.o.
"Ahh iniisip ko lang yung kapatid ko, nabalitaan ko kasi na wala syang kasama lagi sa bahay dahil laging nasa business trip sina Dad" sabi ko sakanya na narinig pala nila lahat, kahit sina Kris,Lay,D.o at Xiumin nakatingin sakin.
"ilang Taon na nga ba ang kapatid mo hyung?" Tanong ni Sehun the bulol sakin hahah
"16" maikli kong sagot sa kanya na ikinagulat ng lahat miski sina kris nagulat
"anooo! 16 lang pero iniiwanan na nila mag-isa sa bahay" Sigaw nila sakin na tanong
"Oo Kaya nga nag-aalala ako ehh" Sabi ko sakanila Habang nag-iisip ng paraan kung pano ko ulit sya makakasama.
Mahigit 7 years na din simula ng hindi ko sya nakita at sa lumipas na taon na yun sobra ko syang namiss.
