MPAOM 1

18.4K 445 38
                                    


   "Okay, children, do you have any questions?"

   May mga sumagot ng "no, ma'am" at ang iba naman ay umiling lang. Ilan sa mga classmate ko ay pasimpleng nag iinat at nagtatakip ng bibig para maitago ang paghikab. Kung may mga tanong man kami tungkol sa lesson ay wala ni isang nagtanong sa kagustuhang matapos na ang klase.

   "Alright, class dismissed." Anunsyo ni Mrs. Lopez. Iyon lang ang iniintay naming lahat upang muling mabuhayan mula sa isang nakakabagot na History class.

   Halos sabay sabay kaming nagsitayuan para lumabas ng room. Pinahupa ko muna ang mga nag uunahan sa pinto bago ako sumunod na lumabas.

   Kanya kanyang grupo ang mga estudyanteng naglalakad sa hallway papuntang canteen para maglunch. Ang iba naman ay naglalabasan ng campus sakay ng kani kanilang mga kotse upang sa labas kumain.

   "Juni!"

   Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

   "Kiko." Huminto ako sa paglalakad upang hintayin si Kiko.

   "Sabay na tayong maglunch." Nakangiti niyang sabi sabay akbay sa akin.

   "Mamaya pa ang vacant mo di ba?" Nakatingalang tanong ko sa kanya.

   "Oo. Wala si Dean Benitez kaya maaga akong makakapaglunch."

   "Swerte mo. Dean ang prof niyo kaya malamang madalas kayong walang klase kasi busy ang mga dean lalo na ngayong kasisimula pa lang ng school year."

   "Hmm." Nagkibit lang siya ng balikat.

   Tulad ko ay freshman pa lang din si Kiko. Hindi kami magkaklase dahil mula siya sa College of Medicine at ako naman ay sa College of Education.

   High school pa lang ay magkaibigan na kami. Marami naman siyang kaibigan, actually kahit saan siya mapunta ay meron siyang kakilala. Siguro dahil na rin sa friendly personality niya. At isa pa, gustong gusto niyang ginagamit ang charm niya sa mga babae.

   Gaya ngayon, bawat madaanan naming magandang estudyante ay kinakawayan at kinikindatan niya. Umaani naman siya ng mga pigil na kilig at ngiti sa mga ito.

   Sanay na ako sa ganitong antics niya. Mula nang maging magkaibigan kami ay hindi ko na mabilang sa daliri ang naging girlfriends niya.

   Halos konti na lang ang available na table sa canteen kaya agad na kaming pumila.

   "Siya nga pala, may gaganaping festival three weeks from now, at merong search for Mr. and Ms. Campus para sa mga freshman. Sali ka. Ate saka isang orange juice at dalawang rice." Baling niya sa babae sa counter.

   "Ate ito'ng sa'kin." Sabay turo ng gusto kong pagkain.

  Nang makuha namin ang order ay naglakad na kami sa pinakamalapit na bakanteng mesa.

   "Wala akong chance manalo sa mga ganyang competition. Hindi mo ba nakita kung gaano kagugwapo at kagaganda ang mga estudyante rito?" Kunot-noo kong sabi matapos naming maupo.

  Bumuntong hininga si Kiko. "Juni, my friend, hindi mo rin ba nakikita ang sarili mo sa salamin? Ang cute cute mo kaya. Hmm." Sabay pisil niya sa kaliwa kong pisngi.

   Bahagya akong sumimangot at tinapik ang kamay niya.

   "Kung gusto mo ikaw na lang, mas malaki ang chance mo." Nagsimula na akong kumain at ganon din ang ginawa ni Kiko.

   "Alam ko. Sa kagwapuhan kong taglay malamang ako pa ang manalo." Mayabang niyang sabi sabay ng pagtaas taas ng kilay.

   Pabiro ko siyang inirapan at umiling iling. Yeah, yan si Kiko. Oo gwapo nga ang ungas kong kaibigang ito pero minsan di ko alam kung matatawa o maiinis sa kahambugan niyang taglay.

   Hindi na lang ako nagkomento at itinuloy ang pagkain.

   Nakakailang subo pa lang siya ay kinuha na niya ang apple juice ko at uminom. Nang mailapag niya ay agad ko iyong kinuha at inilayo sa kanya.

   "Damot. Tinikman ko lang." Nakasimangot niyang sabi.

   "Meron ka naman. Yang sa iyo ang inumin mo."

   Dumila lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Maya maya ay umangat ang kamay niya sa direksyon ko. Ang akala ko ay kukunin na naman niya ang inumin ko kaya mabilis ko iyong nilihis.

Niyugyog niya ang kaliwa kong kamay para kunin ang atensyon ko. Nag angat ako ng tingin at nakita kong nanghahaba ang nguso niya na para bang may itinuturo sa likod ko.

Kunot-noo akong lumingon sa direksyong tinuturo niya and boom. There he is, ang future boyfriend ko.

Storm Santillan. Ang tinaguriang Mr. Popular ng mga classmate ko noong high school at ng iba pang estudyanteng nahumaling sa kanyang kagwapuhan. Sino ba naman ang hindi hahanga sa isang brainy, mayaman, matangkad, matikas ang tindig na lalaki, at higit sa lahat brusko ang dating.

Kung marami ang naghahangad na mapalapit sa kanya noong high school marami rin ang nangingilag sa kanya dahil siya ang number one bully sa paaralan namin noon. I wonder kung hanggang ngayon ay bully pa rin siya.

"Juni." Bahagya akong napaangat sa upuan nang marahas akong tapikin ni Kiko sa balikat. "Tulala ka na naman." Iiling iling ngunit nakangiti niyang sabi.

Sinimangutan ko lang siya at muling hinarap ang pagkain.

Palihim akong lumingon sa direksyon ni Storm na ngayon ay pinagtitinginan ng mga babae at maging mga lalaki habang nakapila sa counter. Malaki na ang pinagbago niya physically. Parang mas tumangkad siya at medyo lumaki ang katawan. Nawala na rin ang boyish look niya at nangyari ang lahat ng iyon sa loob lang ng isang taon na hindi ko siya nakita. Sophomore siya ngayon kaya naman nang magtapos siya ng high school ay isang taon ding hindi ko siya nakita.

"Bakit kasi hindi mo na lang siya lapitan at ipagtapat ang nararamdaman mo sa kanya?"

Ibinaling ko atensyon ko kay Kiko.

"Baliw ka ba? Kapag ginawa ko yon baka suntok lang ang abutin ko. Saka straight siya kaya malabong magkagusto siya sa tulad ko." Ngayon ay  parang wala na akong ganang kumain. Napabuntong hininga na lang akong uminom.

"Malay mo. Cute ka naman saka sayang naman yung pag sunod mo sa kanya dito sa St. Benedict kung walang mangyayari."

Marahas akong napalinga sa paligid dahil sa lakas ng boses ni Kiko. "Shut up, baka may makarinig sayo, nakakahiya."

Nangalumbaba ako at nilaro laro ko ang straw ng juice ko. "Sa itsura niyang iyan, sigurado ako na may girlfriend na sya," malungkot kong patuloy. "Siguro makukuntento ma lang akong tingnan siya sa malayo." Muli akong sumulyap kay Storm na ngayon ay nakaupo na sa di kalayuang table kasama ng dalawa niyang kaibigan na kapwa senior namin noong high school.

Napapalatak at napapailing na lang si Kiko na ipinagpatuloy ang pagkain. "Akin na lang yang pagkain mo kung hindi mo kakainin."

Hindi pa ako nakakasagot ay kinuha na niya ito.

"Saan mo ba nilalagay lahat ng kinakain mo? At bakit hindi ka tumataba?" Nagtataka na rin ako minsan kung paano niya napapanatiling fit ang katawan niya kahit sobrang takaw niya.

"Hmm. Secret. Sarap kumain eh." Sabay lantak sa pagkain sa harap niya.

Nang matapos kaming kumain ay nagpasya na kaming bumalik sa kanya kanya naming college. Pero bago kami makalabas ng canteen ay muli akong sumulyap kay Storm. At ganon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita kong nakatingin siya sa akin. Ngunit saglit lang iyon dahil bumalimg din siya sa kaibigan niya para sagutin kung ano man pinag uusapan nila.

Haayyy. Sana dumating yung time na hindi lang isang segundo ang sulyap na matatanggap ko mula sa kanya.

"Juni." Umakbay sa akin si Kiko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

------------------
------------------
------------------

-psychowriter

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 1) - Mr. Popular and Ordinary Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon