MPAOM 19

6.4K 268 3
                                    

Naging masaya ang mga sumunod na araw dahil naging totoo naman si Storm sa sinabi niya na papatunayan niyang gusto niya talaga ako.

Lagi kaming sabay pumasok at kahit late na kaming pinapauwi ni Ate Aki ay matyaga siyang naghihintay na matapos ang practice. Araw araw rin niya akong binibilhan ng pagkain. Parang bigla nga akong nagkaroon ng alalay dahil siya rin ang nagbibitbit ng bag ko.

At madalas niya akong bilhan ng maliliit na bagay.  Kung hindi chocolates ay teddy bear. Talking about sweet. 😊

Higit sa lahat ang nagustuhan ko ay ang pagiging gentleman niya na hindi ko inasahan dahil sa bruskong personality niya. Kahit isang beses ay hindi siya nagtake advantage kapag dalawa lang kami. At lalo ko siyang hinangaan dahil doon.

"Juni. Halika saglit." Hinila ako ni Kiko sa isang sulok ng studio kung saan walang makakarinig habang water break namin.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Alam kong hindi girlfriend ni Storm si Alissa dahil kinuwento mo na sa akin ang lahat. Single si Storm at gusto ka blah blah blah. Pero ano na ba ang meron kayo ngayon kasi parang kayo na eh. Kayo na ba at hindi mo lang sinasabi sa akin ha Juni? Sumagot ka. Kayo ba?" Halos hindi humihingang sita niya sa akin.

"Dahan dahan lang Kiko." Natatawa kong sabi.

"Ano nga kasi. Kayo ba?" Pabulong na ulit niya.

"Hindi Kiko. Hindi kami."

"Eh ano kayo?"

"Ewan." Nagkibit ako ng balikat.

"Pwede ba yon? Eh ang sweet sweet niyo nga."

"Hindi na yon mahalaga sa ngayon Kiko. I mean, hindi naman kailangan ng label ng bawat relasyon. Ang kailangan lang ay pareho kayong masaya at naiintindihan niyo ang isa't isa."

"Wow! Lalim non ah!"

Dinilaan ko lang siya bilang sagot.

"Pero masaya ako para sayo." Saka niya ginulo ang buhok ko. "Pero may isa pa akong tanong."

"Ano yon?"

"Naka-first base na ba si Storm?" Pilyo ang ngiting nakapaskil sa labi niya habang tinataas taas ang dalawang kilay.

Nag-init naman ang mukha ko at sinuntok ko ang braso niya pero nakailag siya.

"Kiko!" Inabot ko ang batok niya at kiniliti. Panay  naman ang iwas niya.

"Juni. Ah! Tama na!" Natatawa niyang iwas.

"Hindi. Dapat lang sayo yan dahil pilyo ka."

"Okay. Balik na dito!" Sigaw ni Ate Aki kaya lang kami tumigil ni Kiko sa kulitan. Napatingin ako kay Storm, as usual para na naman siyang haring patamad na nakaupo sa sofa.

Nginitian ko siya nang tumingin siya sa akin. Muli ay nagpractice na kami. This time ay kabisado na namin ang steps. Kailangan na lang ng kaunting linis at pwedeng pwede na namin itong iperform.

Bago matapos ang practice ay tinipon kami ni Ate Aki.

"Bukas na ang last day ng practice natin seeing na sa isang araw na ang competition. Pero half day lang tayo bukas para naman may time pa kayo para makapagpahinga. See you tomorrow, 8am sharp, okay? Sige, ingat sa pag uwi."

Masaya kaming nag paalam sa isa't isa.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na ng studio.

"Bansot." Tumayo si Storm mula sa pagkakaupo sa table sa labas. Agad niyang kinuha ang bag ko. "Kain tayo."

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 1) - Mr. Popular and Ordinary Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon