MPAOM 22

5.4K 266 4
                                    

***Storm's POV***

Mula nang mailipat si Juni sa isang private room ay hindi na ako umalis sa tabi niya. Hindi ko rin inaalis ang tingin ko sa kanya dahil sa takot na baka bigla na lang niya akong iwan. At sumasakit ang puso ko sa isiping iyon.

Kaya ko lang siya iniwan ay nang dalhan ako ni Jude ng damit na bihisan. Para akong ipo ipo sa bilis kong magbihis dahil hindi ako mapakali na matagal na malayo kay Juni.

Pinauwi ko na rin sina Jude at Kim at siniguradong ayos lang ako. Bago sila umalis ay bumili sila ng pagkain namin ni Kiko. At tulad ko ay hindi pa rin siya umuuwi.

Umaga na pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok at wala akong balak matulog. Paano kung magising si Juni habang natutulog kami? Tiyak na hindi pa niya kayang kumilos sa sarili niya kaya dapat ay may gising sa amin para matulungan siya.

Muli kong tinitigan ang mukha ni Juni. May ilang galos sa makinis niyang pisngi. Gaya kagabi ay wala pa ring senyales na magigising siya. Gaya ng paggalaw ng talukap ng kanyang mata o paggalaw ng daliri. Wala. Para pa rin siyang lantang gulay na nakakabitan ng mga aparatong hindi ko alam ang tawag.

Kagabi nang makita kong tumatakbo si Kiko habang tinatawag ang pangalan ni Juni ay may kabang biglang sumibol sa dibdib ko. Hindi na ako nagdalawang isip na sundan si Kiko.

At para akong itinulos sa kinatatayuan ko nang makita ko siya habang kalong ang duguang si Juni. Hindi ko mapaniwalaan ang nakita ko. Para akong binabangungot at gusto kong magising nang oras ding iyon.

Parang bumalik sa akin ang lahat. Kung paano namatay ang aking mga magulang. Car accident. Galing sila noon sa isang party nang banggain sila ng isang humaharurot na van na minamaneho ng isang lasing na driver. Sa lakas ng pagsalpok ay dead on the spot sina mama at papa.

Masaya pa sina mama at papa noon bago umalis at magpaalam sa akin. Gusto pa akong halikan ni mama bago umalis pero umiwas ako at pabirong sinabing "Ma, binata na ako, girlfriend ko na lang ang pwedeng humalik sa akin."

Tumawa lang si mama noon at pinisil ang pisngi ko.
"Hmm. Kahit 50 years old ka na. You'll always be my baby boy." Saka niya ginulo ang buhok ko.

"Pa!" Hingi ko ng saklolo kay papa pero itinaas lang niya ang dalawa niyang kamay at ngumiti habang umiiling.

Sana pala ay hinayaan ko nang halikan ako ni mama kung alam ko lang na magkakaganon. O di kaya ay niyakap ko sila ni papa nang mahigpit. Dahil nang muli ko silang makita ay nasa morgue na sila.

Iyon ang pinakamalaking bagay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. Ni hindi ko man lang nasabi kung gaano ko sila kamahal.

At kagabi ang buong akala ko ay mauulit na naman ang nakaraan. Hindi ko pa nasasabi kay Juni kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano siya kaimportante sa akin. Kung paano niya ako binago kahit hindi niya alam.

Naaalala ko pa noong unang beses kong makita si Juni. Hapon iyon at uwian. Nagtaka ako nang makita ko siya na napakaraming dalang pagkain.

Nacurious ako kung kaya ba niyang ubusin ang mga pagkaing dala dala niya. Naisipan ko siyang sundan at ihinanda ko ang cellphone ko para kuhanan siya ng video habang nilalantakan niya ang pagkain.

"Tapos ikakalat ko sa buong school." Naisip kong nakakatawa iyon dahil bukod sa napakaraming pagkain ay napakataba rin ni Juni noon.

Nang lumiko si Juni sa isang eskinita ay lalo akong nagtaka. Doon ba siya kakain? Bawal siguro siyang kumain sa bahay nila.

Itinuloy ko ang palihim na pagsunod habang hawak ang cellphone.

Pero hindi ko inasahan ang mga sumunod na ginawa niya.

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 1) - Mr. Popular and Ordinary Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon