MPAOM 9

6.6K 282 2
                                    

"Sh*t." Nagmamadali akong bumangon at naligo. Para akong ipo ipo sa sobrang bilis kong kumilos. Hindi na ako nagsuklay matapos kong magbihis.

Nang mailock ko ang unit ko ay dirediretso ako sa elevator pero matagal pa bago iyon umakyat kaya naman naghandan na lang ako pababa.

Gosh, I'm late.

7:46 na ako nagising at 8am ang simula ng practice. Aargh. Kasalanan to ni Storm.

Nang makarating ako sa ground floor ay nagmamadali kong tinakbo ang entrance. Pero pagliko ko ay bumangga ako sa isang matigas na bagay.

Sa lakas ng impact ay bumagsak ako paupo.

"Awww." Ang swerte ko naman. Hinilot ako ang nasaktan kong pang upo at pinulot ang bag ko at muli iyong isinukbit habang tumatayo.

Tatakbo na sana ako ulit para makahabol sa bus nang may magsalita.

"Hoy bansot, hindi ka man lang ba magsosorry?"

Napalingon ako sa pinanggaling ng boses. Talaga nga naman. Ibig bang sabihin sa kanya ako bumangga? Wow. Mukhang hindi man lang siya nasaktan or natinag man lang. At ako ay bumagsak sa semento? Darn, I'm such a weakling.

"Sorry, nagmamadali kasi ako. Male-late na 'ko. Bye." Sabay talikod.

"Sumabay ka na sa akin."

Napahinto ako at muling napalingon. Kung pupunta pa ako sa bus stop ay malamang na maghintay pa ako sa pagdating ng bus at sobrang late na ako. Saka kasalanan naman ni Storm kung bakit ako napuyat at tinanghali ng gising dahil kakaisip sa kanya.

"Talaga? Tara." Hindi na ako nag alinlangan dahil kailangan ko talaga ng masasakyan.

"Di ka man lang nagdalawang isip ha." Nakangising sabi ni Storm at pumwesto na siya sa driver seat.

Sumunod naman ako at naupo sa passenger. Nang maisuot ko ang seatbelt ay pinasibad na ni Storm ang kotse. Pakiramdam ko ay lumilipad kami sa sobrang bilis niyang magpatakbo.

"Ah Storm, kung gusto mo nang mamatay pwes ako ayoko pa. Kaya kung pwede pakibagalan." Sabi ko habang nakahawak sa door handle.

"Kala ko ba late ka na?" At lalo pa niyang binilisan ang pagpapatakbo.

Kumakabog ang dibdib kong ipinikit na lang ang mga mata ko. Kung mamamatay man ako ngayon at least ang huli kong nakita ay si Storm. Napapadasal ako sa lahat ng santong kilala ko sa sobrang kaba at kahit hindi ko man nakikita si Storm ay alam kong nakangisi siya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa school. Kasabay ng pagbagal ng kotse ang pagbagal ng tibok ng puso ko. Napahugot ako ng hininga at nagpasalamat sa kung kanikaninong poon. At itinatak ko sa utak ko na kahit sobrang late na ay wag na wag sasakay sa kotse ni Storm.

"Salamat Storm." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad agad akong bumaba at nagtatakbo papunta sa studio.

Humahangos ako nang makarating ako sa studio. Nagsisimula na sila sa practice nang pumasok ako.

"Sorry Ate Aki. Late ako."

"Ok punta na sa pwesto mo dali."

Ibinaba ko lang kung saan ang bag ko at sumali na ako sa grupo. Makalipas lang ang ilang oras ay lunch break na. At kanya kanya na kaming diskarte kung saan kakain.

"Bakit nalate ka?" Tanong ni Kiko habang papunta kami sa canteen. Hindi na kami lumabas dahil 45 minutes lang ang break.

"Nawalan ng kuryente kagabi kaya hindi ako agad nakatulog." Hindi ko na kinwento ang pangyayari sa rooftop dahil nakakahiya.

ST. BENEDICT UNIVERSITY (Series 1) - Mr. Popular and Ordinary Me ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon