~6: Most Vova Player

13 0 0
                                    

Jusme paglalaruin nila ako ng basketball?! Never pa akong nakapaglaro ng kahit anong ball games ano!! takot ako sa bola!!

Yeah. Sports isn't my thing kaya nakakatanggap ako ng mga masasakit na salita galing sa mga bashers ko. "Lampa naman yan eh!! Walang maibubuga!! Pwe!"

Nanlulumo akong tumayo sa kama at naligo. Katulad ng kahapon, binilisan ko lang paliligo ko. Tinawagan ako ulit ako ni Ruru. Sabi nya pumunta daw ako sa library at ibalik yung dalawang novel doon sa librarian. Public library yun at madaming tao. Nanibago ako kasi may karamihan ang mga tao sa loob at di man lang ako gaanong pinansin ng iba. May pumapansin din sakin pero hindi marami. Sanay kasi ako na pinagkakaguluhan. Hindi naman sa pagmamayabang pero nasanay lang talaga ako doon.

Pagka-abot ko sa librarian ng libro, halatang may gusto sya sa mukha ng katawan na gamit ko. Ang lakas mag-pacute eh. Bagay naman at mukha syang cute. Ngingitian ko na sana kaso may napansin akong lalaking nakatingin dun sa librarian na teenager pa lang kaya nilayuan ko na. Baka makaistorbo pa ko sa lovestory nila. Pwe!

Ang tagal nga naman talaga ng oras oo! 12:30 na. Andito na ako sa bahay na tinutuluyan ni Ruru. Suot ko na yung jersey shorts nya at puting t-shirt lang muna. Kung ako yung maglalaro, mamaya na lang muna ako magpapalit ng jersey shirt.

Nagvibrate na naman yung cellphone at tumatawag na naman ulit si Ruru.

"Oh! Tawag ka naman ng tawag eh!!"

(Hoy pupunta ako dyan sa court!!)

"Boba ka ba o sadyang boba ka lang talaga?! hindi ka pwedeng pumunta sa court kasi may gagawin ka pa kasama ang route99!! Isip isip din Ru!!"

Kung minsan ang sarap ding palamunin ng pako nitong si Ruru eh! Banas!

(Sabi ni manager N, pwede daw akong umuwi ng maaga!! Kaya sabi ko oo.)

Nasapo ko ang noo ko sa sinabi nya. Shit naniwala sya agad kay manager?!

"What?! Pumayag ka?!"

(Oo naman. Bakit anong masama?) Yan ang hirap satin eh! Nalalagay lagi ako sa peligro taeng yan!

"Urgh! Mamaya ko na lang sasabihin sayo at magtutuos pa tayo!! Ge bye!"

(Hoy basta pupunta ako dyan sa chili-sili court! Kailangan kong mapanood yung laban ko!!) Baliw. Ako nga yung maglalaro eh. Gamit ko lag ang katawan at pangalan mo. Aning talaga tong lalaking to.

Lumabas na ako ng kwarto para makalanghap ng fresh air. De joke! Lumabas na ako para magpunta ng chili-sili court. Actually hindi ko alam kung saan yun kaya nagtanong-tanong na lang ako sa mga nadadaanan ko. Buti naman at hindi sila nantitrip at sinabi nila kung saan.

Pagdating ko sa court, naghiyawan yung ibang mga nakatambay at nakaupo sa may bleachers. Wow! Ganun ba kagaling maglaro itong kupal na Ruru? Ang daming hatak eh! Nagtingin tingin ako at ayun tinatawag pala ako ni Ven na lumapit sa kanila kaya tumakbo ako papunta dun.

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon