~10: Medyo evil

13 0 0
                                    

Padabog kong binuksan yung pinto. Kaasar! Kayamot! Dumiretso agad ako sa kwarto ko pagkatapos kong ilapag yung mga dala dala kong paper bags. Hangga't maari, ayaw kong makita ang pagmumukha ng Ruru na yan!!

"Hoy saan ka pupunta?"

Kaasar talaga tong lalakeng to!

"Sa pupuntahan! Bwiset!!"

F L A S H B A C K

Naglalakad kami papunta sa parking area habang tinatalakan ko tong kumag na to! Nakaka-inis kasi sya!!

"Hindi mo ba alam na yung mga ginagawa mo habang nagpapalit tayo ng katawan eh ang balik lahat sa akin?! Sa pangalan ko?! Hindi ka manlang ba magiisip? Asan na naman ba ang utak mo?!"

Oo! Mataas talaga ang pride ko!! Kapag inis ako sa isang tao, inis talaga ako dun at hindi na pwedeng magbago yun. Eh ang kwento nga, bwiset na bwiset ako sa babae kanina na itago na lang natin sa pangalang Maddie; at itong lalaking to, binigay ang number nya doon sa Maddie na yon. Wala namang problema kung ipamigay nya sa kahit sinong baliw dyan ang number nya, kaso ang problema nagpalit na kami ng katawan nung mga oras na yon at bigla bigla nya na lang binigay yung number nya!

Edi ano na lang ang iisipin ng mga ibang tao dyan? Na basta basta na lang akong nagbibigay ng number ko sa mga strangers?!

At ang masama pa, hindi ako pinakikinggan ng kumag na pesteng to at nagmemake-face lang sakin! Kita nyo na? Ang sarap talaga bigwasan ng lalaking to!

"Eh paano ba naman, ang hinihingi number KO at hindi number MO."

At pinagdiinan mo pa talaga ang Ko at Mo?! Nakakainis ka na talaga!!!!!

E N D   O F    F L A S H B A C K

At sino bang baliw ang matutuwa sa mga oras na to kung ganyan ang nangyari kanina? Humiga n lang muna ako sa kama ko at nagsalpak ng earphones sa tenga ko. Bahala na syang maglinis dyan. Tutal trabaho nya yon, at kasalanan nya kung bakit ako naparusahang maglinis ng dorm. Kung hindi ba naman kasi sya umalis-alis nung panahong yon edi sana sya na lang ang pinaglinis ko at nakapag-shopping ako!

And on the second thought, hindi din pala ako makakapag-enjoy magshopping kasi ano namang damit ang mabibili ko kung katawan ito ni Ruru?!

 Kung wala naman akong gagawin, mas mabuti pang matulog na lang ako at hinatayin na makabalik na ako sa dati kong katawan. Yan. Tama nga ang naisip ko!

*booooooogsh*

Ay tae ng kabayo!!

"Hindi mo manlang ba ko tutulungan dito?!"

"Aba ang kapal naman ng mukha mo ano? Daig mo pa si Noynoy kung makapag-utos ka dyan! Mukha neto!" Konting konti na lang talaga!!!!

Naka-sara yung pinto pero pagkatingin ko nasa tabi ko na sya.  Hala! Pano nakapasok ang alien sa kwarto ko? Trespassing tong hinayupak na to!! Binato ko sya ng unan at sinagawang lumabas na sya pero hindisya matinag at pinipilit pa din akong tulungan ko sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon