Chapter 2: Day of Mischief

9 0 0
                                    

Aya's POV

Simple at may saktong kabuhayan lamang ang meron kami pero narito ako papalapit sa isang kilalang unibersidad dito sa Cavite, ang Wisdom High University. Ito ang unang araw ko sa eskwelahang ito. Pinangarap ko at ni tatay gayon din si kuya na makapagtapos rito. 

Isang unibersidad na kakaiba kumpara sa kinasanayan ng lahat. Dito,  ang tagisan ng mga grupo sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan pagdating sa angking katalinuhan ay nababase. Magkahiwalay lang naman ang building ng babae sa lalaki. Ang kaisa-isang rule na mahigpit na ipinatutupad rito. 

"Aya!"si Rosemarie, ang babaeng crush na crush/ bestfriend ko. Malungkot mang isipin pero babae ang tingin nya sakin at hindi lalaki "kasi babae nga naman talaga ako na may pusong lalaki".😊

"Uy! Beshie, musta bakasyon? Na-miss kita ah",masiglang bungad niya. Makita ko lang siya buo na araw ko, hehehehe.😂

"Ayiee, miss din kita beshie. Nagbakasyon pala kami sa may Palawan. Binisita ko 'yung Island na pinagbakasyunan nina Taguro at Sensui. Kinikilig ako, gosh!", sus! kikiligin ka din sa akin. 😅

"Hayy nako beshie, isa na naman yan sa mga asawa mo. Pahinga ka dyan", medyo may pang-aasar kong sabi.

"Hindi kaya! Fiancé ko lang siya ang totoo kong asawa ay ang nag-iisang si Juanito Alfonso Mylabbbsss...Kyahhh!" sanay na ako sa kanya kaya nahawa na rin akong magbasa ng wattpad dahil sa kuryosidad kung bakit baliw na baliw ang mga babae well, except sa akin sa mga lalaking NEVER NAMANG NAG-EEXIST! AHAHAHA.. 😂

But, hindi naman ako nega noh. May naging crush din naman ako ng 2 months, si Lorelei dun sa project Loki ba 'yun? matagal ko na kasing natapos eh.. Ang galing nya kasing magdeduce ng mga possible cases with Loki Mendez siyempre at feeling ko ako siya, yung guy pero di ako nerd feel ko lang naman eh.Masama ba? Hehehehe😆

"Beshie, ma-iba ako sana maging classmate kita para may kakwentuhan at kaclose na agad ako", naka-pout niyang sabi. "Sana nga".sabi ko sa sarili.😪

"Ako din beshie malay mo naman kasi literal na magkakaklase lang ang mga babae at lalaki dahil isa sa rule ng school natin iyon at baka magnilang anghel iyang mga sinabi mo", masaya kong wika kay Rosemarie

"Beshie, cr lang ako ahh.", pagpapaalam niya.

"Sige lang besh. Take your time. Ako na lang titingin dun sa board ng lists ng room no. natin." pagpapaliwanag ko.

-----------

Hinawi ko  'yung ibang estudyante hanggang sa makita ko yung dulo non. "Aaaahhh!", napapikit ako sa sakit ng maapakan ng isang lalaki 'yung kanang paa ko.

Oo nga pala! Pwede pa ding magsama sa iisang lugar ang mga estudyante rito. Hayyst!

"Hoy! bulag ka ba? o di kaya manhid ahh!?", galit kong sabi.😈

"Sorry? Ikaw ang humarang d'yan kasalanan ko bang maliit ka ahhh!?", aba't mayabang to ahhhh.. 😈

Binatukan ko siya. " Sira-ulo ka pala eh. Ako maliit eh bakit naabot ko 'yang bunbunan mong natatakpan nyang mala-palay mong buhok?", huh! kala mo ahh. Walang sinuman ang bubully sa tulad ko, dugong Rodriguez ata toh!😋

Medyo nakakaagaw-pansin na kami at mukhang magkakarecord na ata ako neto sa guidance! Well, nakakaenjoy namang asarin tong mokong. Namumula na siya malamang sa galit... AHAHAHAHA😂

"Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo miss", mariing sabi nito.

" Di naman talaga kita kilala. Are you shabu?", may pang-aasar kong tugon. Medyo kinakabahan na ako pero siyempre kelangan galingan ko sa pagpi-pretend na superior sa kanya di ba?

"W-what!? Alam mo kung hindi ka lang babae kanina pa kita sinapak", nanggagalaiti nitong sabi. Napa-smirk ako. At heto na nga babae daw ako. Tologo bo!?

Napaatras ako ng humakbang si Dexter papalapit sa akin samantalang yung ibang mga estudyante ay nahahati sa gitna na para bang nagbibigay-daan para sa inaabangang magandang eksena.

"O-oy! Anong ginagawa mo ahh!?", ninenerbyos kong sabi.

Kinuwelyuhan niya ako. "Tandaan mo. Ako si Dexter Rio Chan. Kilalanin mo ako kung gusto mo kasi mukha ka namang isa sa mga stalker ko" ayy, mahangin saka ako STALKER!? Kabahan siya. yayks!

" Ako stalker!? Never! Hindi ako magsasayang sa tulad mo. Ano ulit pangalan mo? Rio? Roo? Manok ka ba? kasi bagay sayo. ", BURN!!!😎

"Aba't---"🔔 *KRIIIIING*🔔 (bell po 'yan hehehehe)

Whoo! saved by the bell. Yesseerrrr!

"Asahan mong hindi ito ang huli nating pagkikita, Aya", may pagbabanta sa tonong sabi ni Dexter.

Wait! Paano nalaman ng mokong to ang pangalan ko? Ayysshhh, malamang nakasulat sa uniform ko nga pala!

Mukhang masuwerte ang unang araw ko ahh grabe. Binabawi ko na talagang feel kong ako si Loki, named as the god of mischief. Ang galeng!😏

"Uy beshie! Anong nangyare sayo at nakatulala ka diyan? Mahuhuli na tayo sa klase", si Rosemarie.

Author's note:

Ako'y nagpapasalamat sa inyong munting suporta sa patuloy na pagbabasa sa aking unang akda. 😇

The Opposite Attraction Of MineWhere stories live. Discover now