Aya's POV
4:00 am
Madilim, dinig na dinig ang tilaok ng mga manok at taglay ang lamig ng simoy ng hangin.
Isa sa malaking sakripisyo sa aming mga gwapong lalaki, ang gumising ng maaga. Pero siyempre, hindi uso sa'kin 'yung pagiging tamad mabait kase toh!Hahaha..
Unang araw pa naman ng klase ngayon, malamang puro introduce yourself at pa-attendance lang yung magaganap. Hayys, 'di bale na "be positive" isiping maraming girls na nag-aantay sa iyo Aya ay no it's Ivan pala. "Tssk! lagi mong nakakalimutan yan ang pogi ng pangalan mo oh bagay sa may ari",may pagmamalaki kong sabi.
Humarap muna ako sa salamin at ipinusod ang mahaba kong buhok sabay lagay ng aking favorite na sumbrero na si "Dex".
'Di ba may pa pangalan pa, bata pa kasi ako nasa akin na iyan.
Hindi ko maalala kung sino ang nagbigay basta Dex ang pangalang natatandaan ko kaya siguro I named that after him. Minsan napapanaginipan ko yung scene na suot ko siya kaso blurry. Ang weird diba??
Siyempre hindi ako papayag na mawala lang siya sa akin ng ganon-ganon lang.(Possessive eh)
Mawala na ang lahat wag lang ang favorite cap ko! Joke lang..✌😂 Basta ipaglalaban ko siya ng patayan kapag may umagrabyado kay Dex,sapakan na lang. OA ko na jusmiyo!😅Maka-kilos na nga!
Papunta na ako ng kusina ng may marinig akong kalansing ng kaldero at mabangong amoy ng ginigisang corned beef at sibuyas. Shems! Ansarap gutom na ko😍
Pero teka! Sino 'yung nagluluto? Magnanakaw!? Eh ba't nagluto muna siya bago kunin 'yung Ref., yung T.V at kahit na anong pedeng manakaw sa bahay namin? Napatakbo ako sa kinaroonan ng matandang lalaki na abala sa pagluluto. Ayy, akala ko kung sino na si tatay lang pala.
"Tay, ang aga pa po ah.Tulungan ko na kayo diyan", medyo nakapagtataka lang na maaga siya nagising ngayon ahh. "Nagtataka ka siguro anak kung bakit maaga ako nagising no?", hala! mind-reader na ba si tatay? Jusmiyo, di ako naorient!
"O-opo tay! Hehehe tay may powers po ba kayo? Paano nyo nalaman 'yung iniisip ko?", out of curiosity kaya 'yun ang natanong ko kaso ang lame pala ng datingan.
"Nako, Aya! Ikaw talagang bata ka kung ano-ano ang nasa isip mo. Powers, powers ka dyan. Halata kasi sa mukha mo na nagtataka ka. Kunot na kunot ang noo mo eh", ayy grabe siya.
"Tay naman eh! Hindi po Aya, it's Ivan. Ang pogi kaya ng anak nyo. Oh! hawig na hawig nga tayo ng mukha eh.", suportahan mo na ko tay please....😆
"Basta! Ikaw si Aya ang maganda kong anak saka unang araw ng pasok nyo ni Alex di ba? Asan na ba ang kuya mo ng makapag- almusal na?", si tatay talaga oh galing sumegway.
Nagwalk out ako.
Nakakatampo kase. Joke😅
Pero bago pa ako makalayo eh nakita ko pa sa aking "peripheral vision" yung pag-iling at palihim na pagtawa ni tatay. 'Di ba galing mang-asar, hindi nya sinusupport ang gwapo nyang anak.😞
Pero kahit sinasabihan nya ako na babae, maganda at kahit na anong bagay na hindi nakakalalaki, mahal na mahal ko 'yan si tatay pati si kuya siyempre.. utol ko yan eh😇
At kung di ko yan mahal si kuya? malamang kanina pa ko lumamon sa kusina kaso eto ako ngayon umaakyat sa kwarto nya.
Damuhong grabe kung matulog!
Tok!tok!tok!
"Kuya! Gising ka na ba? Kain na daw!", sige wag mo ko pansinin papasukin ko talaga yang kwarto mo.
"Kuya!Papasok ako dyan sa kwarto mo", ayaw mo ahh makikita ko na naman yang mga magazines nya na puro naka-bikini at mga sexy-ng babae na nakadikit sa pader nya, WAHAHAHAHA..
Bubuksan ko na ang pinto ng biglang...NAKALOCK! Hala! hindi pwede to..Huhuhuhu
Yung chance mo na pero nawala parang bula.Hayys
"Bahala ka dyan kung ayaw mong magpagising!", lalayas na sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Yes!😂
"Ano ba 'yan bunso ang ingay-ingay mo ang aga-aga--", agad akong lumusot sa gilid ni kuya para makapasok sa loob ng kwarto nya.
Wow! Hala! nagbrown-out ba ba't dumilim? "Hindi mo pwedeng makita yan,my dear sister",hayys, si kuya talaga.
"Eh tara na daw kuya kakain na "po" tayo" qiqil ako ni kuya eh.
" Tara na baka kung ano pa makita mo dito", aba't naniniguro talaga syang wala akong makikita..
Nakakainis para tuloy akong bata.
"Oh,antagal mo atang gisingin yang kuya mo?", sabi ni tatay na abala sa pag-aayos ng hapag-kainan.
"Si kuya kasi tulog-mantika", pagsusumbong ko.
"Hindi mo masisisi si kuya bunso lalaki kaya kami, natural na 'yon", may pabiro sa tonong wika ni kuya Ethan.
Siya nga pala si Ethan Rodriguez. Ang ganda ng pangalan pero ang baho ng palayaw,joke lang hihihihi. Pogi din tulad ko at same school lang din yung lugar kung saan kami nag-aaral pero hiwalay ang babae at lalaki ng building. Kaya ako nagdidiwang pa din kasi ako, puro babae kasama siya puro lalaki,nakakabakla...Yayks!😂
"Kumain na nga kayong mga bata kayo. Ikaw Buknoy wag mo ng asarin iyang si Ay-ay", isa pa to si tatay eh sabi-sabi na wag mang-aasar pero sya tong grabe makabanggit ng palayaw namin.
"Mmmm...tay! Wala talaga tatalo sa luto mo. Pang- dabest to!", si kuya talaga ang galing ding sumegway hahahaha.
"Sus, nambola pa! O siya may pasok pa ako sa trabaho at ako'y baka mahuli na", wika ni tatay.
"Sige po tay! Kami na pong bahala dito ni kuya", masigla kong sabi.
Aminin man ni tatay o hindi nakikita namin na mahirap magpalaki ng dalawang anak ng mag-isa kaya hanga talaga kami sa kasipagan at katapangan nya ng loob. Simula ng mawala si Mamu, hindi naging dahilan yun para magpalamon sa lungkot bagkus ay nagpakatatag siya at hindi pinakita ang sakit na nararamdaman.
Ngunit, may mga bagay talagang hindi maitatago.
Noong araw matapos si Mamu maiburol, doon ko narinig ang pag-iyak at pagdadalamhati niya sa loob ng kanilang kwarto. Habang ako, hindi ko nagawang pumasok sa loob, tanaw-tanaw ang aming ama na aakalain mong malakas sa paningin ng iba ngunit may itinatago ring kahinaan sa loob.
Ang pagiging malakas niya para sa amin ay nagpapatunay na napakaswerte namin at naging tatay namin siya.
Author's Note:
Hello po!!!!! You can request for the scenes you like to add in this story. :) Hope you like it!!!!Baka maedit ko pa po siya. Just wait for the another chapter :)
YOU ARE READING
The Opposite Attraction Of Mine
Teen FictionAko si Aya Rodriguez. Maganda sinasabing D'yosa pero ang hindi alam ng lahat, isang babaeng may pusong lalaki na naghahanap ng kapwa babae. Maniniwala ka ba na ang isang tulad ko na isang titibo-tibo ay mahuhulog sa isang lalaking kaylanman ay hindi...